MATAPOS NG TANGHALIAN, balak na rin sana umalis nila Evie at Silver ngunit humiling pa si Vivian na samahan siya ni Silver maningil sa mga pautang nitong bigas, may bigasan na business ito na bigay mismo sa kanya ni Silver bilang sariling negosyo at makadagdag sa gastusin nila. Naiwan naman si Evie kasama ang tatlong anak nito at isang kasambahay. Ang panganay nito ay nasa anim na taong gulang na, habang ang babaeng sumunod ay apat na taon. Ang bunso niya ay nasa dalawang taon pa lamang at palaging nasa kuna na nakapwesto sa salas nila. Naglalaro naman ang mga bata ng coloring books nila kaya tila nananahimik. "Ma’am? Maiwan ko lang po kayo saglit ah? Magliligpit lang ako sa kusina." pagpapaalam naman ng kasambahay. "Okay lang po, ate." "Tawagin niyo na lang ako kapag mag-iyak ang bata

