Chapter Six

2863 Words
TROY was a good catch- handsome,famous and rich.Pantasya ng halos kalahati ng kababaihan sa OU, pero wala siyang nadaramang romantiko para dito. Ganunpaman,nagpasya si Kali na huwag na lang sagutin ang tanong ng binata.Nanatiling tikom ang bibig niya. "Okay,I know I've no right to ask you such question, wag mo na lang sagutin kung- - -" "Yes,I like Troy.",putol ni Kali sa sasabihin ng binata. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito na agad napalitan ng sakit. "But not the way he likes me.I like him as a friend." Nagliwanag ang mukha ni Xander nang marinig ang tinuran ng dalaga. Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Kaliana,listen to me carefully,okay?Wala kang kailangang sabihin,I just want you to listen.." Naguguluhan man ay napatango na lang ang dalaga.Masyadong seryoso ang mukha ng kaharap niya. "I don't know how to say this without looking as a jerk but I can't hide my feelings anymore.My real feelings for you...",he paused and held her hand.Hindi naman tumutol si Kali. "I think I've fallen for my student." Madamdaming tumitig ang binata sa mga mata niya. "And that student is you.Yes,you.I'm inlove with you Kaliana Morales." Halos bulong lang iyon malinaw na narinig ni Kali.Gusto niyang maiyak sa sitwasyon.Hindi niya alam kung paano magrereact. Nandito sa harap niya ang binatang lihim niyang itinatangi.Hawak ang kamay niya at nagtatapat ng pag- ibig sa kanya. She must be dreaming. She decided to meet his gaze.At nabasa niya ang sinseridad sa magagandang mata nito. Halos mabingi si Kali sa lakas ng t***k ng kanyang puso.Higit na malakas ito ngayon kesa nung una nilang pagkikita ni Xander. "I know it was wrong pero hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko.Hindi ko naman hinihiling na tugunan mo ang nararamdaman ko.Bata ka pa,alam ko yun.And I'm your professor.Pwede rin akong makasuhan nito-" "Sir Xander...",si Kali na hindi na pinatapos ang binata.Hindi niya ma- imagine na makukulong ang binata dahil sa kanya. Ayaw man niyang aminin pero batid niya sa sariling may espesyal din siyang pagtingin para sa gwapong propesor. Pinisil ni Xander ang palad ng dalaga.Para siyang nalulunod sa emosyong nababasa sa mga mata ng binata.Punung- puno iyon ng pagmamahal. "I just wanted you to know the truth,Kaliana- my real feelings for you.At sana ay wag kang magagalit kung magmula ngayon ay ipapakita at ipaparamdam ko iyon sa'yo.Sa harap ng lahat." "And I'm hoping na hindi mo ako iiwasan dahil masasaktan talaga ako.." Labis ang nadaramang kilig ni Kali.Still couldn't believe na heto ang lalaking laging laman ng isip,nasa harap niya,holding her hand and declaring love. Totoo ba ito?Natanong niya ang sarili. Nakalimutan na may ibang tao pa sa bahay maliban sa kanila.Wari kasi niya ay silang dalawa lamang ang naroon at nagsasalo sa mahiwagang sandali. Maging ang pangako sa ate niya na nasa Canada ay kagyat na nakalimutan ng dalaga. "Mga hijo at hija,tara nang kumain." Dikawasay nahinto sa pagtititigan ang dalawa at pasimpleng hinila ni Kali ang kamay mula sa binata.Pero huli na dahil nakita na iyon ni yaya Nora. Kapwa sila namula nang magpalipat- lipat ang mga mata ng matanda sa kanilang dalawa. Hiyang- hiya si Kali sa kanyang yaya Nora kahit hindi naman ito nagkomento.Nahiling na lang niyang sana ay wag itong magsusumbong sa ate niya. Dito