NAPANSIN DIN NIYANG magana nga kumain si Silver, mukhang gutom talaga ito. Natuwa naman siya at napaparami ito ng kain kaya ginaganahan rin siyang kumain ng marami. "Sa susunod kasi huwag kang nagpapalipas ng gutom. Hindi maganda yun lalo sa kondisyon mo." seryosong saad pa ni Evie habang kumakain. "Sobrang -- in demand lang today. Hindi mabakante sa mga meetings." "Kahit na, hindi maganda ang nagpapalipas, alam mo naman yun." "Hilong-hilo na nga ako kanina eh, mabuti na lang -- sabi ni Matt, dumating ka. Kaya tinapos ko kaagad yung meeting namin para kako makakain na kaso --." "Oo na! Mangongonsensya ka pa talaga eh noh?" pagpigil pa ni Evie sa sasabihin ni Silver kaya napatingin lang ito sa kanya. Nabakas na naman sa kanya ang pagka-guilty na naman. "So -- sorry na." tila pagpapakum

