"D-Dwine--" "Gusto raw ng burger ni Mari. Ibibili ko lang." Kasunod n'yon ay nang lampasan ako ni Dwine palabas ng bahay ko. Aaminin kong naestatwa ako sa laki ng pagbabago ng pagtrato niya sa akin ngayon… at ang naging dahilan lang naman no'n ay walang iba kung hindi ang malaki niyang pagseselos. "Wala naman siyang karapatan na magselos, 'di ba? Wala naman kaming relasyon kaya bakit siya gano'n?" Hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga mata kong pinasadahan ko si Veron ng tingin. "Ang OA, 'di ba--" "E, ikaw?" pagputol niya sa akin. "Sa bibig mo na mismo nanggaling na wala kamo kayong relasyon ni Dwine kaya wala siyang karapatan na magselos kung narinig niyang si Sir Jonas ang ideal man mo." "Tama!" sagot ko. "Sa kaso mo naman…" Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong karapatan mo na ma

