Chapter Seven

3583 Words
NAPAGPASYAHAN ni Kali na bumili ng babasahin sa isang bookstore sa pinakamalapit na mall.Naiinip kasi siya sa kwarto niya minsan palibhasay summer vacation. Naisip nya rin na magandang way iyon para makaiwas siya sa ate niya dahil kinakain siya lagi ng guilt tuwing makikita ito. Hindi siya galit kay Seana pero hindi niya maiwasang maalala ang dating katipan tuwing makikita niya ang nakatatandang kapatid. Nasa loob na siya ng bookstore nang may marinig siyang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya. "Kali,is that you?!" Awtomatikong napalingon ang dalaga para hanapin ang pinagmulan ng tinig nang salubungin siya ng yakap ng isang lalaki. Labis siyang nagulat lalo na nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya dahil tuluyan niyang nakita ang mukha nito. "Oh God,it's really you!I missed you so much!"tuwang- tuwa ito at muli siyang niyakap. Gumanti siya ng yakap dito habang nakangiti.He really missed this guy.Kanina lang ay nasa isip niya ito pero ngayon ay heto at kayakap na niya. I missed you too,babe",she happily said and kissed him. She just planned to kiss him on the cheeks pero bigla nitong sinalubong ang labi niya. Nagulat man ay di na rin siya tumutol.It wasn't her first kiss,after all.Natawa na lang siya sa inasal nito.He was still the naughty guy she used to know. Sinuyod ng kaharap ng tingin ang kabuuan ng dalaga.Bumakas ang matinding paghanga sa mga mata nito. "You haven't changed,babe.Lalo ka pang gumanda ngayon,"puri nito sa kanya.Pero napakunot- noo nang mapagawi ang mata sa buhok niya. "Your hair...."hinaplos nito ang buhok niya."I liked it black you know,bagay sa inosente mong mukha.." Tumaas ang kilay ng dalaga.Pero sanay na ang kaharap sa katarayan niya."Are you trying to tell me na-"Humalakhak bigla ang binata sa naging reaksyon niya. "Easy,babe.Bagay sayo kahit anong hairstyle...kahit kalbo pa.",he winked teasing her more.Napasimangot si Kali at tinalikuran ito. Hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran."You looked hot with your blonde short hair...",he whispered in her ear. Tumaba naman ang puso ng dalaga at muling hinarap ito. "I know right.",she rolled her eyes."As if I didn't know na patay na patay ka sa akin noon.Tssss." "Hmmm,conceited brat!Hanggang ngayon naman,eh.Head over heels pa rin ako sa beauty mo.Pero aminin mo lalo din akong gumwapo diba?" Nag- puppy eyes pa ito na ikinatawa ng dalaga.Sinuyod niya ng tingin ang lalaki from head to foot.Hindi naman ito nagyayabang. Totoong lalo itong gumandang lalaki.At mas nagkalaman ito ngayon.Mapagkakamalan itong doppelganger ni Chris Evans.Pero hindi niya ito pupurihin.May bigla siyang naisip na kapilyahan habang nakatitig dito. "What?Finally convinced that we really fit together, hmmm?" "I'm starving,babe",sa halip ay nakangusong sagot ni Kali.Gusto niyang bumawi ito sa mga panahong naging busy ito at nawalan ng time sa kanya. "Fine.You really know how to use your charms on me, lady."natatawang naiiling na sagot naman ng binata. Magkahawak- kamay silang lumabas ng bookstore. Mamaya na lamang niya babalikan ang napiling libro.As usual,treat nito.Bukod sa kailangan talaga nitong bumawi sa kanya,sadyang ayaw nitong magbitiw siya kahit isang sentimo. Kapag sila noon ay ito lagi ang taya. Ganoon ito ka- gentleman.Ganoon ito ka- sweet.Ganoon siya ka- especial dito at daig pa nito si Superman dahil to the rescue lagi kapag kailangan niya. He loves her that much and she felt really lucky to have someone like him in her life. She was so thankful because she met someone like Troy Castro. SA isang simpleng food court lang sila pumunta.Kung tutuusin,kaya naman siya nitong dalhin sa mamahaling restaurant pero gaya niya ay simpleng tao lang din ito sa kabila ng karangyaang tinatamasa. And now he was already the CEO of his own company.She was so happy and proud of all his achievements.Iyon nga lang,sa sobrang kaabalahan ay halos nawalan na ito ng oras sa kanya. But he promised he'll make it up to her. Naging sobrang close sila ng binata kahit na binasted niya ito noon. Nagulat ito nang makita siyang umiiyak asat