BIGLANG LUMABAS ANG magasawang katiwala ni Silver sa kusina ng marinig ang malakas na sigaw nila Evie at Georgia sa salas. "Nako! May world war III!" pagaalala pa ni manang Joy. "Nako madali ka! Tawagin mo si Sir Silver!" natataranta ring saad ni manong Obet at nanakbo naman ang asawa nito patungo kung nasaan si Silver. Papalapit sana siya sa dalawang nagaaway ngunit humarang ang ginang sa kanya. "Huwag kang aawat! Malilintikan ka sa akin!" pagbabanta pa ng ginang at pagduro ng pamaypay nito kay manong Obet. "Ayaw mo pa ring tumigil ah!" "Ikaw ang tumigil! Layuan mo si Silver! Akin siya!" paghatak pa nito sa buhok ni Evie kaya nabunutan na naman ito ng ilang hibla at natanggal na ang pagkakapusod nito. "Argh! Bwisit ka!" gayun din ang ginawa ni Evie sa buhok ni Georgia at mas marami

