HINDI MAKAILA NI Silver na maganda ang offers sa kanila ng Yu Solar Panels, focus siya sa presentation ng isa sa mga engineer at masasabi niyang impressed na siya sa product offers sa project na sisimulan niya.
Nang napansin niyang may lumapit na sa table sa likuran niya banda dahil mukhang ito na ang next presenter, napalingon siya roon ngunit hindi naman maaninag kung sino ang nakatalikod. Masyado rin magdilim sa silid na hindi rin matukoy ang kulay ng suot nito.
Bumalik na muli siya ng tingin sa presenter sa harapan ng mapansin na naman niyang tila may sinenyasan si Benjamin na nakaupo sa harapan niya sa likuran niya banda at mukhang sa table na naroon.
"Next will be our product specialist's presentation."
At yun ang naging hudyat kay Silver upang pasimpleng sumulyap muli sa likurang bahagi upang makita na ang susunod na magpi-present.
Halos gusto niyang manakbo papalapit roon ngunit napako rin ang sarili sa kinauupuan. Ni hindi niya maalis ang mga tingin sa babaeng nasilayan niyang nasa harapan ngayon.
Ang babaeng tatlong taon niyang pilit sanang kalimutan ngunit patuloy na hinahanap at pagkasahanggang ngayon ay tinatanggi. Ang babaeng palaging laman ng mga panaginip niya. Ang babaeng nakakapagpagulo na naman sa kanyang wisyo at damdamin. Na ang babaeng ngayong abot kamay na niya.
"Good afternoon everyone, I'm going to present the Yu's solar panels products in behalf of Miss Fe Hernandez."
Hindi siya nananaginip na lamang, o namamalikmata. Nasa harapan na niya ngayon ang babaeng walang iba kundi ang dating kasintahan niya ng minahal niya ng lubusan kahit pa ang relasyon nila noon ay kakaiba sa ilan.
Napaangat si Silver sa kinauupuan na halos hindi na siya mapakali. Tila may kung anong umiipit sa kanya at ang kabog ng dibdib niya ay hindi na niya masawata. Hindi siya makapagintay na magtama ang mga mata nila. At hindi nga siya binigo ng tadhana.
Natabunan siya sa wakas ng mga tingin ni Evie at kagaya niya, para itong binuhusan ng malamig na tubig ng makita siya. Alam niyang kilala siya nito. Alam niyang nabigla rin ito sa nangyayari noon. Alam niyang pareho silang hindi makapaniwala na sa loob ng higit isang taon nilang naging relasyon at sa tatlong taon na pagkakawalay, nagkita na sila ng personal, sa wakas.
Alam niyang intimidated na si Evie sa kanya dahil nauutal ito at nasasamid, tila naghahabol rin ito ng hininga at ni hindi muli makatingin sa kanya. Napansin niya rin ang kaunting nginig sa mga kamay nila marahil sa kaba. Hindi niya mapigilang hindi mangilid ang mga luha sa mata habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa dalaga. Minasdan niya itong mabuti dahil sa unang pagkakataon, nakita na niya ito ng personal.
Kahit pa madilim ang paligid at tanging ilaw mula sa projector lang ang naroon, hinding-hindi siya nagkakamaling si Evie ito. Labis pa rin ang pagkamangha niya sa dalaga.
"The -- this type of solar panels actually most used in different types and structures of buildings especially around rural area. You know, rural area has much and wider source of sunlight compare here in the urban. This type of solar panels has been most recommended and more efficient even in short buildings."
"For more questions, please kindly wait for Engr. Gio for his next presentation. Thank you." tila nagmamadali si Evie na matapos at hindi niya binigyan ng pagkakataon makapagtanong sa kanya ang mga kliyente lalo na siguro si Silver na nasa harapan niya mismo.
Nagpalakpakan naman sila at naglakad na si Evie paalis ng board.
"Great job!" bati ni Benjamin sa kanya ng mapadaan siya sa likod nito habang pinapalakpakan siya. Hindi na lamang siya nasagot ni Evie at diretso ng umupo sa pinakadulong bahagi ng conference table.
Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib sa kaba at gulat na nadarama. Ni hindi siya makaangat ng tingin dahil pakiramdam niya ay nakatingin si Silver sa kanya. At hindi nga siya nagkakamali. Kaagad niyang binuksan at ininom ang halos kalahati ng laman ng bottled water na nasa harapan niya. Halatang naghahabol pa rin siya ng hininga.