kaawa- awa ang hitsura sa labas ng condo unit ni Xander the day he left her Noon lang din niya nalaman na magkatabi lang pala ang units ng mga ito. Inihatid siya nito sa bahay nila at hindi siya iniwan hanggang hindi siya tumatahan sa pag- iyak. Sobrang gumuho ang mundo niya mg araw na iyon.Iniwan siya nito sa mismong araw ng anniversary nila,pagkatapos niyang ialay ang lahat dito. It was their first anniversary pero ni hindi nito iyon naalala. Yes,he did left her a note but that wasn't good enough.He never told her the problem and never said goodbye. Sabi nito sa note ay babalik din ito kapag maayos na ang lahat. So she waited for him. She patiently waited for him to come back,kahit ni text at tawag ay wala siyang natanggap mula dito. Lumipas ang mga araw hanggang sa naging linggo.Lumipas ang mga buwan pero hindi pa rin ito nagparamdam. Until one day,she heard some rumors about him. Kaya naglakas loob siyang kausapin ang pinakamalapit na tao kay Xander and that was Ram Agoncillo. Also one of their professors.And there,he told her na matagal na palang resigned si Xander.Alam niyang awang- awa sa kanya noon si Ram,like that of a brother to her little sister. But after hearing the bad news,she hurriedly left Ram's office.Ni hindi na niya ito nagawang pasalamatan. Masamang- masama ang loob niya,still couldn't believe Xander did that to her. She almost gave her all to him. Buong mundo niya halos dito lang umikot.She even lied to her ate dahil sa labis niyang pagmamahal sa nobyo pero sinayang lang nito lahat. Her love and her trust.And since that day she hated him.And she swore she regretted the moment she met him. Naging karamay niya ang bestfriend niyang si Beatris,Tyler and her yaya Nora.At higit sa lahat si Troy. Napagtanto niyang busilak ang puso ng lalaki.Wagas ang pag- ibig nito para sa kanya.But she was afraid to open her heart again. Hindi naman ito naging mapilit at nakuntento na lang sa pagiging magkaibigan nila. They became so close to each other that they even used an endearment which always misinterpreted by others. They called each other "babe".Walang malisya.Alam niyang hindi naniniwala ang iba na wala silang relasyon ni Troy but the hell she cared. Because when Xander broke her heart,she became a different person.She became wild and liberated.And she decided to cut her hair for a change. Natuto siyang gumimik pero hindi naman niya pinabayaan ang pag- aaral.She just wanted to enjoy her teenage life. And Troy was always there para alalayan siya.He was her guardian angel. Normal na s kanila ang maglambingan.Beso- beso at yakapan. Hindi ito mapagsamantalang- tao,alam niya yun.At hindi na rin nito inungkat ang tungkol sa feelings nito sa kanya. On their last days in college,mas madalas na silang magkasama. They wanted to give Trish and Tyler a little privacy. Little by little,with Troy's help,she successfully moved on. Medyo naging possessive nga lang siya dito at hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magkaroon ng lovelife. She knew she was being selfish pero gusto niya nasa kanya lang lagi ang atensyon nito. Hindi naman ito nagreklamo.Feeling niya nga enjoy na enjoy pa ang loko sa pambabakod niya. She never let anyone came close to him lalo na ang campus queen,her worst enemy na patay na patay dito- si Anastacia Ylagan. "Kali....?" Nagbalik ang dalaga sa realidad nang magsalita si Troy. "Oh,sorry about that babe,I just remembered something." She smiled at him sweetly."So how's the new CEO?" Troy gave her a shy smile. "Well,hindi pala ganoon kadali as I expected it to be.Nakaka- pressure.Pero ngayong nakita na ulit kita I think mas lalo kong pag- iigihan." Kinindatan siya nito.Napahalakhak si Kali sa tinuran ng kaibigan.He was still humble despite everything.He has proved alot and she was more than impressed. Suddenly,she stopped laughing when he looked at her seriously. "C'mon babe,spill it.I know something's bothering you.Your eyes can't lie." Kilalang- kilala na talaga siya nito. And she knew damn well na hindi ito titigil hangga't hindi siya nagtatapat. "Well,I haven't told you ate na Seana's already engaged,have