NAKAALIS NA SILA ng bahay at dumiretso sa banko. Dahil narito na rin lang, napansin ni Silver na mukhang magdedeposito na rin si Evie kaya bahagya niya itong nausisa. "Ka -- kamusta na sina tita?" pagaalangang tanong niya rito habang nakaupo sila parehas sa counter ng banko. "Ayos lang siguro." sagot naman ni Evie na hindi man lang tinitingnan si Silver dahil nag-fillup siya ng form. "Bakit? Hindi ka ba umuuwi sa kanila?" Bigla natigilan si Evie sa pagsusulat at nilingon si Silver. "Ano naman sayo?" pagmamataray na naman nito sa binata. Tila natakot naman si Silver rito ngunit hindi pinahalata. "Nagtatanong lang? Ang sungit talaga neto." "Matagal na!" at bumalik na si Evie sa pagsusulat sa form. "Sabi sa akin -- simula noong umalis ka, hindi ka pa daw umuuwi doon." tila pasaring ni