Nakasunod lang ang tingin ni Silver kay Evie kahit pa mayroon ng bagong nagpi-present sa harapan niya. Pansin niyang ni hindi lumilingon si Evie sa gawi niya kung kaya't nais niya sanang makuha ang atensyon nito ngunit hindi alam kung paano.
This can't be happening? Why is he here? Don't tell me -- he's the owner of the S.A Constructions?
S.A Constructions? Silver Alessandro?
Why I didn't even realize that?!
*KRIING... KRIING...
Mabilis na dinukot ni Evie ang phone sa bulsa ng kanyang coat ng bahagyang nag-ring at nag-vibrate ito upang hindi na makapukaw ng atensyon ng karamihan.
Sa wakas ay may dahilan siya upang lumabas ng silid.
Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng conference room. Napansin ito ni Benjamin ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya hanggang sa mapalingon siya sa harapan niya, kay Silver. Napansin niyang nakasunod ng tingin ito kay Evie hanggang sa makalabas.
"Hello Jay? --" bati niya agad rito dahil ito ang lumabas na pangalan sa caller ID niya. "Fe! Ano ng nangyari sayo dyan?" bakas naman ang pagaalala niya ng si Fe na pala ang kausap niya.
(Nandito pa rin kami sa presinto, Miss Evie. Nagmamatigas itong driver. Ni ayaw magbayad ng damages!) bakas sa tono ang pagkainis nito.
"Ganun ba? Sige, pupuntahan na lang kita dyan."
(Tapos ka na ba mag-present? Kamusta naman ang meeting? Anong sabi ni director?) natatarantang pagaalala pa rin nito sa naiwang gawain.
"Ayos lang naman. Alam naman ni director ang nangyari. Sasabihan ko na lang siyang pupuntahan kita. Tatawagan ko na rin si Atty. Davion."
(Sige, Miss Evie. Salamat ah.)
Pagkababa ng tawag ay kaagad na napasugod si Evie sa restroom ng floor na yun at napatapat sa salamin.
Minasdan ang sarili at napapaigting bangang. Bigla na lamang siyang napaupo na halos yakapin ang mga tuhod ngunit ang kanang kamay niya ay napakapit pa rin sa sink. Hindi na niya napigilan bumuhos ang mga luha sa mga mata na kanina pa niya pinipigilan.
"Bakit -- ngayon pa?!" saad niya sa pagitan ng mga atungol at hikbi.
Tinakpan niya ang bibig upang hindi lumikha ng anumang ingay ang kanyang mga hikbi at pagtangis. Halos wala siyang makita sa mga luhang nasa mata na pilit pa ring kumakawala. Pilit man niyang patahanin na ang sarili ngunit kabaligtaran naman ang nangyayari.
Kahit patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niyang naguunahang kumawala, kaagad naman siyang nagpahid gamit lamang ng kamay niya. Tumayo na siya at patuloy pa rin ang pagpahid niya rito. Sobrang pula ng kanyang mga mata at ilong, pilit niyang pinipigilan na ang mga luha niya at humihinga ng malalim upang hindi na ito kumawala.
Kumuha na siya ng tissue at kaagad na pinunasan ang mata at mukha niya sabay singa na rin roon. Inayos niya ang buhok na bahagya ng nagulo na. Inalis niya ang pagkakatali nun at itinali muli ito ng buong naka-ponytail na. Mas kita ngayon ang magandang mukha niya ngunit nababalutan ng lungkot at ang makinis na leeg niyang namumula rin.
Huminga muli siya ng malalim at minasdan ulit ang sarili sa salamin. Halatang galing siya sa isang short breakdown ngunit wala na siyang oras upang umiyak pa, wala ito sa schedule niya ngayong araw kaya lumabas na siya ng restroom. Dali namang kinuha na ang bag niya sa table niya at nanakbo papuntang elevator.
Sakto namang lumabas doon ang dalawang empleyadong kaninang tumulong sa kanya na magakyat ng mga pagkain kaya bahagya siyang natigilan ngunit ni hindi siya makatingin ng tuwid sa mga ito.
"Ah, Miss Evie, eto na po yung mga pinatimpla niyong kape para sa --"
"Si -- sige na. I-pasok niyo na sa loob ng conference." nagmamadali lang niyang sagot rito na hindi pa rin tinitingnan ng diretso dahil baka mahalata nila ang pamumula ng mata at mukha niya.
Nagtaka naman ang mga ito sa malamig niyang sagot at tila nagmamadaling makapasok ng elevator.
Tila isa itong perfect excuse upang hindi na siya magtagal sa opisina dahil naroon pa ang lalaking hindi niya inaasahang makita pa. Hindi man niya aminin, ngunit nais niyang umiwas muna rito sa kadahilanang hindi niya alam kung papaano ba talaga ito haharapin sa ngayon. Matapos ang hindi magandang hiwalayan nila, hindi pa siya handang harapin pa rin ito.
Magkakahalo ngayon ang nararamdaman niya dahil sa nangyari. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matuwa, magalit o malungkot dahil nakita niya pa si Silver, ang lalaking sinusubukan na niyang kalimutan sa mahabang panahon. Nakaramdam din siya ng takot at pangamba na hindi niya mawari kung bakit. Tila nasasabik siyang makita ito ngunit nais na niyang kalimutan.
Habang mag-isang nasa loob ng elevator, muling nangilid ang mga luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan dahil baka may sumakay rin doon at makita pa siyang umiiyak. Napapatulala na lamang siya sa kawalan sa loob fully glassed elevator.
ILANG minuto ang lumipas simula ng lumabas si Evie ng conference room, panay sulyap si Silver sa pintuan kung magbabalik na ito ngunit wala pa rin.
Patuloy pa rin ang presentation sa harap niya ngunit wala na talaga roon ang kanyang atensyon. Hindi na siya mapakali, sabay niya pang ginagalaw ang dalawang paa dahil sa pagiintay na makabalik si Evie sa kinauupuan nito kanina ngunit wala pa rin.
Nang hindi na talaga siya makatagal, tumayo siyang bigla sa kinauupuan at napansin kaagad ito ng lahat, napatingala sa kanya ang mga ito dahil sa tangkad ng binata.
"Ah, excuse me. Restroom." tila palusot niya at kaagad na naglakad papuntang pintuan ng conference ngunit bago pa niya mahawakan ito at buksan ay nauna na itong bumukas sa harapan niya.
Pumasok roon ang dalawang empleyadong may dalang tray ng mga tasa ng kape at napaatras lang si Silver ng pumasok sila. Kaagad naman din siyang lumabas ng makapasok na ang mga ito.
Tumingin-tingin siya sa paligid ng buong palapag ngunit wala siyang makitang bakas ni Evie. Hinanap niya ang restroom at kaagad siyang pumasok. Tinulak niya ang bawat pinto sa dalawang cubicle na naroon ngunit walang mga laman kaya nananakbo siyang lumabas muli at pasimpleng binuksan ang pinto ng silid ng opisina ni Benjamin. Dumingaw siya roon ngunit tila wala ring taong naroon.
Nakita niyang lumabas ng muli ang dalawang nagdala ng kape sa conference room at hindi na niya napigilang hindi magtanong sa mga yun.
"Ahm, excuse me? Nakita niyo ba yung -- yung babaeng kulot ang buhok at naka-blazer coat? Galing din siya kanina sa conference eh." pagbabakasali naman niya.
"Po? Ahm.." nagkatingin naman ang dalawa na tila nagtataka.
"Nag-present din siya, yung kasama niyo -- kanina."
Tila nagbulungan naman ang dalawa. "Baka si Ma’am Evie?"
"Baka nga." bumaling naman ito kay Silver. "Si Ma’am Evie po ba, Sir?"
"Yes! E -- Evie!"
"Ahh, nako Sir lumabas na po yata kasi nagmamadali kaninang sumakay ng elevator eh."
Napalingon naman si Silver sa elevator at napagtantong mukhang umalis na nga ito. Bakas sa kanya ang panghihinayang at inis dahil sa isang iglap, nawala na naman ito sa paningin niya.
"Okay, thanks."
Pumasok na lamang din siya ulit sa conference room at pinagpatuloy ang pakikinig sa meeting nilang wala na roon ang atensyon niya.
MATAPOS ang presentation ay nagsimula naman na din sila sa meeting patungkol pa rin sa project na sisimulan. Dahil wala naman din siyang nakikitang dahilan upang hindi kuning supplier ang kompanya nila Benjamin, mabilis na silang nagkasundo sa mga terms and agreement.
"This will be a good start of our business transaction, Mr. Alessandro." magiliw namang saad ni Benjamin rito pagkatayo nila at pakikipagkamay kay Silver.
"Please, just Silver." pakikipagkamay rin nito kay Benjamin tanda ng pagsangayon.
"Benjamin will do too." nagbitiw na sila ng mga kamay. "I will ask my secretary to make our contract and send you the samples before we can proceed to the signing. Expect it within this week."
"That would be great, Benjamin. Thanks."
Nakipagkamay rin siya sa ilang taga Yu Solar Panels na naroon at gayun din ang mga empleyado niya sa S.A Constructions.