HINDI PA RIN makapaniwala si Evie sa impormasyong sinabi sa kanya ng katrabaho. "Pwede namang hawaiian, hiphop, bohemian or even fairytale! Bakit vintage pa talaga?" natatawa pa niyang saad. (Hahaha! Yun napagkasunduan nila Miss Evie eh. Approved na daw ni director.) "Wut?! Why I didn't know about this?!" 'Langyang Benjamin toh, hindi man lang ako in-inform! (Hahaha I don't know, Miss Evie. Oh, sya sige. 1k ulit exchange gift natin. Bukas kukunin ko wishlist niyo para makapagbunutan na tayo.) "Okay sige." (Pakitanong na lang din yung kay director ah? Salamat! Bye!) Napailing-iling naman si Evie na natatawa. Ano na naman kaya ang magiging itsura niya sa costume niya? Noong unang taon niya sa kompanya ay Villains ang theme, nung sumunod na taon ay Vampires naman, at parehong nanalo

