MAAGANG NAGISING PARA makagayak sina Evie at Silver, sabay pa rin silang nagaalmusal sa hinanda ni manang Joy ngunit napansin nito na tila tahimik at walang umiimik sa dalawa simula ng makita niya ang mga ito. Inayos na ni Evie ang mga gamit niya at tanging mga gamit niya lang na dala papunta rito ang iuuwi niya, iniwan niya ang lahat ng binili sa kanya ni Silver. Inilagay na rin niya kaagad ang bagahe sa kotse at gayun rin ang ilang gamit ng aso. Mabuti na lamang at mauupo siya sa tabi ni Steve sa back seat ng sasakyan kaya panatag siyang hindi na sila muling maguusap masyado ni Silver. Napakatahimik ng naging byahe nila na isang beses lamang din sila nag-stop over. "Hello, Benj?" (Eeevz! How are you?) kulang na lang tumili na ito. "O -- okay lang naman. Pauwi na kami." Kaagad napa

