"WHAT ARE YOU saying?" tila inis pa ring tugon ni Sofie. Napailing na lang si Benjamin at saka inalis ang mga kamay ni Sofie sa braso niya. Bigla siyang tumayo at naglakad na paalis. Hindi naman inaasahan ito ni Sofie, kahit pa nagi-guilty siya sa nangyari, naiinis siyang si Evie na naman ang dahil ng pagkainis sa kanya ni Benjamin. Nagmartsa naman na siyang hinabol si Benjamin. "Benj, wait! Benjamin!" NASA waiting area na ng vet clinic sina Evie at Silver habang hinihintay ang paglabas ng vet ng aso nila. Hindi naman mapakali si Evie habang nakayakap sa sarili, tila balisa pa siya. Pinapadyak niya ng mahina ang mga paa dahil ngayon niya dama ang panlalamig at kaba. Napansin naman na ni Silver na tila pinagtitinginan sila ng mga ibang taong nasa vet clinic dahil si Evie at naka-two pie

