"B-Baliw ka ba?" Pilit kong hinigit ang kamay ko mula sa kanya para ako ay bahagyang makalayo. "Ang ganda ng ginawa mong setup, Dwine. Pero hindi ako 'yong babaeng dapat mong i-date... lalo na sa lugar na ito. Alam mo ba ang ginagawa mo?" "Dwine naman! Para namang hindi mo alam na bawal ang office romance dito, 'di ba? Pero ano? Nagawa mo pa talaga akong i-date sa mismong lugar ng company para lang d'yan sa pamimilit mong bumigay ako sa iyo at sa mga mabubulaklak mong mga salita at pang-uuto?" "Maniwala ka sa akin, Aya. Wala akong intensyon na pareho tayong mawalan ng trabaho para ibuking ang tungkol sa atin--" "Walang tayo, Dwine! Wala tayong relasyon. At tiyaka isa pa... maling-mali ang lugar na napili mo para i-surprise date ako. Kaya parang awa mo na, tigilan mo na ang paglalaro."

