"So kinontak ka na pala niya ulit?!" halos hindi na naman makapaniwala si Evie. "Akala ko ba --" "Oo, kalalabas ko lang sa ospital noon at nakontak niya akong muli. Nanghihingi ng sustento sa bata pero -- pero giniit kong magpa-dna muna kami ng bata. Kagaya nung naunang katwiran niya, papayag siya kapag nagbigay muna ako pero hindi ako kumagat. Wala naman na siyang maipananakot sa akin eh." "Anong nangyari?" "Sinabihan ko siyang -- ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng bata kung mapapatunayan sa DNA testing na anak ko yun. Pero kung hindi -- kakasuhan ko siya." seryosong saad ni Silver na tila nakapagpaisip ng malalim kay Evie. "So yun na nga ang gagawin mo kung -- anak mo yun?" tanong rin kaagad ni Evie bago kumagat ng sandwich. Masakit para sa kanya ang binitiwang tanong ngunit

