DUMATING NA AND attorney ni Silver at gayun din ang ama ni Georgia. Humarap rin sila sa hepe ng istasyon kasama ang iba pa. "Silver, baka pupwede na lamang natin itong pagusapan?" kalmado namang pakiusap nito. "Tito Rigor, makikipagareglo po kami, pero may restraining order pa rin po kayo sa amin." mas kalmado na rin si Silver ngayon. "Kung magkano po ang inutang ni mama noon, kahit tubuan niyo na lang, babayaran ko po. Yun din naman ang offer ko sa inyo noon pa man pero ayaw niyong pumayag, mas gusto niyong pakasalan ko ang anak niyo." "Ah, ahm.. Huwag na natin pahantungin sa kaso ito." "Ibigay niyo ang kabuuang breakdown at mga patunay ng utang ni mama sa inyo, at babayaran ko po. Matapos nun, huwag na huwag niyo na kaming guhuluhin ng pamilya ko!" mariing saad ni Silver sa mga ito.

