MAAGANG NAGISING si Kali kinabukasan.She really had a good sleep last night. She smiled upon remembering Xander's call kahit medyo palaisipan pa rin talaga sa kanya ang huling sinabi nito.
Wala naman doon si Trish para tuksuhin siya kaya pinakawalan niya ang kilig na nadarama.Narealize niya mahirap palang itago ang ganoong damdamin.Lalo na at mahilig magpakilig ang binatang propesor.
Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya?Umiibig na ba siya sa binata?Pero hindi niya pa ito lubos na kilala.At isa pa bawal ang romantic affair sa pagitan ng guro at estudyante nito.At lalo siyang natigilan nang maalala ang kasunduan nilang magkapatid.No Bf Policy hanggang dipa siya nakakatapos ng pag- aaral at nagkakaroon ng stable na trabaho.
Pilit niyang itinaboy ang mga isipin at tila sumasakit ang ulo niya.Simpleng t- shirt lamang ang isinuot niya.V- neck iyon na kulay puti at tinernuhan nya ng faded maong shorts.Hindi gaanong maikli ang shorts niya pero litaw na litaw ang bilugan at makinis niyang hita at binti.Maganda ang hubog ng katawan ni Kali sa edad na disisiete.Dalagang- dalaga na talaga siyang tingnan.
Ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok.It was a messy bun at sa ganoon kasimpleng get up ay hindi aware ang dalaga na napakaganda at seksi nyang tingnan.Pagkatapos maghilamos ay nagpasya na siyang bumaba at dumiretso sa kusina.Nagtimpla muna siya ng kape bago pumunta sa hardin para diligan ang kanyang mga alagang halaman at bulaklak.
Kinausap niya ang mga ito pagkatapos dahil ayon sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito ay nakatutulong raw iyon para lalong mapabilis ang pamumulaklak at pamumunga ng mga pananim.Saka siya nagbalik sa kusina para magkasalong mag- almusal at si yaya Nora.
Tuwang- tuwa si Kali nang maamoy ang nilutong almusal ng matanda.Her favorite tapsilog!Alam nitong paborito niya iyon."Ya,ako na po ang bahalang maghugas ng mga plato.Maglilinis din po ako ng bahay pagkatapos."
Schedule niya talaga pag walang pasok na tulungan ang matanda sa mga gawaing bahay.
Ayaw niyang mahirapan ito nang husto.Mamamalengke pa ito pagkatapos ng almusal at siguradong hinihintay na ito ni Mang Danny sa labas.
"Sigurado ka ba hija?Wala ka bang ibang gagawin?",nag- aalalang wika ng matanda.
Nginitian ito ni Kali.
"Opo ya,bukas na rin po tayo maglaba.Marami pa naman po akong oras para sa homeworks ko.Sige na ho at baka naghihintay na sa inyo si Mang Dante.Mainit na rin ho mamayang patanghali."
"Ikaw ang bahala.Pero wag kang magpapakapagod
"Ikaw ang bahala.Pero wag kang magpapakapagod masyado ha.Ano nga pala ang gusto mong ulam para sa tanghalian"
Tumayo na si yaya.Tapos na itong kumain at bihis na rin,suot ang damit nitong pamalengke."Isda at gulay naman po tayo.Tinola na po tayo kagabi kaya pass muna tayo sa karne at baka po ma- highblood na tayo.",biro ng dalaga rito.Pero natatakam talaga siya sa isda at gulay.Medyo may katakawan kasi talaga siya mabuti na lamang at hindi siya tabain.
Ganoon sila pinalaki ng mga magulang.Kailangan balanse lahat lalo na pagdating sa pagkain.
Bigla tuloy siyang nalungkot nang maalala ang mga ito.Napansin agad iyon ni yaya Nora.
"O siya ako'y aalis na.I- lock mong maigi ang gate ha.Mag- isa ka pa naman dito.Mabuti ng nag- iingat ha.Hayaan mo at hindi naman ako magtatagal doon",anitong iniba ang usapan.
