Chapter 6

2061 Words
HANGGANG SA PAGLIGPIT na nila ng mga gamit, napatingin muli siya sa kinauupuan ni Evie kanina na hindi halos nagalaw ang pagkaing naroon. Naiwan rin doon ang laptop na ginamit sa presentation. "Is she not -- coming back?" pagbabakasaling pagtukoy niya sa upuang bakante na. Napalingon naman roon si Benjamin at napagtanto ang tanong sa kanya ni Silver. "Oh? I don't know. Actually, our product specialist, Fe had an accident before this meeting, my secretary has to take her part earlier in the presentation." "Your secretary?" halos hindi naman makapaniwala si Silver na sa narinig rito ngunit hindi siya nagpapahalata. "Yes, my secretary, Evie. She probably checking out Fe. You know, she's really good at taking care of any matters." Halos natutulala si Silver sa nalaman. So, dito pala nagtatrabaho nga si Evie bilang sekretarya ni Benjamin. What a destiny! "Right." pagtungo-tungo na lamang niya. Napatungo-tungo na lang si Benjamin rito at hindi pinapahalata ang totoong pakay. "If you have more concerns regarding the products, or anything else, you can email directly to Fe -- or me and we're more willing to assist you all." Naalala niyang natawagan na dati ang sekretarya niyang si Matt ng sekretarya ni Benjamin, ibig sabihin nakausap na nito si Evie. Yun na lamang ang tatanungin niya mamaya. Sabay-sabay na na silang lumabas ng conference room at sumakay muli ng elevator hanggang ground floor. NANG makaalis na ang S.A Constructions, kaagad namang sinubukang tawagan ni Benjamin si Evie. Nakailang ring pa ito bago nasagot ng sekretarya. "Evz? Kamusta si Fe?" (She's fine, Sir. Mabuti na lang at dumating kaagad si Atty. Davion at nagsampa na lang ng kaso rito sa nakabangga sa kanya.) "Well then. Babalik pa kayo rito sa office o --" (Yes, we will.) "Alright, I'll wait for you." Yun lamang at ibinaba na rin nito ang tawag. Inihagis pa niya muna sa ere ang phone saka sinalo bago naglakad patungong elevator paakyat sa kanyang opisina. "Are you sure you don't want to go in the hospital?" "Hindi na po Sir, konti gasgas at pasa lang naman po ito. Malayo sa bituka." sagot naman ni Fe sa boss niya at pakita sa kanan brasong may mga bandaid na. Nakabalik na sina Evie sa opisina kasama ang mga katrabahong sina Fe at Jay. Hindi naman na sumama sa kanila sa opisina ang company attorney na si Atty. Davion. "I've been telling her that, Sir. Pero matigas ang ulo." saad pa ni Evie na nakatayo lamang at nakapaikot ang mga braso sa harapan niya. Nakaupo naman sa tapat ng mesa ni Benjamin si Fe. "Jay, thanks for the help. Pwede ka ng mauna." saad pa ni Benjamin. "Sige po Sir, Ma’am Evie, Miss Fe. Una na po ako." "Thanks, Jay." paalam naman ni Fe ito bago tuluyang nakalabas ng opisina ni Benjamin. "Ah, how's the meeting nga po pala Sir?" nahihiyang pagbabakasakali ni Fe. "Hmm.. Okay naman. Nakuha natin sila. And maybe -- kapag nakapaghatid na tayo ng paunang supplies, we'll talk about his investments to us." "Is he really willing to invest?" seryosong tanong naman ni Evie. "I think so. He even asked how does it goes." Tila napapayuko na lang si Evie. Sa palagay niya'y mukhang magiging malalim pa ang ugnayan ni Silver sa kompanyang pinagtatrabahuan. Tumayo naman na si Benjamin sa swivel chair niya. "Well, we should celebrate!" magiliw nitong saad at biglang naghiyawan ang tatlong katrabaho pa nilang nakaupo sa couch area na tila nagaayos ng mga papel. "Yes!" "Celebrate na yan!" Natuwa rin naman si Fe ngunit si Evie ay walang naging reaksyon. "Evz? Are you okay? Parang kanina ka pa --" "Yeah! We should celebrate." pilit na ngiti na nito upang hindi na siya mausisa pa ng boss. DUMIRETSO na sila sa restobar na madalas nilang puntahan kapag may ganitong selebrasyon. Kung minsan ay doon rin nila dinadala ang mga kliyente nila. Nasa isang VIP room sila na may videoke. Nakahain na rin ang iba't ibang klaseng pagkain bilang pulutan at mga alak na in-order nila. "Cheers!" "Cheers!" Sabay-sabay silang nagumpugan ng beer mugs na puno ng alak at sabay-sabay rin silang uminom roon. "Hmm --agh! Woo! To Palawan!" sigaw pa ni Kyle ng makainom hanggang kalahati ng baso niya. "To Palawan!" sabay-sabay din nilang sigaw at taas ng mga baso maliban kay Evie na halos i-bottoms up na ang alak. "Woah woah? Kalma? Uhaw na uhaw ka yata?" pagsita ni Benjamin nang makita si Evie na halos mauubos na ang laman ng beer mug. Napatigil naman si Evie sa paginom at napahinga ng malalim. "Medyo." paghaya pa nito ng baso niya kay Gio at nilagyan naman nito ng beer ang baso niya. Habang nagkakantahan at nagkakasiyahan ang mga katrabaho ay nananahimik naman si Evie at patuloy sa paginom at kain. Kung minsan ay nakikitawa siya pero tila okupado ang isip niya. Walang ibang nasa isip niya kundi ang pagtatagpo nila ni Silver kanina. "Oh? Mukhang kailangan mo pa dyan." pagtukoy pa ni Benjamin sa hawak na beer mug ni Evie sabay hain din nito ng platito ng spicy chicken wings, her favourite pulutan aside sa sisig, crispy pata at buttered corn. "Thanks." tila walang buhay naman nitong abot at lapag ng platito sa harap niya. Umusog ng kaunti si Benjamin sa tabi ni Evie. Nasa isang paikot ng sofa seat sila nakaupong lahat at isang malaking center table nakalapag ang lahat ng pagkain at alak nila. "May problema ka yata?" bulong ni Benjamin sa sekretarya sabay subo ng pagkain niya ngunit hindi man lang siya nilingon. "Wala noh." pagtangi naman ni Evie sabay kain rin ng pulutan niya. "Weh? Bakit ang tahimik mo yata?" Nilingon naman na siya ni Evie. "Dapat ba yung nagwawala ako?" sarkastiko nitong tugon pa na nagpipigil ng tawa. "Cheers?" paghaya na lamang ni Benjamin ng baso nito kay Evie. Kinuha naman ni Evie ang baso niya ng alak at inumpog sa baso ni Benjamin. "Cheers!" at sabay naman nilang ininuman ang mga baso. "Oh, Miss Evie, ikaw naman! Kanina pa kami eh!" pagabot ni Fe ng mic kay Evie. Natitigan naman muna ni Evie ang mic at bumuntong hiningang inabot na lang ito. "Yehey! Evie! Evie! Evie!" kantyawan ng mga katrabaho niya pati na rin ni Benjamin para kumanta na si Evie. No'ng ako ay iwan mo, gumunaw ang daigdig Pagka't tanging sa 'yo lamang ang aking pag-ibig.. Ngunit sa pagdaan, sa paglipas ng taon Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom.. Tila natahimik naman ang lahat na kanina'y animo mga nagwawalang bata sa gulo. Hindi sa ayaw nila ng kinakanta ni Evie kundi mas nag-focus sila sa tinig nitong tila kuhang-kuha ang tono at orihinal na boses ng kumanta. Wag mo sanang biglain, sa iyong pagbabalik Ang idlip na damdamin, ang puso kong natinik Ang tamis ng pagsinta, at init ng halik Ang ibig madama, 'di man umiimik.. Kahit mga kumakain at nagiinuman ay tahimik silang nakikinig sa pag-awit ni Evie. Kahit si Benjamin ay pinapanood ang pagkanta ng sekretarya. Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik 'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik Kung saka-sakali man akin na ang nababatid Sa 'yo'y mahuhulog lang Kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik.. Sa buong duration ng pagkanta ni Evie ay tahimik lamang silang nakikinig hanggang sa natapos iyon. Nagpapalakpakan naman din silang lahat. "Woo! Grabe! Taob talaga ang timba!" Nagpapalakpakan sila at nagkakantyawan ngunit napansin nilang si Fe ay nagpapahid ng luha. "Oh, Miss Fe? Inano ka ha?!" "Huwag ka nga!" natatawa pang sagot ni Fe habang nagpupunas ng luha. "Sinong nanakit sayo?! Yung driver ng SUV?!" pangaasar pa ng mga katrabaho kaya napatingin si Evie sa kanya. "Sira! Si -- si Miss Evie kasi eh!" "Kumanta lang ako ah? Hindi kita inano dyan!" pangaasar ding depensa ni Evie. "Hahaha! Broken ka ba Fe?" gatong pa ni Benjamin. "Hindi naman po Sir. Sobrang lungkot kasi ng pagkakakanta ni Miss Evie eh. Parang damang-dama ko yung sakit!" "Bakit Miss Evie, mayroon bang nagbabalik?" kanyaw bigla ni Kyle. "Uyyy!" Napatingin naman si Benjamin kay Evie na tila nagiintay ng sagot nito. "Wala noh! Wala ng babalikan!" confident niyang sagot ngunit batid niyang kasinungalingan ito. "Ayon! Wala ng balikan! Hahaha!" At nagtawanan naman din silang lahat. Habang si Evie ay napapapilit