ka na mananghalian,hijo."anang yaya Nora."Para naman may kasabay kami ni Kali." Nakahinga nang maluwag ang dalaga.Ramdam niyang nahihiya si Xander pero pinagbigyan din nito ang matanda. Ang upuang katabi ng sa kanya ang pinili nito,yung upuan na inookupa ni Seana noong nasa Pilipinas pa ito. Sa kabilang dulo lagi nakapwesto si yaya dahil mas mabilis ito makakakilos doon sakaling may kailangang kunin. Hindi muna naupo si Kali,tinulungan niya si yaya sa paghahanda ng mga plato.Pritong tilapia at pinakbet ang niluto ng matanda gaya ng bilin niya.Nag- alala siya na baka hindi iyon magustuhan ng kaniyang bisita. Gumawa muna siya ng sawsawan.Toyo,kalamansi at sili sa halip na catsup.Maingat ang kilos ng dalaga kahit nag totoo ay sobra siyang natataranta at naiilang. Nakakabigla kasi ang mga kaganapan. Kanina,nagtapat ito ng pag- ibig sa kanya.Ngayon naman ay kasama nila itong kumakain. Naalala niya ang bestfriend niyang si Trish,kapag nalaman nito ang mga nangayari ay katakut- takot na panunukso na naman ang aabutin niya. Kapwa sila tahimik ni Xander hanggang matapos kumain.Sinabihan siya ng matandang ito na daw ang bahala sa kusina. Nagpasalamat muna dito ang binata bago sila bumalik sa sala. "Ang sarap pala magluto ni yaya,sobrang nabusog ako.Hindi ko na maalala kung kelan ako huling nakatikim ng lutong bahay." Ngiting- ngiti ang binata.Lalo tuloy itong gumuwapo sa paningin ni Kali. Lihim na natuwa ang dalaga dahil nagustuhan naman pala nito ang pagkain nila.Hindi rin pala ito pihikan.Lalo na naman siyang humanga rito. "I think I have to go,Kaliana." Biglang sumeryoso na nama ito. "So you'll have enough time para makapag- isip.Tungkol don sa mga sinabi ko kanina,I really mean it.Mula nang unang beses na nasilayan ko ang mukha mo,hindi ka na nawala sa aking isipan." Hindi nakasagot ang dalaga.Nanatiling nakamasid lang sa binata. "Hindi ako nagmamadali,Kaliana." Pinakatitigan siya ni Xander.Tila naman siya nahipnotismo. Anyway,maraming salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa akin dito ni yaya.I really had a great time with you."He sincerely smiled at her. "Paano ba iyan,sobrang mamimiss na naman kita.Sana Monday na agad,no?" Huminga ng malalim ang binata. Nahihiyang tawa naman ang pinakawalan ng dalaga.She never thought Xander was such a sweet guy.And he was also showy.Napakagat- labi siya para pigilan ang nadaramang kilig. It was too late for her to realize na wrong move ang ikinilos niya.Dahil huling- huli niya si Xander na nakatitig sa mga labi niya at napalunok. Muling nag- init ang pisnge ng dalaga.Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ng binata."Bye for now,Kaliana. Kailangan ko na umalis bago pa ako tuluyang makalimot!" "You're so innocent yet so tempting,sweetheart. Pinahihirapan mo ako lalo sa ginagawa mo." Nakaramdam si Kali ng awa sa nakikitang paghihirap ng binata.At parang may sariling isip ang kamay niya na humaplos sa pisnge ni Xander. Hinawakan iyon ng binata nang makabawi sa gulat and closed his eyes. "Oh,Kaliana,sweetheart..."si Xander sa namamaos na tinig.Halo- halong emosyon naman ang nadama ng dalaga. Hindi na nakapagpigil pa si Xander dahil kinabig na niya ang dalaga at niyakap. "Oh my God,what's happening?!,litong tanong i Kali sa sarili.Pero ni hindi siya umiwas o lumayo rito.Hinayaan niya lang ito na yakapin siya. She was feeling both fear and