HALOS HINDI PA rin makagalaw si Silver ng mapaupo dahil dinambahan ng malaking aso ni Evie. "Di ba may malalaki ka rin namang aso? Bakit parang takot ka?" "Oo, pero alaga ko sila. Eh yan hindi naman. Baka kagatin ako." "Hindi ka niyan kakagatin noh. Malambing kaya yan." saad pa ni Evie na dumiretsong kusina upang maikuha ng iinumin si Silver. Kasunod naman niya ang alagang aso. Minasdan ni Silver ang kabuuan ng bahay ni Evie, tila napakaganda nito at linis. Kahit pa simple lang ang ayos, halatang maayos sa bahay ang nakatira rito. Kompleto rin ito sa gamit na naroon. Pagkapasok kasi ng bahay ay bungad na ang salas niya na may isang malaking sofa at isang solo chair, may ottoman rin doon at coffee table sa gitna. Carpeted ang bandang iyon. Sa gawing kanan ay ang dining na at kusina. Fou