I?And she's getting married,soon." "That's quite a good news,babe.Good for her.Nasa tamang edad na ang ate mo at ayaw mo naman siguro siyang maging soltera at tumandang mag- isa,right? " Nilangkapan nito ng biro ang huling sinabi."Yeah.I'm really happy for her.Marami na rin siyang naging sakripisyo para sa pamilya lalo na para sa akin."She paused. "Maybe I'm just feeling a little bit sadness kasi magkakahiwalay na kami ng tuluyan."She bit her lower lip to stop herself from crying. "Damn it ,Kali!Alam kong may iba pang dahilan iyang kalungkutang nakikita ko sa mga mata mo!We promised to each other before,diba? NO SECRETS.But now you're hiding something from me,I can't believe it." Huminga ng malalim ang binata bago nagpatuloy."You don't trust me that much, do you?"his words were full of bitterness.He was really hurt she could tell it just by the looks in his eyes. "Of course I do."She wanted to hug him para pawiin ang tampo nito."Then tell me what's - - -" "Ate Seana will be marrying Alexandro Perez." Shock was written all over Troy's handsome face.Nanatiling nakatitig muna sa kanya bago nakapagsalita. "Paanong-?Oh God Kali,you must be kidding-" "I'm dead serious Troy!You know me..hindi ako mahilig magbiro- -" "I believe you,okay. Nagulat lang ako.Of all people,tsk!"Naiiling ito habang nakatingin sa kanya.Suddenly,napalitan ng blangko ang kaninay confused na expression nito. "Don't tell me you still love him?" "Of course not.I'm long over him.Thanks to you." "Then why do you seem so affected?,he was really serious. "Nag- aalala alng ako kay ate.Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa nakaraan namin ng fiance niya.Gusto kong manatiling sikreto na lamang iyon.I don't want to ruin my sister's happiness.I think she loves him so much.." TROY HINDI siya kumbinsido sa sagot ni Kali pero mas pinili niyang wag nang makipagtalo pa rito.Sigurado siyang hinding- hindi ito aamin kahit anong gawin niya. May naramdaman siyang pamilyar na kirot sa kanyang puso.Matagal na niyang mahal si Kali.Kahit ilang taon na rin ang lumipas ay nanatiling nasa dalaga ang puso at atensyon niya.At masyado siyang nanliit nang bastedin siya nito noon. He almost has everything - wealth,power,fame,good looks..pero hindi pala talaga ibibigay sayo ang lahat.Dahil may isang bagay siyang inaasam na hindi niya makuha- kuha.. At iyon ay ang pag- ibig ng dalagang matagal na niyang itinatangi. Halos gumuho ang mundo niya noon when she rejected him.Natuklasan niyang may relasyon pala ito at ang propesor na si Xander. Muntik na niyang isumbong ang bawal na pag- iibigang iyon at tuyak niyang hindi lang matatanggal ang ang nobyo nito sa trabaho,maaari din itong makulong. Isang malaking kahihiyan iyon sa pagkatao at pamilya ng kanyang karibal.But he loves Kali that much at hindi niya kayang magdusa ito even if it hurts him seeing them so happy together. Kaya hinayaan na lamang niya ang mga ito.At sinabotahe niya ang plano ni Stacey na sirain ang dalawa. That b***h was really a pain in the ass!Wala na itong ginawang matino.Kaya lalo niyang kinasuklaman ang babae. Nakuntento na lamang siya sa pagtinging kaibigang iniukol sa kanya ni Kali.He would rather be her friend than her nobody.At least,kahit papaano ay malaya siyang matitigan ito sa malapitan. Makita niya lang ang magandang ngiti ng dalaga ay napakasaya na niya. But that bastard just hurt her princess despite everything she did for him.That day Xander left her,he wanted to f*****g kill him! Pagkatapos nitong makuha ang lahat- lahat,he just dropped her like a trash at hindi niya iyon matanggap. Halos madurog ang kanyang puso sa nakitang kalagayan nito noon sa labas ng condo unit ng propesor.She was miserable as hell. And he hated himself so much dahil wala man lang siyang maggawa para pawiin ang sakit na nadarama ng dalaga. Ayaw nitong tumigil sa kaiiyak.Pero pinilit niya pa ring maihatid ito.She told him everything,walaitong inilihim.At paulit- ulit niyang minura si Xander sa isip niya. At hiniling na sana ay siya na lamang ang minahal ni Kali.Hinding- hindi niya sasaktan ang dalaga. Since then,naging mas close