PAGKADATING NG ORDERS nila ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang kotse at nag-drive ulit. Habang kumakain si Evie, sinusubuan niya rin si Steve na nasa back seat ngunit nakatunghod sa kanya dahil pinapakain niya. "You look cute together." pambasag naman ni Silver. Na-gets naman kaagad ni Evie ito. "Alam mo, pagselosan mo ng lahat, huwag lang si Benjamin." saad naman ni Evie habang sinusubuan ng hinihimay niyang sausage roll ang aso. "At bakit naman ako magseselos?" denial king! Natawa naman ng bahagya si Evie rito sabay kain din ng sausage roll. "Benj is like a brother to me, a best friend. You know he's a good person." Napatango-tango naman si Silver. "I know. Kaya nga hinahayaan ko lang na siya lang ang lalaking close sayo." Napairap naman si Evie rito at napapailing. "Uy, sub

