"Ma, hayaan mo na yang si kuya. Kung sa ayaw niya talaga dun kay Georgia eh." pagsuway pa ni Vivian sa ina. "May pinagaralan yun tao, registered accountant yun! Lawyer ang nanay, accountant din ang tatay! Mayaman din naman sila! Kaysa naman pumulot ka dyan ng kung sinong babae lang." "Hindi ka rin naman mayaman pero pinakisamahan ka pa rin ni papa di ba?" pasaring ganti pa ni Silver. "Ano?!" galit na bulyaw pa ng ginang. "Single mom ka pa nun. Pero iniwan ni papa ang mama ko at binitbit pa ko tapos sumama lang sayo." halatado sa boses ni Silver na bwisit na siya ngunit ayaw niyang sumabog. "Walang hiya ka talagang bata ka ha?! Ako nagpalaki sayo! Baka nakakalimutan mo ang mga winaldas mong pera noon --" pagduro pa nito kay Silver. "Oo pero pera yun ni papa, hindi sayo! Ngayong patay