Inihatid niya ito sa gate at tama ang hinala niyang naroon na si Mang Dante.Pagkatapos bilinan ang matanda na mag- iingat ay ikinandado na muli niya ang gate nila.
PAGKATAPOS hugasan ang mga pinagkainan at linisin ang lababo ay isinunod ni Kali ang banyo sa ibaba.Pinunasan niya naman ang mga furnitures sa sala pati na ang mga salamin ng bintana.Nagwalis at nag- mop din siya ng sahig.
Sinipat niyang maigi kung malinis na talaga sa ibaba saka siya umakyat sa itaas.
Huli niyang nilinis ang kanyang kwarto.
Wala siyang maramdamang
pagod.Nag- enjoy pa nga siya sa ginawa.Pinawisan siya.
Kahit hindi nakapag- jogging ay para na rin siyang nag- exercise,naisip ni Kali kapagkuwan.Kumuha siya ng isang malinis na tuwalya sa damitan niya at binuksan ang bentilador.Ayaw niya ng masyadong malamig kaya naka- number one lang iyon.
Humiga siya saglit sa kama niya at tumingala sa kisame.
Naalala niya bigla ang ate Seana niya.Ilang linggo na kasi itong hindi tumatawag kaya nag- aalala na sila ni yaya.
Sabi naman nito ay busy lang daw sa negosyo nila doon pero namimiss na kasi niya ito.
Nagulat si Kali nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa tokador.
Tumayo siya para tingnan ang tumutunog na aparato.Kahit hindi naka- save sa contacts niya ang number ng tumatawag ay alam niya kung sino iyon. Kabisado na nga yata niya eh.Kinakabahang dinampot niya ang cellphone at nanginginig pa ang kamay nang pindutin ang answer button para sagutin ito. "Hello?,aniya sa nanginginig na boses. "Hello there,Ms Beautiful." Kahit hindi nakikita ang binata ay batid niyang nakangiti ito.Napahawak siya sa dibdib nang marinig ang malamig at buong- buo nitong tinig.Pakiramdam niya ay napakalapit lang nito,katulad kagabi nang una siyang tawagan ng binata.
"Sir Xander..kayo pala",halos nauutal niyang wika sa sobrang kaba.Nagkunwari siyang nagulat sa pagtawag nito. "Yeah,missed me?" Alam niyang biro lang iyon pero agad nag- init ang kanyang mga pisnge. Bakit ba siya nito pinakikilig ng ganoon kaaga? Tumawa ito sa kabilang linya nang hindi siya sumagot.Napakasarap pakinggan ng tawa ni Xander.Napapikit na naman si Kali. "Let me guess,you're blushing again,right Kaliana?"
