"KUNG AYAW MONG magkagulo kayo ni Evie, stay away from her dog." sabay ngiti pa ni Benjamin rito. "Ugh? Bakit ako? Dapat aso niya ang ilayo niya sa akin!" protesta pa rin nito. "Imagine? Sa kwarto pa niya gustong patulugin! Argh!" Natawa naman si Benjamin ng marinig ang hinaing ni Sofie. Knowing Evie, malamang ay inaasar nito si Sofie, kaso siya naman ang magsa-suffer dahil automatic itong lumipat sa guest room na tinutulugan niya. Mabuti na lamang ay twin bed iyon kaya hindi pa rin sila magtatabi ni Sofie. "What's so funny?" inarte pa nito at nag-crossed arms sa harap ni Benjamin. "Nothing. Mabait naman yung aso. Nakakatuwa nga at masunurin." "Yeah, yeah! Just like her!" Biglang nawala ang mga ngiti ni Benjamin sa pangiinsulto ni Sofie. "Evie is not a dog." mahinang saad naman ni B

