"AHM, nasa may yate pa niya eh. Pero pabalik na yun." sagot lang nito at binalingan ulit ng tingin ang babaeng tila matalim ang tingin sa kanya kaya minasdan niya rin ito. Nakaramdam naman siya ng kaba na hindi niya naguguatuhan. "Ah, come here Evz!" pagtawag pa ni Benjamin at naglakad naman papalapit sa kanila si Evie. Naupo ito sa solo chair. Nang makaupo si Evie hindi niya malaman kung bakit may anong malansa siyang naaamoy sa babaeng nasa harap niya. Pilit niyang inaalala ang pagmumukha nito na tila pamilyar. "She's Evie, Benjamin's secretary." pabibo naman ni Sofie. Hindi pa rin naaalis ang tinginan ng dalawa na parehong nagiisip. Saan ko ba nakita ang babaeng ito? Siguro ako nakita ko na siya eh. "She's Georgia, Evz. Silver's fiancé." dagdag pa ni Sofie na kinabigla ni Evie. She

