NANG MAKAPAGKWENTUHAN sila patungkol sa insidente at kung papaano na ang settlement, nagpasya na rin si Benjamin na magpaalam. Ngunit tila ayaw niyang umalis dahil naroon pa rin si Silver, kaya nakaisip siya ng paraan upang maisama ito sa pagalis nila sa bahay ni Evie. "Com'on! Just a few drinks! I know you've been so tired, and so am I!" pilit nitong pagaaya kay Silver. Tumanggi na si Silver, pero pinipilit pa rin siya ni Benjamin. At gusto sanang umawat ni Evie dahil alam niyang bawal uminom si Silver ng marami, perp hindi na lamang siya umimik. Dahil naisip niya rin na ito lang ang paraan para mapaalis ito ng apartment niya. Kaya kinuha na ni Evie ang mga damit ni Silver at inabot ito sa binata. "Go on! Have some drinks, you boys! I need to rest too." payak niyang pagngiti na tila p

