HINDI NIYA MAPIGILAN ring hindi mangiti bago pa man alisan ng tingin ang dalawa at sa hindi inaasahan, nahagip ng paningin niya si Silver na tila nakatitig na sa kanya. Nasalubong niya ito ng ngiti niya ngunit kaagad niyang binawi at nagpatay malisya. Napaiwas na lang din kaagad siya ng tingin bago naglakad patungo kung saan naka-parking ang mga sasakyan nila. "So, are you all ready to go to my beach house?" tanong pa ni Silver nang magtipon na sila sa tabi ng mga kotse nila. "Ah, sige po Sir Silver, Sir Benjamin, Sir Khalil. I'll go ahead." "Aren't you coming with us?" takang tanong naman ni Khalil rito. Tila naiilang na napapatingin si Tom kay Silver at napatingin rin ito kay Evie. "N --no Sir. I still have some work to do in Manila." tila pagpapakumbaba pa nito. "Bye, Miss Evie."