sila.He knew she waited for him to come back. Hindi iilang beses niyang naabutan itong naghihintay pa rin sa condo ni Xander.Mayroon itong sariling susi. Pero ni anino ng lalaki ay wala.May balita na siya noon na nag- resign na ito but he didn't knew how and when to tell her.Tiyak na lalong masasaktan si Kali. Pero nakarating din dito ang balita.Kaya agad itong nagpunta sa coach nila na propesor din ng mga ito at matalik na kaibigan ni Xander,si Ram. Nung mga panahong iyon mas lalong hindi niya iniwan si Kali.Ay wala siyang balak na gawin iyon.He wanted to be beside her forever. Kahit bilang kaibigan lang.But deep in his heart he was secretly hoping that one day she would love him,too. She really did changed a lot.At nauunawaan niya ito.It was her first love and first heartache as well.Ang dating Kali na mahinhin,tahimik at mahiyain ay biglang naging wild.Natuto itong gumimik,uminom,maglakwatsa... Nadismaya siya at nalungkot nang magpagupit ito.How he loved her black long wavy hair..Pero lagi siyang nakaalalay dito. Kapag nalalasing ito noon ay doon niya pinatutulog sa unit niya.Walang alam si yaya sa mga kalokohan ng alaga lalo na ang ate nitong nasa Canada. All these years,iyon nag naging papel niya kay Kali.Chaperone,bestfriend,kuya... Pero never siya nagreklamo.Ayaw din naman niyang ma- miss ng dalaga ang kabataan nito. Kontento na siya sa kung anong meron silang dalawa,ang mahalaga palagi niya itong nakakasama. Nayayakap niya niya ito at hindi nagagalit ang dalaga dahil wala naman daw malisya.And he really loved it everytime she would call him "babe". Minsan hindi niya maiwasang mangarap na sana nga ay nasa isang romantic relationship sila.Kung alam lang nitong hirap na hirap siyang magpigil kapag nasa malapit lang ito;kapag nagdidikit ang mga balat nila,lalo na kapag niyayakap siya ng dalaga. But he never did took advantage of her.He was willing to wait hanggang sa matutunan din siya nitong mahalin.Hanggang unti- unti na nitong nakalimutan ang nobyo. Nabawasan na ang paggimik nito lalo na nung last year nila sa college.Lahat sila ay nagseryoso at nag- focus sa pag- aaral. Madalas pa rin sila lumabas nito pero hanggang pabonood ng sine,pamamasyal at pagkain sa labas na lang ang ginagawa nila.Masayang- masaya siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng guardian ni Kali,si yaya Nora. After college ay nagpasya muna siyang magpaka- busy.No one knew that he was already planning for his future.Nakapagpatayo siya ng sariling kompanya at suportado siya ng kanyang mga magulang. Pwede namang pamahalaan niya na lang ang isa sa mga kompanya ng pamilya pero mas gusto niyang tumayo sa sarili niyang paa. Naging successful naman iyon at ngayon nga ay isa na siya sa youngest promising businessmen worldwide. Despite his busy schedule,he never missed the chance to attend his bestfriend's wedding. Masayang- masaya sila ni Kali dahil sa wakas ay nagkatuluyan din ang dalawa.He was,of course, their best man.At doon niya rin nakilala ang ate ni Kali na si Seana. Kauuwi niya lang kahapon.He had a business meeting in Malaysia.Balak niyang puntahan talaga ang dalaga dahil sobrang missed na niya ito.Pero nagpasya siyang dumaan muna sa bookstore. Kali loved books so much. Hindi ito maluho at mas gusto ang mga simpleng bagay pero may effort.At isa lang iyon sa magagandang katangian nito na minahal niya.Kaya naisip niya na iyon na lang ang ibigay na pasalubong maliban sa chocolates. He was going to surprise her.Pero siya ang higit na nasorpresa nang makita din ito sa loob ng bookstore.Muntik na niyang hindi makilala ang dalaga dahil sa new look nito. Lalong gumanda si Kali at aminado siyang bumagay dito ang kulay ng buhok nito.He was really turned on kanina kaya hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ang dalaga.He hugged her so tight because he missed her terribly. And he was happy to know that she missed him,too! He felt a little light of hope.Maswerte din siya dahil malaya niya itong nayayakap. Kung noon,pumayag siyang maging kaibigan lang nito,pwes hindi na ngayon. Dahil handa na siyang ipagtapat kay Kali ang totoo na all this