excitement. Hanggang unti- unti niyang naramdaman ang paglapat ng malambot at mainit nitong labi sa sa labi niya.Wala siyang lakas para pigilan ito.. Para tumutol. Dampi lang sa una pero pakiramdam niya ay nakuryente siya.Nakakaliyo ang sensasyong hatid ng halik nito.Ganoon pala ang pakiramdam. Yes,it was her first kiss!And she couldn't believe she let him kiss her just like that.Ni hindi niya ito nobyo.He was her professor for God's sake! Nang maramdaman ni Xander na hindi naman tumututol ang dalaga ay unti- unting gumalaw ang labi niya. Nanantiya,nanunukso.. At hindi namalayan ni Kali na naikawit niya na pala ang braso niya sa leeg ng binata.Dahilan para mas lalong lumakas ang loob nito na ituloy ang nasimulan. Mas lalo pa siyang hinapit ni Xander na halos nagpadikit sa kanilang mga katawan. At wala na siyang naintindihan pa dahil tuluyan na siyang nalunod sa tamis ng mga halik ng binata. Wala na siyang pakialam kung tama ba o mali ang nagaganap sa kanila.Natalo na ng puso niya ang kanyang isip. Bago pa lang sa kaniya ang ganoong pakiramdam.She felt his lips continue moving kissing her softly and passionately. At ipokrita siya kung itatanggi niyang nasasarapan siya sa mga halik ng binata,ng kanyang propesor. Matagal nilang pinagsaluhan ang kanilang unang halik habang masuyong nakayakap ang binata sa balakang niya. Tuluyan na rin talagang nakalimot si Xander lalo na nang marinig ang mahinang ungol mula sa kanya. Lalong sumidhi ang nadaramang init ng binata.Natural lamang iyon dahil isa siyang lalaki at ang kapiling niya ngayon ay ang babaeng kanyang itinatangi. Tangay na tangay na sila pareho at lumalalim na rin ang halik ni Xander nang biglang may maramdaman si Kali na matigas na bagay sa may bandang puson niya. Awtomatikong naitulak niya ang binata habang nanlalaki ang kanyang mga mata at pulang- pula ang pisnge.Napatingin siya sa bahaging iyon ng binata. Kapwa pa sila hinihingal. Saglit na nagulat din si Xander sa ginawa niya pero nang marealize nito kung saan siya nakatingin ay napangiti nang nakakaloko. Hindi man lang nag- abalang takpan ang bahaging kitang- kita ang reaksyon kahit pa nakashorts ito. Biglang nag- echo sa tenga ng dalaga ang sinabi minsan ni Trish na baka malaki din daw ang- - - Natutop niya ang bibig at lalo pang namula.Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Xander . Nakadama siya ng inis dahil pinagtatawanan siya nito. Nakakahiya talaga!Wala na siyang mukhang maihaharap dito. "See what you do to me,Kaliana,"bulong nito sa tenga niya na ikinatindig ng mga balahibo niya sa leeg at batok.Ramdam niya ang mainit nitong hininga nang magsalita. Napapikit siya sa mga kakaibang emosyong nadarama pero dahan- dahan ding nagmulat ng mata nang maramdamang gawak ni Xander ang baba niya at itinataas ang mukha niya para humarap dito. "Look at me,Kaliana."utos nito.Tila naman siya robot na sumunod. "You let me kiss you so I assume the feeling is mutual.I already considered that as a YES from you.At ramdam ko sa pagtugon mo sa mga halik ko ang pananabik,mahal ko.Katulad ng pananabik ko sayo.Thankyou,sweetheart.You are mine now." Mula sa seryosong mukha ay biglang ngumiti ang binata.It was such a sweet smile at pakiramdam ni Kali ay nanlambot ang mg tuhod niya. Muli siya nitong hinalikan sa labi at hindi na siya nakapalag.Pero smack lang ang ginawa nito kaya medyo nadismaya