“Ma, makakalimutin ka ba? Sinabi ko kaya sa iyo na ngayon ako sasalang sa elimination round,” ani Mari nang makarating na kami sa office ko. Pagkatapos ng performance niya ay hinatak ko siya paalis doon since ang pagkakaalam ko, sa friday ilalabas ng org na namamahala sa contest ang official list ng mga pumasa sa elimination round. “Sa rami ng trabaho at iniisip mo, ma… malamang nakalimutan mo nang sinabihan kita,” dagdag nito tiyaka naupo. “Alam mo na ngang makakalimutin ako, ‘di mo pa pinaalala sa akin. Alam mo naman ang nanay mo… ganda lang ang mayroon.” Nagawa ko pang magbuhat ng sariling bangko sa harap ng anak ko bago ako nagpaka seryoso. “Sa totoo lang, wala naman akong say kung gusto mo talagang sumali sa contest o hindi. Alam ko namang kahit tutulan kita, ipipilit mo pa rin ang

