CHAPTER THIRTY

1587 Words
Dear Diary, Kapag nagsimula ka nang magmahal, hindi maiiwasan na may masasaktan. May pagkakataon na kailangan mong magsakripisyo. At hindi madali iyon. Alam kong nagtatampo si Arielle sa akin dahil sa halip na sumama ako sa kaniya na mag-grocery pinili kong sumama kay Nico. Schedule namin ngayon para mag-grocery pero dahil monthsary namin ngayon ni Nico, hindi ko siya nasamahan. Ngumingiti lang siya pero alam kong masama ang loob niya. Kinakausap niya ako pero nauunawaan kong nagsisimula na siyang magdamdam. Pero anong gagawin ko? Hindi ko pa pwedeng sabihin kina mommy at daddy ang tungkol sa amin ni Nico. Natatakot akong baka magalit sila at paghiwalayin nila kami. Kahit ilang beses nang sinabi ni Kimmy na hindi gagawin iyon nina mommy at daddy, hindi ko mapigilang matakot. Napakadaming what if’s sa isip ko. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? O hindi pa lang ako mauunawaan ni Arielle? Oh geez! Ang daming tanong sa isip ko… Anyway, sobrang na-enjoy ko ang date naming dalawa ni Nico. He’s really sweet and caring. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya ako. Sana palagi na lang ganito… At sana dumating ‘yung time na hindi kami patago… Patago mula sa pamilya ko. Patago mula sa mga kaibigan at mundo niya… Margaret Marahang isinara ni Arielle ang diary ni Margaret pagkatapos basahin ang entry nito. Halo-halo ang nararamdaman niya habang binabasa iyon. Naiinis siya pero hindi niya mapigilang alalahaning minsan ay napasaya ni Nico ang kaniyang kapatid. Sayang sa bandang huli ay umagaw sa buhay ng kaniyang kapatid. “Love really can build or break you,” she whispered. Pagkahatid sa kaniya ni Keith kanina sa bahay ay nagpaalam na siya kaagad. Hindi niya na inimbitahan man lang itong pumasok. Hinintay niya lang makaalis ito bago nagmamadali siyang umakyat patungo sa kwarto ni Margaret. Yeah. Not inside her room, but inside her step-sister’s room. The moment she stepped inside their house, she suddenly missed Margaret so much it made her chest ache. Wala man ito pero ang presensiya nito ay tila nasa bawat sulok pa ng bahay nila. May mga pagkakataon pa ring para bang bigla itong susulpot sa harap niya. Batid niyang imposible iyon pero ang puso niyang nalulungkot ay hindi mapigilang humabi ng kung ano-anong imahinasyon. Kaya naman sa pag-uwi niya ay tila ilog na umagos ang pakiramdam na pinagtataksilan niya ang step-sister. Nagagawa niyang tumawa kasama sina Keith at ang mga kaibigan nito habang si Margaret ay nalulungkot. She let her be lonely. She let her die. Nang hindi niya makayanan ang lungkot ay bumalik siya sa silid para basahin ang diary ni Margaret. Minsan pa ay gusto niyang buhayin ito sa alaala… Alaalang pilit niyang iginigiit niyang kung maaga niyang itinama ay kasama pa sana ito. At iyon ang dahilan kung bakit nasa ganoon siyang estado. “Hindi ko ginusto iyon,” bulong niya sa sarili. “Ang tanging gusto ko lang ay maging masaya ka,” dagdag pa niya sabay pikit ng mga mata. “A-ako ba? Gusto mo ring maging masaya?” Niyakap ni Arielle ang diary ni Margaret habang binabalikan ang mga oras na kasama sina Keith at ang mga kaibigan nito… Iniisip na kung naroon ba si Margaret ay magiging masaya ba ito para sa kaniya? Pagpasok nina Jasmine, Daphne at Kevin sa loob ng bahay ni Keith ay sa kusina dumiretso ang magkakaibigan. Tahimik namang nakasunod si Arielle. Nang sapitin nila ang kusina ay agad na nilapag ng mga ito sa counter ang mga pinamili. May mga ramyun ngang binili ang mga ito. Iba-ibang flavor na halos malula siya dahil daig pa noon ang pang-ilang araw na pagkain. Naglabas din ito ng ground beef, seaweed wrap, Kernel corn, at chili paste. May mga nilabas pa sina Jasmine at Daphne na mga nachos pero nawala na doon ang atensiyon niya nang pumasok si Keith. “Gagawa ba tayo ng research o magpi-picnic?” tanong nito habang titig na titig sa mga pagkaing nasa ibabaw ng counter. “Ang dami nilang binili,” hindi niya mapigil na bulaslas. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Huwag ka nang magulat kung kulang na lang ay dalahin nila ang estante ng grocery store.” “Food is life. Kakailanganin natin iyon para makapag-isip ng maayos,” sabat ni Kevin. “Sumasang-ayon ako diyan,” segunda naman ni Jasmine. “ “Mahilig talaga kaming kumain lalo kapag may mga project kami.” Tumabi sa kaniya si Daphne. “Hindi ka nagsabi ng gusto mong bilihin kaya naisipan naming patikimin ka ng paboritong kainin namin dito.” “Paboritong kainin?” “Oo. Bibimbap.” Si Kevin ang sumagot habang inaalis ang karne sa lalagyan. “Kakain tayo ng Bibimbap?” Namamanghang anas niya. “Yeah. Na-try mo na iyon?” tanong ni Daphne. Napakurap siya. “Oo kaso sa mga fast food. Kung dito tayo kakain. Ehh? Sino namang magluluto?” “Siya!” parang iisang taong sabay-sabay na wika ng tatlo sabay turo kay Keith na kasalukuyang umiinom ng tubig. Sandaling natigilan si Keith bago ibinaba ang hawak na baso. “Seriously?” kunot-noong bulaslas nito. “You didn’t tell me.” “Ikaw ang nagluluto?” balik-tanong niya. “Masarap siyang magluto.” That’s Kevin. “Mas fave namin iyon kesa doon sa mga binibili sa resto.” Malawak naman ang ngiting wika ni Daphne. “At talagang binabalik-balikan namin dito. ‘Di ba, insan?” Kinindatan ni Jasmine si Keith pero sinamaan lang ito ng tingin. “I’m not gonna cook. Mauubos ang oras natin para magawa.” “Uyy wag namang ganoon,” angal ni Kevin. “Nandito tayo para gumawa ng research.” “Ganoon ba?” bagsak ang balikat na tanong ni Daphne. “Sayang. Balak pa sana naming ipatikim kay Arielle ang luto mo,” parang nanghinang wika ni Kevin. “Oo nga. Excited pa naman kami.” Parang sa isang kisapmata ay bumaba ang energy ng tatlo. Isang bagay na hindi niya alam kung papaniwalaan lalo nang lapitan siya ni Jasmine at akbayan. “Mabuti pa ay sa sunod na lang o ewan. Hindi naman namin alam na hindi papayag si Keith.” Napakurap siya habang pinagmamasdan ito. Hindi naman siya umasa. Though parang na-excite siya kanina nang marinig na magluluto si Keith. Gayunman… Dahan-dahan niyang nilingon ang binata. Nakatingin ito sa kaniya na para bang may hinihintay itong sagot sa kaniya. Ilang segundong nakatingin ito sa kaniya bago nagsalita. “You wanna try?” “Huh? Hmmm…” Hindi siya makasagot. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlo na bigla ay may kaniya-kaniya nang ginagawa. Si Kevin ay hinuhugasan na ang pork at beef. Si Daphne at Jasmine ay ipinapatas ang pinamili nila. Nakakapanibagong tingnan ang pananahimik nilang tatlo. Hindi niya tuloy mapigilang hindi maawa at kabahan. Nilingon niya si Keith. Wala pa siyang sinasabi ay nagsimula itong umiling-iling. “Itigil ninyo na iyang kadramahan ninyo. Fine! I’ll cook.” Hindi pa tuluyang nakakatapos itong magsalita ay parang mga batang binigyan ng candy ang mga ito. “Ihahanda na namin ang ingredients ito para magluluto ka na lang!” masiglang ani Daphne. “Magpahinga na lang muna kayo at kami na bahala dito.” Itinaboy naman sila ni Jasmine palabas ng kusina. Hindi na siya nakaangal pa dahil umuna na si Keith palabas ng kusina. Napilitan siyang sumunod dito palabas. “Anong gagawin natin?” tanong niya nang abutan ito sa salas. Isinakbit ni Keith ang bag sa balikat at inabot ang mga librong dala kanina. “Help me here. We’ll bring this in the kitchen.” “Doon tayo gagawa?” Ngumiti ito. “Gagawa tayong lahat at sisiguraduhin kong hindi tayo maghihiwa-hiwalay nang walang natatapos. Pero bago iyon, I have to feed them.” “That’s a good idea.” Mahina lang ang pagkakasabi niya noon at para sa sarili lang sana, pero nang makitang lalong lumapad ang ngiti ng binata ay alam niyang dinig na dinig nito ang sinabi niya. “Ganoon ba sila palagi?” “Sort of. Pero totoo ang sinabi nilang pagkain ang nagpapagalaw sa kanila.” “I see. So… ‘Yung kanina ay…” Sinadya niyang hindi tapusin ang sasabihin ngunit tila nakuha kaagad ni Keith ang nais niyang ipahiwatig. “Masanay ka na sa kanila. At wag kang palilinlang sa mga ginagawa nila.” Nagkibit-balikat siya bago inabot rin ang sariling bag na kanina ay ipinatong niya sa upuan. Muli niya itong hinarap bago nagsalita. “Kung ganoon naman pala, bakit magluluto ka pa rin?” “Because they like it…” “Ganoon lang?” “At gusto kong malaman kung magugustuhan mo rin…” Casual ang pagkakasambit ni Keith ng mga salitang iyon. There’s nothing special in the way he spoke, but what he said made her heart beat erratically. Napaawang ang labi niya habang nakatingala rito. Nakatungo ito sa kaniya habang hindi napapalis ang ngiti. Ang mga mata nito ay tila ba amused na amused sa nakikita. “I also know how to cook some Korean foods. If you want me to cook something for you, just let me know.” Lihim siyang napalunok dahil sa sinabi nito. “Th-that’s n-nice…” mahina at nauutal niyang saad. Muli siyang binigyan ni Keith ng ngiti. “I told you… Brace yourself. There’s more to come… Let’s go.” Hindi na siya tumanggi pa. Nagpatianod na lang siya at sumunod dito. Napakalakas pa rin ng t***k ng puso niya at tila nawala ang inhibisyon niya… At kung ano pa man ang magaganap mamaya, she’s excited to see it coming… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD