Chapter 57

2053 Words

"Ay! Ahm.." halos natataranta na siya at minasdan pa ang aso na halos umiiyak na dahil hindi makalangoy ng maayos kahit patuloy itong lumalangoy ay tinatangay pa rin ng alon. "s**t!" "Di ba marunong lumangoy ang aso?! Bakit -- nako naman oh! Pahamak talaga!" hindi na niya mapakaling saad at natataranta. MATAPOS mag-snorkeling ay umahon na rin sina Evie at Silver. Habang paahon ay tinatanggal na nila isa-isa ang oxygen tube, goggles at flippers nila habang umaahon sa dalampasigan. Biglang pinalo naman ni Silver ang pisngi ng pwet ni Evie na kinabigla talaga ng dalaga ngunit napigilan ang sarili. Napahawak siya rito at nalingon si Silver na kasabay na niyang naglalakad. Tiningnan pa niya ito ng masama. "Mamaya ka sa akin." banta pa ni Evie dito ngunit todo ngiti lang sa kanya si Silver.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD