CHAPTER THIRTY-ONE

1751 Words
CHAPTER THIRTY-ONE Since the day Margaret died, Arielle didn’t have the opportunity to go out of the way as she did today. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya na-enjoy ang company nina Keith at ng mga kaibigan nito. Pagbalik nila sa kusina dala ang mga gamit nila ay nagtatawanan ang tatlo habang pang-igi nang paghahanda ng pagkain. Sabay-sabay pang tumahimik ang mga ito nang pumasok sila. Hindi naman halatang sila ni Keith ang topic ng tatlo. “Para kayong mga sira,” kunwa’y galit na angil ni Keith sa mga ito. Ngumisi si Kevin. “Come on. We’re already giving you a favor. Be thankful.” “Favor your face.” Sa halip na mainis ay isang malakas na halakhak ang ginawa ni Kevin. “Pasasalamatan mo rin ako after this.” “Not gonna happen.” “Try me then.” Nanghahamon ang tingin ni Kevin. Sa klase ng ngiti nito ay tila sigurado nang panalo na. “Bilisan mo na lang diyan.” Nagsalitan ang tingin ni Arielle sa dalawang lalaki. “Don’t mind him. Ganiyan ang nagagawa ng gutom sa kaniya.” Bago pa siya naka-react sa sinabi ni Keith ay nakalapit na ito sa kaniya. “We’ll try to dig in first habang busy pa sila. Let’s take a look at some topics na pwede nating gamitin.” Humila ito ng upuan at ibinaba doon ang bag. Sunod nitong ibinaba ay ang mga librong hawak. Muling inabot nito ang bag at kinuha roon ang laptop. Pagkabuhay nito ng laptop at akmang uupo para lang tumigil muli. “Okay ka lang ba?” untag nito sa kaniya. “Ha?” maang niyang saad habang nakatitig sa mukha nito. “Natulala ka na diyan.” “Ohhh… Sorry.” Lihim niyang nahaplos ang buhok. Hindi magkamayaw kung anong unang gagawin. Ibababa ba niya ang bag? Hihila ng upuan? Titingin sa ibang direksyon? Geez! But she’s like a dork. “Give me that,” pag-aalok ni Keith sabay abot kaniyang bag. Ipinatong nito ang bag niya sa mesa bago hinila ang upuang nasa tabi. “Take a seat.” “O-okay. Thank you.” Napilitan siyang maupo. Sumunod naman ito at muling binalikan ang laptop. Nagsimula itong tumipa roon. Seryosong-seryoso ito sa ginagawa na para bang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga. “Hmmm… A-ano…” “Don’t worry. Makakahanap kaagad tayo ng topic natin.” Nang-a-assured ang tinig ni Keith habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop. “That’s not what I mean.” Binuksan niya ang bag at kumuha ng notebook doon. “I actually listed some topics.” Inabot niya ang notebook na kaagad namang kinuha nito. “Wow…” anas nito habang binabasa ang mga nakasulat doon. “Naisip mo na kaagad ang mga ito.” “Binasa ko ‘yung sample na bigay ni prof. kaya medyo nagka-ideya ako sa mga pwede nating topic. I’m wasn’t sure kuung paano ako makakatulong so I did that in advance.” “Well, it’s a big help. Ang kailangan na lang nating gawin ay pumili ng isa at maghanap ng supporting details.” Amused na amused na pinasadahan muli ni Keith ng tingin ang mga nakasulat sa notebook. “You know what? You’re a good and fast learner.” “You think so?” Hindi mapigilang anas niya. Hindi talaga maiikailang direct to the point kung magsalita si Keith. Ngunit sa tuwing pinupuri siya nito ay hindi niya alam kung paano maniniwala… O kung dapat ba siyang maniwala. Nilingon siya nito bago binigyan ng isang malapad na ngiti. “Ilang linggo ka pa lang sa klase pero mabilis mong nakabisa ang mga gawain. Walang mag-iisip na nasa malaking adjustment period ka pa.