Bigla siyang binitawan ni Silver at biglang hinigit ang beywang niya papalapit rito sabay siniin siya ng halik sa gitna mismo ng hall ng mall, sa gitna ng maraming taong naglalakad rin kasabay at nakakasalubong nila. Napatulak niya si Silver at naghiwalay naman ang labi nila. Pagkabigla ang gumuhit sa mukha ng dalaga. "Ano ba, Silv? Ang daming tao." pasimpleng saad pa ni Evie na nahihiya na dahil bigla na sila pinagtitinginan roon. "Alam ko. Dito mo ba gustong -- anuhin kita para lang tawagin mo kong daddy?" seryosong tugon pa ni Silver rito. Hindi pa rin malaman ni Evie ang isasagot rito dahil napapatingin rin siya sa mga taong nakatingin sa kanila at labis na naiilang. Tila nainip naman si Silver at hinawakan sabay pisil na nito sa pang-upo ni Evie na labis nakapagpabigla sa dalaga.