Dikawasay napamulat si Kali.Paano nito nalaman?Nakikita ba siya nito? Mas lumakas ang tawa ni Xander nang hindi pa rin sumagot ang dalaga. "I know you very well Kaliana.. Hindi ko kailangang makita pa ang mukha mo para malaman ang reaksyon mo.",dagdag nitong tila nabasa ang nasa isip niya. Kakaiba talaga ito.Hindi lang pala ito maestro,manghuhula rin. "I missed you Kaliana.I really do.Alam mo bang hindi na naman ako nakatulog kagabi kakaisip sayo?",biglang naging seryoso ang boses ng binata. "Sir Xander....",tanging naisagot ni Kali. Narinig nya ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
"I just wanted to ask kung may gagawin ka ngayon,Kaliana?",tila nahihiya na ito. Kanina lang ay pinakaba siya nito sa mga banat nito pero ngayon ay baliktad na dahil mukhang ito naman ang kinakabahan. "Well,naisip ko kasi na maybe we can start the project ASAP,yun ay kung papayag ka lang naman.",patuloy ni Xander nang di pa rin magsalita si Kali. "Pero kung busy ka- - - -"
No,I'm not busy!-" Natigilan ang dalaga at natutop ang bibig.Nakakahiya,naisip niya. Pero ayaw niya kasing magbago bigka ang isip ni Xander. "Ang ibig ko pong sabihin sir ay hindi naman po ako gaanong busy.Pwede ko naman po isingit sa schedule ko,"nahihiyang paliwanag niya.Sobrang pula na naman ng mukha ng dalaga. Bakit ba kasi pagdating kay Xander ay palagi siyang natataranta? "Are you sure,Kaliana?,"paniniyak ng binata. Bakas ang kasiyahan sa tinig nito kaya lihim na napakagat- labi si Kali para pigilan ang nadaramang kilig. "Opo sir..Kelan po ba natin sisimulan ang-"
"Ngayon na sana.Wala kasi akong gagawin ngayon.",tila nag- aatubili ito pero may kalakip ding kasiguraduhan ang tinig nito. Nahihiya din siguro,bulong ni Kali sa sarili. Pero bigla siyang nalito.Ngayon na ba talaga?As in literal? "Nasaan ho ba -" Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil biglang tumunog ang doorbell.Nag- alangan siya kung bababa para buksan iyon o ipagpapatuloy ang pakikipag- usap sa binata. Pinili niya ang una.Dala ang cellphone ay bumaba siya at tinungo ang gate nila.
NABUNGARAN ni Kali ang kanyang yaya Nora pagbukas nya ng gate.Nang tuluyan itong makapasok ay agad na niyang isinarado ang pinto.
Nasa main door na si yaya ng bahay nila nang bigla itong lumingon na tila may naalala.
"Hija,bakit isinarado mo na ang gate? Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo?"
Natigilan ang dalaga sa tinuran ng matanda.Sinong bisita ang tinutukoy nito?
"Aba'y sabi ni Dante eh kanina pa raw may kotseng nakaparada diyan sa labas.Bago pa kami magtungo sa palengke ay namataan na niya,ang akala niya ay napatigil lamang.Pero nang maabutan namin na nandiyan pa rin ay saka pa namin napagtantong dito yata talaga ang pakay,"mahabang paliwanag ng matanda.
Dating family driver nila si Mang Dante pero nang pumanaw ang kanilang mga magulang ay pinalipat na nila ito kina Trish. Pero ito pa rin ang nagsilbing service nila.Ito ang tagasundo't- hatid nf ate Seana niya noong college pa ito at ngayon ay sumasabay na sya kay Trish tutal sa iisang subdibisyon naman sila nakatira at iisang eskwelahan din ng pinapasukan.Ito rin ang nagda- drive para kay yaya Nora twing mamalengke at mago- grocery.
Sabay silang napatingin ni yaya sa cellphone na nasa kamay pa pala niya nang bigla iyong tumunog.May kutob siya kung sino ang tinutukoy na bisita ng yaya niya pero ayaw niyan ring umasa masyado..
"Hello sir Xander.."
Pigil- hiningang wika ni Kali.
"Kaliana,nandito ako sa labas ng-"
Hindi na ito pinatapos pa ng dalaga.Dali- dali na niyang binuksan ang gate.
Hindi na niya nakitang makahulugang sinundan siya ng tingin ng matandang tagapag- alaga.
Ang nag- aalalang mukha ng binatang propesor ang nagisnan ni Kali pagkabukas ng gate.
Nakaramdam siya ng labis na hiya nang matuklasang kanina pa pala ito roon.Pakiramdam niya ay tila tumigil na naman sa pag- inog ang mundo.
Napakgwapo pa rin ni Xander kahit pinapawisan ito gawa ng mainit sa labas.Simpleng t- shirt at walking shorts lang ang outfil ng binata pero napakakisig pa ring tingnan.
