"ETO OH. Habang mainit pa." paglapit ni Evie rito dala ang tasa ng pinakuluang dahon ng malunggay. Inabot naman din ni Silver ang tasa at hindi inaasahan ang ibinigay sa kanyang inumin. "Ma -- malunggay ba toh?" pagtingin pa niya kay Evie. "Yeap. Mayroon pa dun para mamaya kung gusto mo pa." pagturo naman ni Evie sa may kusina. "May -- tuna sandwich din akong ginawa, baka kako gutom ka." kaagad tumalikod naman na ito at nagtungong kusina. Gusto naman na tumalon ni Silver sa tuwa kung hindi lamang masama ang pakiramdam niya. Kahit pa hindi niya gusto ang pinakuluang dahon ng malunggay, remedy ito sa pagtaas ng blood sugar niya. Alam ito ni Evie dahil halos parehas silang umaalam noon ng mga natural remedies sa sakit-sakit. Hindi pa rin talaga ito nakakalimot. Naghain si Evie ng ginawa n