ang dalaga. Niyakap siya nito nang mahigpit bago tinungo ang gate.Lumingon pa ito at muli siyang nginitian.Hindi na niya ito nagawang sundan dahil nanatili siyang nakatayo doon habang nakatulala. Kaybilis ng pangyayari.Kasalanan niya,hinayaan niya ang binata sa kapangahasan nito kanina. Nagpahalik siya rito,nagpatalo sa damdamin.At ngayon ay iniisip ng binata na mag- on na sila!Hindi pa rin siya makapaniwala. Bakit siya nagpadala sa karisma ni Alexandro Perez?! Pero muli siyang napapikit na tila ramdam pa rin ang paglapat ng labi nito sa kanya.Ta ang kaaya- ayang pakiramdam na yun.. Wala siyang makapang anumang pagsisisi sa nangyari kanina.Mahal niya si Xander at alam na rin iyon ng binata. Mahirap palang pigilan ang pusong umiibig.. Ngunit paani na ang pangako niya sa ate niya?Paano niya ipagtatapat kay yaya Nora?At paano niya haharapin ang binata pagkatapos ng mga naganap sa kanila kanina? Magulo ang isip na tinungo niya ang gate para ikandado.Wala siyang kamalay- malay na may nakasaksi sa ginawa nila ni Xander kanina. NAKATULOG si Kali nang may luha sa mga mata ng gabing iyon pagkaalala sa nakaraan. NAMAMAGA ang mga mata ni Kali nang magising kinabukasan.Ayaw man niya ay hindi niya maiwasang maalala muli ang nakaraan. Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya mula nang makausap niya si Xander sa telepono. Naniwala naman sa alibi niya na masama ang kanyang pakiramdam ang dalawang kasama sa bahay. Gimbal pa rin siya sa natuklasan. At alam niyang sa malao't madali ay muli niyang makakaharap ang taong misang nagparanas sa kaniya kung gaano kasarap ang umibig. Ngunit siya ring nagparamdam sa kanya ng walang kapantay na sakit at labis na kabiguan. Halos nakalimutan na niya ang malungkot na mga pangyayari sa nakaraan kung hindi lang sana ito muling lumitaw sa eksena. Alam niyang engaged na ito at ang ate niya pero di niya pa rin mapigilang makaramdam ng munting kirot sa kanyang puso. She decided to go out para naman makalanghap siya ng sariwang hangin.Sayang at wala ang kanyang kaibigang si Trish.Kasalukuyang nasa Hongkong kasi ito at ang asawang si Tyler for their honeymoon. She couldn't help smiling upon remembering how the two ended up together.Inabot pa ng siyam- siyam bago magkaaminan ang dalawa. Kung anong kulit at jolly ni Trish ay syang tindi din palang magpakipot!At sobrang nakakapikon naman ang katorpehan ni Tyler. Kung hindi pa siya gumawa ng gimik para pagselosin ang lalaki ay hindi pa siguro ito maglalakas- loob na umamin kay Beatris. At nasobrahan ito sa confidence dahil wala ng ligaw- ligaw,inalok na agad ng kasal ang bestfriend niya.Mabuti naman at tumigil na rin sa pag- iinarte ang bruha at iyon nga,sa hinaba- haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy. Siempre siya ang naging maid of honor at ninang naman ang kanyang ate Seana. Parehong pagtuturo ang ang piniling propesyon ng dalawa katulad din niya.Coach na rin si Tyler ng basketball at minsan ay pinagseselosan ni ni Trish ang mga estudyante kapag nagtitilian ang mga ito. They all loved their Alma Mater palibhasa ay napakarami nilang magagandang memories doon. Well,in her case,her worst experience happened there. Napabuntung- hininga na naman siya.Tila minumulto siya ngayon ng nakaraan. Wearing her favorite dress she stood in front of the mirror.It was a an off- shoulder floral long dress. Malambot ang