Mukha pa rin itong mabango kahit medyo nababad sa ilalim ng araw.He looked so clean and fresh.
Nahihiya si Kali sa binata.Kung alam niya lang na kanina pa pala ito roon ay kanina pa sana siya bumaba para papasujin ito.
Bakit ba kasi hindi nito sinabi sa kanya kaninang kausap niya ito sa telepono na naroon pala ito sa labas?At paanong nalaman nito ang address nila?
Naalala bigla ni Kali si Troy. Hindi lang pala iyon ang stalker niya,mukhang pati yata ang propesor nila.
Pakiramdam niya ay napakahaba ng buhok niya.Talagang nahawa na siya sa kakirihan ng kaibigang si Beatris.Lalong nadagdagan ang nadaramang hiya ni Kali nang pasimple rin siyang hinagod ng tingin ni Xander.Na- conscious bigla ang dalaga nang maalalang katatapos lang niya maglinis ng bahay.Siguradong madumi siya at amoy- pawis.
Ni hindi na sya nakapag- ayos man lang bago humarap dito.Hindi nya napaghandaan ang eksena.Tila nabasa naman ni Xander ang nasa isip nya.Matamis ang ngiti nito sa kanya at pakiramdam nya ay mahihimatay siya sa labis na kilig!
"You still look beautiful Kaliana.You'll always be beautiful in my eyes."Kanta ba yun?Binibiro ni Kaliana ang sarili para wag masyado kiligin sa mga banat ng binata.
She felt his sincerity.Lahat naman yata ng sasabihin ni Xander ay paniniwalaan niya.Pakiramdam niya hindi ito magsinungaling.
"Don't tell me dito na lang tayo mag- uusap sa labas?",he teased.
Tila natauhan naman si Kali at lalong namula na ikinatawa ng binata.Pang- bedroom ang boses nito.Nakadama ng kakaibang kiliti ang dalaga.
"PASOK kayo Sir,pasensya na po talaga kung matagal kayo naghintay.Ang init pa naman sa labas.Bakit ba kasi hindi kayo nag- doorbell eh kanina pa pala kayo doon?",nahihiya pa rin pero pinilit ng dalaga magsalita.
Isang nahihiyang ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Xander.Property pa rin naman ng mga Morales ang kabuuang lote pati na ang labas kaya okay lang na hindi na ipasok ang sasakyan ng bisita.It was safe outside.
Pagkatapos maisarado ang gate ay nagpatiuna na maglakad si Kali sa loob ng bahay.Ilang na ilang siya dahil nararamdaman na naman niya ang maiinit na tingin ng binata sa likuran niya.
Iginiya niya ang binatang propesor sa sala at pinaupo sa sofa.She felt thankful and relieved na maaga siyang nakapaglinis.
Napansin niyang inilibot ng binata ang tingin sa buong kabahayan.
Biglang lumitaw mula sa kusina si yaya Nora.Nahihiyang ipinakilala ni Kali ang bisita sa matanda.Ito ang unang beses na nagkaroon siya ng bisita at lalaki pa,maliban siempre kina Trish at Tyler.
"Yaya,si sir Xander po.English prof namin ni Trish."
"Naku ay propesor nyo pala itong bisita mo hija.Aba'y magandang umaga po sa inyo ser.Pasensya na kayo kung matagal kayong naghintay sa labas. Kabilin- bilinan ko kasi dito kay Kali eh wag basta magpapapasok ng tao",mahabang paliwanag ng matanda.
Napangiti naman ang binata.
"Wala ho kayong dapat ipag- alalal yaya.Isa pa,hindi naman po alam ni Kaliana na naroon ako sa labas.".
Bahagyang namula ang binata pero hindi iyon nasaksihan ni Kali dahil sa yaya Nora ito nakatingin.Naging makahulugan naman ang ngiti ng matanda sa binata.
