KINAKABAHAN MAN, hindi naman nagpapahalata si Evie para hindi siya masintunado sa pagkanta. Habang sinasambit ang bawat lyrics ng kanta, tumatagos ito sa puso niya kaya hindi niya mapigilang mapapikit na lamang din. Kasabay nun ang pagsariwa na naman niya sa alaalang pinagsamahan nila ni Silver noon. Hindi sa sinasadya niyang ito ang kantahin, ngunit ito kasi ang unang kantang nakita niyang nasa podium na nasa harapan kung saan nakalagay ang song lyrics ng mga kanta kaya ito na lamang din ang sinabi niyang kakantahin. *The one.. The one.. Oh the one, the one, the one.. *All this money can't buy me a time machine, no.. Can't replace you with a million rings, no.. I should've told you what you meant to me.. 'Cause now I pay the price.. Halos hindi naman makurap si Silver sa pagtitig k

