HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid. "Okay na po mga kwarto Sir." "Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap. "Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo." "Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo." "Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya. Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan. Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata. Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakai

