ILANG MINUTO LAMANG ay dumating na ang on-call doctor ni Silver. Dahil na rin sa health issues niya, bawat lugar ay may personal doctors na rin siya na maaari niyang ipatawag anumang oras. Hindi man mapakali ngunit pinilit ni Silver na ikalma ang sarili niya dahil ayaw naman niyang parehas pa sila ni Evie na magkaproblema. Minamasdan niya lang ito habang sinusuri ng doktor. Nakita niyang may itinurok rito ngunit hindi muna siya nagusisa. "Doc? Kamusta po siya? Bakit siya nawalan ng malay?" kaagad niyang tanong ng matapos nang suriin si Evie. "She'll be fine, Silver. Nagka-nervous breakdown siya. Pampakalma ang tinurok ko sa kanya para magtuloy-tuloy na ang tulog niya at makapagpahinga na." sagot naman ng doktor sa kanya. "Ganun po ba doc.." "Ikaw din, Silver. Magpahinga ka na, huwag m