"Ako nga pala hijo si yaya Nora.Ulilang lubos na kasi sina Kali.Ang ate naman niya ay nasa Canada, siyang namamahala sa naiwang negosyo ng pamilya.Ako may ulilang lubos na rin kaya halos dito na rin ako tumanda sa kanila."
Inabot ni Xander ang kamay ng matanda at nagmano.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala,yaya.",anang binata.
"Alexandro Perez nga ho pala.But you can call me Xander."
Matamis pa rin ang ngiti ng binata sa yaya ni Kali.
"Perez ba ika mo hijo ang apelyido mo?",kunot- noong tanong ni yaya.
"Yes yaya.Bakit po,pamilyar po ba sa inyo?"
Maging si Kali ay tila naging interesado sa isasagot ng matanda.
"Ah,hindi naman hijo.O siya sige maiwan ko na muna kayo jan ha?May niluluto pa nga pala ako sa kusina.Feel at home hijo.."
Bat tila umiwas bigla si yaya.May itinatago ba ito?
Nakailang- hakbang pa lang ang matanda nang lumingon ito.Nakatutok kay Xander ang mga mata.
"Matanong ko nga pala hijo,bakit ka nandito?"
Batid ni Kali na may laman ang tanong ng matanda.Hindi agad nakasagot si Xander dito.
"Ya,may project po kasi kaming gagawin ni sir Xander.Bilang ako ho ang class president kakailanganin ho niya ang tulong ko.",salo ng dalaga sa tila pag- interrogate ni yaya sa propesor niya.
"Ganoon ba?O siya maiwan ko na talaga kayo para makapagsimula na rin kayo."
Nagpalipat- lipat muna ang tingin ni yaya sa kanila ng binata bago ito tuluyang bumalik sa kusina.
Anot sinapian rin yata ang matanda ng espiritu ni Trish.Nangingiting napailing na lang si Kali.
Naiwang kapwa sila tahimik ni Xander.Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagpasya ang binata na basagin ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Will you please sit down,Kaliana?Bahay mo ito pero parang ikaw ang bisita."
Alam niyang sinusubukan nitong pagaanin ang mood sa pagitan nila.At natawa naman ang dalaga sa tinuran ng propesor.
Nahihiyang tumalima siya dito.Umupo siya sa sofa na kaharap ng inuupuan nito.
Then Xander started to explain her his plans for their room.
According to him,that room is special kaya gusto nito iyong paggandahin.Tutal ay regular na magiging kwarto daw nito iyon sa Ohana University.
He also wanted to repaint walls of the said room and add some decorations including class pictures.
At dahil sila ang unang klaseng hinawakan nito ay larawan nila ang unang ilalagay roon,at siempre kasama nila si Xander sa litrato.
LALONG napahanga si Kali sa nakikitang dedikasyon ni Xander sa trabaho.She promised to him that she's willing to do anything to help him.She was also thingking of asking Trish's help.
Naputol ang pagmumuni- muninng dalaga nang mapansing matiim ang titig ni Xander sa kanya.Bigla siyang kinabahan.
"Kaliana...",halos pabulong na saad nito.
"Ayaw sana kitang biglain kaya lang- - -"
Tila nahihirapan ito at di maituloy ang sasabihin.
Kali just kept on listening.
"The truth is...hindi lang talaga yung tungkol sa project ang dahilan ng pagbisita ko.."
He paused again.Mas lalong lumakas ang kabang nadarama ng dalaga.
"I saw you and Troy yesterday."
Biglang lumungkot ang ekspresyon sa mukha ng binata.
Kali couldn't believe what she heard but that explained it all.Nasagot na ang ilan sa mga tanong sa isip niya.
"I just want to ask you this,Kaliana."
Again,he stopped for a while bago nagpatuloy.
"Do you like Troy Castro the way he likes you?"
Kali was speechless.Hindi makaapuhap ng isasagot ang dalaga.Bakit ba siya tinatanong ni Xander ng ganoon?