namang tawa at ngiti. Mabuti na lamang at mas na kay Fe ang atensyon nila at hindi sa kanya masyado, kanina pa kasi talaga siya nagpipigil mangaralgal ng boses at maluha. Habang namimili muli sila ng kakantahin, tumayo naman na si Evie at dumiretso ng restroom sa loob ng VIP room nila. Isinara niya ang takip ng toilet bowl at naupo siya doon. Napatakip na siya ng bibig at halam na naman ang mga luhang nasa mata niya. Nang magsimulang tumugtog ang videoke ay saka niya napakawalan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata niya. Todo takip siya ng bibig gamit ang dalawang kamay upang mapigilan muli ang pagiingay mula sa pag-iyak at hikbi niya. Umiyak siya ng umiyak na para bang hindi alintana ang mga kasama na magsasaya sa labas, habang siya ay tumatangis sa kadahilanan hindi niya rin matukoy. Labis siyang nakakaramdam ng lungkot ngayon. Hindi niya malaman kung ano ang uunahin sa emosyon pa niya. Tila nagbabalik kung gaano siya naging miserable noong araw na nawala sa kanya si Silver. Bago pa man matapos ang kanta ay pinilit muli ni Evie na tumahan na, naghilamos na siya para hindi ito mahalata bago pinunasang mabuti ang mukha. Mabuti na lamang at iba-ibang kulay ng ilaw ang naroon sa silid kaya hindi mapapansin ang pamumula ng pagmumuka niya. Lumabas siya ng restroom ng tila bagsak balikat pa rin. "Grabe! Tagal mo Miss Evie ah." dali-daling pumasok si Gio sa banyo. Naupo naman na si Evie sa pwesto niya at kinuha ulit ang baso niya ng beer. Akmang iinom pa siya ng natigilan dahil hinawakan ni Benjamin ang braso niya kaya napalingon siya rito. "You'll driving, remember?" tila pagpigil nito. "Right." at inilapag niya ang baso ng alak. Kumain na lamang siya at uminom ng tubig upang makapagpababa ng tama. "Thank you, Sir. Ingat po kayo sa paguwi!" "See you tomorrow!" "Kayo din! Diretso uwi na ah!" Pagpapaalam na ng mga ito kina Benjamin at Evie. Nauna silang sumakay sa mga kotse nila at umalis na, habang sina Evie at Benjamin ay may kalayuan ang napagparadahan dahil puno na sa tapat nito. "Ingat sa pag-drive Evz." Napaharap na muna si Evie sa boss at ngumiti ng matipid. Parehos sila nitong nakahawak sa mga pinto ng kotse nila. "Ikaw rin, Benj." papasakay na sana muli siya ng magsalita ulit si Benjamin. "Huwag mong sarilihin. Mas mabigat kapag kinikimkim." parinig nito sabay ngiti. "Okay lang ako noh! Ciao!" pagpipigil niya ng tawa rito bago tuluyang sumakay ng kotse niya. "Ciao!" Buong byahe ay parang lutang pa rin si Evie. Ni hindi niya maalala kung papaano siya nakauwi ng apartment niya. Basta nagmamadali na lamang siya. Bagsak balikat at pasuray siyang pumasok sa loob ng apartment niya, halos iitsa niya kung saan ang susi at bag niya. Patapon niya ring ibinato ang sapatos pagkatanggal niya at hagis lang ng coat sa sahig. Dumiretso siya sa kanyang munting kitchen at kumuha ng malamig na tubig sa ref saka nilagok ito. "Gutom ka na ba? Sorry na-late na naman si mommy ng uwi ah." bakas sa tinig niya ang lungkot na para bang nakakapagod ang araw na ito. Matapos bigyan ng pagkain ang aso niya ay dumiretso na siyang kwarto niya at isa-isang hinubad ang mga damit niya na walang tinirang saplot. Dumiretso siya sa banyo at binuksan ang shower. Hinayaan niyang umagos yun at saka inilapit ang katawan hanggang sa mabasa siya ng malamig na tubig dahil hindi niya binuksan ang heater, ngunit ni hindi siya gumagalaw. Bigla na lamang din siyang napaupo sa sahig ng shower at saka muling naramdaman ang bigat ng damdamin niyang kanina pa gustong bumugso ngunit matindi ang pagpipigil niya. Naramdaman na niya ang init mula sa kanyang mga mata na umagos na rin sa kanyang mukha. Sa pagkakataong ito, hindi na niya pinigilan ang sarili sa pagsumamo at pagtangis. Buong lakas niyang isinigaw ang sakit na nadarama. Kasabay ng buhos ng shower ay ang mas malakas niyang pag-iyak. Wala na siyang pakialam kung marinig pa siya ng kapitbahay niya basta gusto niyang iiyak ng lahat ng nadarama. Bakit? Bakit ka pa ba kita kailangang makita?!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD