“Bakit mga wala kayo sa mga upuan n’yo, ha? At bakit ang gugulo ng mga upuan? May party?!” panenermon ko dahil pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom, aabutan kong gulo-gulo ang upuan nila’t wala pa sila sa kanilang seating arrangement. “Pwera kay Mari, lahat kayo ay minus 5 sa quiz mamaya. Balik sa mga upuan!” “Unfair naman ‘yon, Ma’am Aya. Dahil ba anak mo si Mari, siya lang ang hindi mama-minus-an sa quiz?” “Excuse me, Miss Santos? Malinaw ang rules and regulations sa klase ko na ang mga estudyanteng wala sa proper seats nila, may consequence na dapat kaharapin. At kung ang itinatanong mo kung bakit si Mari lang ang exempted sa parusa, hindi ‘yon dahil anak ko siya, hija.” Natakot ko yata ‘yong bata gayong hindi naman galit ang tono ng boses ko at hindi pa naman ako natatap