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang supilin ang ngiting gustong lumitaw mula sa kaniyang mga labi. Mga simpleng papuri lang ang sinasabi nito pero para bang napakalaking bagay na ng nagawa niya. In Keith’s eyes, parang bang isa siyang interesanting tao, which is kabaligtaran naman. “Tutal ikaw ang nagbigay ng mga topics na ito. May specific na topic ka bang gustong gawin ng research. We’ll follow if may gusto ka.” Bahagyang iniisod ni Keith ang kinauupuan para magkaharap sila. Kagyat naman siyang napaupo ng ayos. “At hindi mo kailangang mahiya kung sakali.” Ipinilig-pilig niya ang ulo sa isip. Kailangang manatili ang focus niya sa totoong dahilan kung bakit siya naroon. Hindi pwedeng masama ang nararamdaman niya sa mga ginagawa. “Wala naman akong specific na gusto… Isa pa,” tumigil siya sa pagsasalita at sinulyapan sina Daphne, Jasmine at Kevin. Sabay-sabay na nagyuko ng ulo ang mga ito at kunwa’y abala sa ginagawa. Napangiwi siya nang ma-realize na pinapanood sila ni Keith noong tatlo habang magkausap. “For sure papayag sila sa pipiliin mo.” Umiling-iling siya. “We’re a group. Normal na magkaroon ng contribution ang bawat isa. At mas mabuti kung magkakasundo tayo sa kung anong mabuting topic.” Hindi kaagad nagsalita si Keith. Ilang segundong tinitigan nito ang notebook niya. “Kung ganoon, hindi kita kokontrahin diyan.” Nilingon nito ang mga kaibigan. “Bakit hindi muna tayo pumili ng topic bago ako magluto diyan?” “Fine with me,” pagsang-ayon ni Daphne at isinalansan ang mga hinihiwang sangkap. “I’m in,” tugon naman ni Jasmine sabay alis ng apron na isinuot kanina. “Okay na ito kaya pwede na kaming tumulong diyan.” Nagpunas ng kamay si Kevin. Sunod-sunod na lumapit ang tatlo. At gaya nang napagkasunduan, magkakasama silang pumili ng topic. Wala pang limang minuto ay nagkasundo sila sa isang topic. Hindi rin nagtagal ay napuno ang kusina ng kaniya-kaniyang suggestion. Ilang minuto pa ay sinundan iyon ng mabangong amoy ng lutuin. Lihim na lang napapangiti si Arielle habang pasimpleng sinusulyapan si Keith na nakasuot ng apron at seryosong nagluluto. Geez… Keith was a gentleman. He’s nice and kind. He’s intelligent… And as she watched him cook, she couldn’t help but think that he’s really something… ***** Makalipas ang halos isang oras na pagluluto ni Keith ay natapos rin siya. Lumipat sina Arielle at ang iba pa sa teresa kaya naman naiwan siya sa kusina. Doon sila nag-decide magpatuloy sa paggawa. Wala namang problemang maiwan siya. Pabor pa sa kaniya dahil mas nagagawa niyang kumilos ng maayos kapag siya lang. Makalipas pa ang ilang minuto ay may tagumpay na ngiti ang sumilay sa labi ni Keith habang tinitingnan ang natapos na obra. Isa-isa niyang ipinatong sa malapad na tray ang mga bowl na nalalagyan ng makukulay na sangkap. Amoy na amoy niya ang mabangong aroma ng niluto. Iba talaga ang satisfaction kapag nakakapagluto siya. Madalas tinatanong siya kung bakit hindi na lang Culinary Arts ang kinuha niya pero gaya ng ibang kwento, may kaniya-kaniyang daang tinatahak ang bawat isa… There’s a difference between the hobby and the profession you wanted. And he couldn’t help but think of Arielle. From Engineering ay bigla itong nag-shift ng course sa Business Administration. Hanggang ngayon ay iniisip niya kung gusto ba nitong gumanti kina Katrina at Nico. Ngunit sa bawat sandaling tinitingnan at nakakasama niya ang dalaga, wala siyang nakikitang bakas nang paghihiganti mula rito. Sometimes, it felt that she’s just living the life that Margaret missed the moment the former died. Sadly, it’s pretty obvious that she’s still grieving… subconsciously. Hindi bulag at manhid si Keith para hindi mapansin na nahihirapan pa rin ang dalaga na tanggapin na wala na ang kapatid nito. At hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit parang apektadong-apektado siya. Marahas niyang ipinilig ang ulo bago muling ibinalik ang tingin sa umuusok na pagkain. Marahil sa oras na ito, gagawin niya muna ang dapat. Inabot niya ang tissue sa rack. Pagkatapos magpunas ng kamay ay inalis niya ang suot na apron at lumabas ng kusina. Habang binabaybay ang daan patungo sa teresa ay rinig na rinig niya ang malakas na tawanan ng mga kaibigan. Sila lang ang tao sa bahay. Wala ang mga magulang niyang parehas abala sa trabaho. Matagal na ring hindi tumitira sa kanilang bahay ang panganay at nag-iisang kapatid niyang lalaki. Wala rin silang katulong na permanenteng nakatigil sa bahay kaya naman sanay na siya sa gawaing-bahay. Makalwahan pumunta ang tagapaglinis nila kaya naman solong-solo nila ang bahay. Isang dahilan at gusto ng mga kaibigan nilang doon mag-stay. Nang sapitin niya ang teresa ay unang umagaw sa atensiyon niya ay si Arielle. Iba na ang suot nitong pang-itaas. Naka-roll ang manggas ng oversize shirt. May salamin sa mata na rin itong suot habang tutok na tutok sa screen ng laptop. Seryosong-seryoso ito habang mabilis na tumitipa ang mga daliri sa keyboard. Nakataas pa ang buhok nito gamit ang isang lapis. D@rn, but she’s simply beautiful. “Baka matunaw iyan.” Muntik nang mapatalon sa gulat si Keith nang bigla na lang may bumulong sa tenga niya. Nilingon niya ang salaring walang iba kundi si Kevin. Ngising-ngisi ito habang nakatingin sa kaniya. “Sira!” “Sus, kunwari ka pa.” Panunukso ni Kevin. “Pero hindi naman kita masisisi kung matulala ka diyan. Maganda naman talaga siya.” Sinamaan niya ng tingin ito. “Manahimik ka kung gusto mong pakainin kita.” Sa halip na matakot ay lalong lumapad ang ngisi nito. “Kakayanin mo bang hindi ako pakainin sa harap ni Arielle?” Kunwa’y bulong nito na sinundan ng malakas na halakhak. Naagaw nila ang atensiyon ng tatlong babae. “Andiyan ka na pala, Keith. Tapos ka nang magluto?” excited na tanong ni Jasmine. “Yeah. Saan ninyo pala gustong kumain?” “Sa dining room na lang tayo.” Si Daphne ang sumagot na nagsimula nang tumayo. “Nagugutom na ako.” “Kung ganoon ay tara na,” pag-aaya niya. Sinulyapan niya si Arielle na kasalukuyang nakatingin sa kaniya. “Halika na.” Ngumiti ito. “Okay.” Sunod-sunod silang pumunta ng kusina. Inaasar-asar pa rin siya ni Kevin pero pinili niyang huwag pansinin ito. Naka-focus ang atensiyon niya sa ibang bagay. Nang marating ang dining area ay tulong-tulong nilang inayos ang mesa. Una niyang inihain ang Black Noodles Ramyun. At bago ang Bibimbap. “Ang bango naman!” bulalas ni Jasmine. “Tayo nang kumain!” That’s Daphne while mixing the ingredients of her Bibimbap. Nagsimula na silang kumain ngunit ang atensiyon niya ay nakatutok kay Arielle. The moment she took her first bite, her face lit up, making him smile sheepishly. There’s really something about making something special for people who were special to you… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD