HINDI NAMAN NAPIGILAN ni Evie na sumeryoso at lumungkot ang ekspresyon ng mukha ng maalala ito. Napainom na lang siya ng kape niya dahil nakaramdam din siya ng bigat ng pakiramdam. "Right, Evie? Evie?" "Ah, huh?" Tila doon lang siya bumalik sa wisyo niya ng pagkailang beses siyang tinawag ni Benjamin. Napagtanto niyang nakatingin na pala ang lahat sa kanya lalo na ang boss. "Ah, oo." yun na lamang ang naging sagot niya dahil napalibot siya ng tingin sa mga kasama na tila nagaabang ng isasagot niya. "So, it's settled. We all see each other again on Friday." saad naman ni Khalil na tila kinatuwa ni Benjamin at lalo na ni Silver. Nagtaka naman si Evie kung ano ba ito dahil hindi niya talaga naintindihan ang tinanong sa kanya, sumangayon na lamang siya para hindi mapahiya sa pagiging ab