time ay hindi nagbago nag pagtingin niya para rito.Mas lalo pang sumidhi iyon sa paglipas ng panahon. At sa oras na tanggapin nito ang pag- ibig niya ay aalukin na agad niya ito ng kasal.Hindi na niya patatagalin pa.Ilang taon na rin siyang nagtitiis at naghihintay. Naihanda na niya nag lahat and he was ready to settle down. Ito lang ang babaeng pinangarap at pinapangarap niyang makasama habang buhay.Alam niyang magiging mabuti itong asawa at ina in the future. Pero hindi niya inasahan ang ibinalita nito sa kanya.At alam niyang may bahagi pa rin si Xander sa puso ng dalaga.Lihim niyang naikuyom ang palad sa ilalim ng mesa. Ano ba ang mayroon ang lalaking iyon na wala siya??!!At bakit kailangan pa nitong pumasok muli sa eksena? Mataman niyang tinitigan ang dalagang nagfocus sa pagkain kapagkuwan ay marahas siyang napailing at nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Kali...." ,mahinang tawag niya sa atensyon ng dalaga.Nag- angat ito ng paningin at sinalubong ang kanyang mga mata.Nanatiling walang imik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Yaya Nora knows everything..paano ka nakasisigurong hindi nga siya nagsumbong kay ate Seana?" "Pareho kaming mahalaga kay yaya.Hindi niya nanaising masaktan ang sinuman sa aming magkapatid." May point ito,he thought. Nasaksihan niya kung paano alagaan ng matanda si Kali.At mas matagal na magkasama ang mga ito dahil nga halos sa Canada na nanirahan si Seana. "Pero alalahanin mo din na may kasabiham tayong "Walang lihim na hindi nabubunyag".Waring natigilan nag dalaga at nag- isip.Kapagdaka ay tumitig sa kanya. "Then you'll have to help me,Troy.I'll do everything para lang maitago sa kanya ang nakaraan namin ni Xander.Hindi ko siya kayang saktan.I love her so much!",halos maiyak na ito. Maang na napatitig naman siya rito."At ano naman ang gagawin mo,aber?,he sarcastically asked her. "Be my boyfriend.",walang gatol nitong sagot habang diretsong nakatitig sa mga mata niya.Siya naman ang hindi nakaimik. Napakasarap sana pakinggan kung totoo.Pero bigla siyang natauhan nang makuha ang punto ng kaibigan. Papayag ba siya? Noon ay kaibigan ang papel niya rito,ngayon naman ay panakip- butas.What an insensitive b***h she is! Matigas ang naging pag- iling niya. "I will not take no for an answer, babe."Determinado talaga itong mapaoo siya.Gusto sana niyang magpakipot muna ng kaunti pero sayang naman ang chance. Pagkakataon na niya ito. Palay na ang lumalapit sa manok. "Troy..",she's already impatient at natawa siya rito.Nakakunot- noo pero napakaganda pa rin. Ano kayang gayuma ang ginamit nito sa kanya at baliw na baliw siya rito. "Of course payag ako.As if I have a choice,tsk!Anything for you,princess.",nginisihan niya ito pero hindi siya pinatulan. Totoo naman,gagawin niya lahat para rito.Anything just for her.Ganoon niya ito kamahal. Medyo nagitla pa siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at hinalikan dala ng labis na tuwa. Nanigas ang kanyang panga. Alam niyang wala iyong malisya sa dalaga pero tila nakuryente siya sa ginawa nitong iyon.Wala itong kamalay- malay kung anong naging epekto sa kanya ng simpleng pagdikit ng labi nito sa palad niya. Shit! Lihim siyang napamura sa isip.Ayaw niyang gumawa ng hindi nito magugustuhan kaya agad niyang hinila ang kamay niya rito.Tinawanan lang siya nito at namalayan na lang niyang nasa likuran na niya ito at nakapatong ang mga kamay sa balikat niya. He smelled her perfume at lalo lang siyang nanigas sa kinauupuan."Playing hard to get,babe?Hmmmm.",bulong nito sa tenga niya. Nababaliw na yata ito.Kung minsan ay sumusobra na ang babae.Buti nalang talaga at matibay ang kontrol niya sa sarili at mataas ang respeto niya rito. "You,little tease,pagbabayaran mo itong ginagawa mo sa akin..",hirap niyang bulong din dito.Kali just laughed at hinila siya patayo. "Let's go,babe,ipapakilala kita sa kanila.I'm sure ate Seana will be very happy kapag nalaman niyang may boyfriend na ang kanyang little sister.",she smiled and winked at him. Wala na siyang nagawa nang tuluyan siyang hilahin nito palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD