NAGSALUBONG NAMAN SINA Benjamin at Silver at nag-shake hands habang wagas ang mga ngiti nila sa isa't isa. Nabibigla man, natutuod naman si Evie dahil hindi niya malaman kung bakit pa siya sinama ni Silver sa harapan. Napatayo na lamang siya sa likod ng dalawang lalaki at ng host habang pumapalakpak. Inabot ni Benjamin kay Silver ang plaque at magiliw naman ding kinuha iyon ni Silver. "Thanks, dude." saad pa ni Silver. "Welcome to our company." Pinag-pose naman sila ng photographer para makuhanan. Sabay na nila Silver at Benjamin hinawakan si Evie sa magkabilang siko nito para maipapwesto sa harapan na at pinaggitnaan nila ako. "Kasama ba talaga dapat ako?" nagtataka naman si Evie sa mga ito. "Of course!" sabay rin nilang sagot sa dalaga. Napangiti na lamang din si Evie sa habang na

