NANG MAKARATING SILA sa mga kotse nilang nakaparada sa labas ng compound, nakita ni Evie na rover ulit ang dala ni Silver, at ang audi naman kay Benjamin. Natigilan naman si Evie dahil hindi siya sigurado kung kanino sasakay. Habang hawak niya ang tali ng aso at ang bag pack niya, pinagsalitan niya ng tingin ang mga kotse. "Sa akin ka sasakay." saad naman ni Silver. "Kung ayoko?" pagmamatigas naman ni Evie. "Dadaanan pa natin yung jowa ni Benjamin, alangang makipagsiksikan ka sa kanila? Saka mas malaki ang likod ko, doon si Steve." saad lang nito at saka lumapit sa back door seat at binuksan yun. Pinasakay naman kaagad doon ni Evie ang aso. Kinuha naman din ni Silver ang bag pack niya at nilagay sa compartment. Nagbusina naman na si Benjamin sa kanila na senyales na handa na itong uma