tela niyon at kahit hindi fitted ay hindi pa rin naitago ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lalong na- enhance ang makinis niyang balikat at leeg. Gone was her black long hair.Dahil ngayon she liked it short.Hanggang leeg lang ang haba at pinakulayan niya rin ito ng blonde. Ang totoo,second year college pa sya nung unang magpagupit.Labis na ikinagulat yun ng lahat lalo na ni yaya at Trish. Mula pagkabata kase ay laging mahaba ang buhok niya.Split ends lang ang pinatatanggal niya pag nagpupunta sa salon. Pero bumagay naman sa kanya ang kanyang new hairstyle.Lalo pa nga siyang gumanda. She applied a light make-up at nagwisik ng paboritong pabango.Napangiti siya sa magandang repleksyong nakikita niya sa salamin.She has really changed a lot. Well,people change,she thought. Kipkip ang pouch at cellphone ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang hagdan para bumaba. Naabutan niyang nagkakape si yaya Nora pero nakahanda na ang almusal.Wala talaga siyang maipintas sa matanda dahil talagang napakabuti nito. Kahit alam nito ang tungkol sa sikreto niya noon ay hindi siya nito inilaglag sa ate niya. Hiyang- hiya siya nang sabihin nito sa kanya noon na nakita nito sila ni Xander na naghalikan noong unang beses na dumalaw sa kanila ang dating propesor. Labis siyang namula sa hiya pero isang nakauunawang ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya. She hugged her so tight na labis nitong ikinagulat. "Kow,ay napapaano ka bang bata ka?May dinaramdam ka ba?",natatatawa ito pero halata ding nag- aalala. Mas matagal siyang nakasama nito kesa sa ate niya kaya kabisadung- kabisado na siya ng matanda. "Wa po,ya,"anito at bumitaw na sa pagyakap dito."Na- missed ko lang po kayo."She smiled at yaya but couldn't look straight into her eyes. "Sabihin mo na hija.Kilala kita kaya hindi ako maaaring magkaila sa akin.Ano ba ang bumabagabag sa iyo,ha?",masuyong tanong nito. Napansin nitong nag- aalangan pa rin siya."Huwag kang mag- alala.Mamaya pa ang baba ni Seana.Gabi na iyon nakatulog kagabi at kausap yata ang nobyo sa telepono." Lihim siyang nasaktan lalo."Yaya,kung anuman po ang mga mangyayari sa mga susunod na araw,pwede po bang sakyan nyo na lang?" Punong- puno ng pakikiusap ang tinig ni Kali.Hindi niya kayang ipagtapat dito ang totoo.Ang tungkol kina Xander at ate niya. Saksi si yaya sa naging relasyon nila noon ng binata.At kung paano halos nagunaw ang mundo niya nang bigla na lang itong maglaho na parag bula. Bukod kina Trish at Tyler ay ito ang naging karamay niya noon.Pero may isang tao na mas malaki ang naitulong para muli siyang makabangon. Natigilan siya nang maalala kung sino iyon.Medyo matagal na rin noong huli silang nagkita.Nakaramdam tuloy siya ng pangungulila at pananabik para sa taong iyon. Kumusta na kaya siya? Napangiti siya nang matamis nang maalala ang taong ni minsan ay hindi siya iniwan sa ere,kahit pa sinaktan ang damdamin nito noon. "Ano ba ang ibig mong sabihin,Kali?",untag ni yaya na nagpabalik sa kanya sa realidad. "Malalaman niyo rin,yaya.Sige ho may pupuntahan lang po ako.Pakisabi na lang kay ate kapag nagising siya." Hinalikan niya sa pisngi si yaya."O sige,mag- iingat ka hija." Marahang tango ang isinagot niya sa matanda bago tuluyang lumabas patungo sa garahe kung saan nakaparada ang kanyang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD