“Wala ka ba talagang gustong ipabili sa kanila?” tanong ni Keith nang maibaba niya ang cellphone. Katatawag lang ni Daphne para itanong kung anong gusto nilang ipabili. Kasalukuyan na silang biyahe sakay ng kotse ni Keith patungo sa bahay ng huli.
Nilingon niya ang binata. “Nope. I’m good.”
“Halos ginaya mo lang ang mga binili nila.” Sandali siyang sinulyapan nito bago ibinalik ang mga mata sa daan. “Sigurado ka bang mabubusog ka sa Ramyun?”
“Mukhang hindi lang naman iyon ang bibilhin nila. Nagpadaan pa si Daphne sa Korean Mart.”
“Sigurado akong nagkaisa na naman ‘yung dalawa kung anong kakainin. Magpapaka-feeling Koreana na naman ‘yung dalawa.”
Napabungisngis siya. “Hindi mo naitatanong pero mahilig din ako sa mga Korean foods. Lalo na ng mga spicy foods.”
“Really?” may pagkamanghang tanong nito.
“Uhuh… ‘Yun ang paborito naming kainin ni Margaret…” Bahagyang humina ang tinig niya nang banggitin ang pangalan ng step-sister. Kasabay noon ang tila malamig na kamay na humaplos sa dibdib niya.
That’s a fang of guilt.
She’s there, enjoying life and start making new friends habang si Margaret ay hindi nararanasan ang mga bagay na iyon. She died in loneliness. Lihim niyang nakuyom ang kamao. Bigla ay parang gusto niya nang bumaba ng sasakyan.
“Close talaga kayo, ano?”
“Y-yeah,” simpleng tugon niya sa tanong ni Keith. Wala siyang balak magkwento pa nang kung ano-ano rito.
“Blockmate ko na siya noon pa man. Honestly, I really don’t know her personally pero hindi lingid sa akin kung gaano siya kamasayahin.”
“Masayahin talaga si Margaret.” Wala sa loob na napangiti siya habang inaalala ang mga panahon na magkasama sila. “She’s full of life… Kahit anong gawin niya o kahit nasaan siya, tila sumisigla ang lahat ng nasa paligid niya.”
“At pwede ka ring maging ganoon. You can still shine brightly.”
Napalis ang ngiti niya dahil sa sinabi nito. Wala sa loob na nilingon niya si Keith. Diretsa ang tingin ng binata sa daan habang nagmamaneho ngunit hindi nakalingat sa kaniya ang kaseryosohan nito at tila kakaibang nais ipakahulugan.
“We’re alive… You are alive… So, why not live your life to the fullest,” dugtong pa ni Keith.
“And why is that?” pagak niyang tanong. Tila hindi niya gusto kung saan man patungo ang kanilang usapan.
Tumaas ang sulok ng labi ni Keith. “I’m not good at sugar coating, Arielle. But to tell you honestly, masaya akong naisipan mong sumama sa amin. I hope you’re enjoying the company.”
Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Keith kaya wala siya kaagad naisagot. Hindi niya akalaing ganito ka-vocal si Keith.
“Kaya kahit tungkol sa group research lang ang dahilan kaya sumama ka sa amin, try to enjoy every moment.”
Keith’s words felt a stung inside her chest.
“Am I that obvious?” sarkastikong tanong niya.
“Don’t be too hard. Kahit ang mga kaklase natin ay iisa ang goal and that’s to finish this group research.”
“So, what are you saying then?” Bahagya pang umarko ang isang kilay niya sa pagtatanong.
“Jasmine and Daphne like you.” Malayo man sa tanong niya ang sagot nito pero tila unti-unti niyang nauunawaan ang ibig sabihin nito.
“Wala akong balak na kahit ano sa kanila.” Ibinaling niya sa ibang direksyon ang tingin. “Gaya ng sinabi ko sa iyo noon, wala akong balak na idamay kayo sa problema ko. Hindi ko gustong pati kayo ay nasasama sa tuwing naiipit ako sa gulo.”
“Mukhang hindi mo pa rin nauunawaan ang ibig kong sabihin…”
Marahan siyang umiling habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana ng kotse. “I know what you meant. Iniisip mong magdadala lang ako ng gulo sa iny—”
“That’s absurd.” Naging malamig at mariin ang tinig ni Keith dahilan para bumalik dito ang tingin niya.
“What?”
Seryosong-seryoso ang mukha nito at kahit sa unahan ito nakatingin ay kitang-kita niya ang disgustong nakabalatay sa gwapo nitong mukha.
“What you're thinking is absurd. Hindi mo nauunawaan ang lahat.”
“Keith, alam kong napipilitan lang kayong isama ako dahil nakaka—”
“Jasmine and Daphne like you at kapag gusto nila, hindi ka nila basta bibitawan. They will grab your hands, hold it until you decide to take the hold…” Ngumiti ito at naiiling na nagpatuloy. “There’s no way out kapag naisipan ka na nilang gawing bahagi ng buhay nila. At bilang mga suportadong kaibigan, handa kaming suportahan sila…”
Sa huling mga salita nito ay nilingon siya nito. And it made her heart skip a beat.
He’s really beautiful…
Inside and out…
“We’re here,” anunsiyo nito.
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil iniliko na nito ang sasakyan papasok sa gate ng isang malaking bahay. Sa entrada ay naroroon na sina Jasmine, Daphne at Kevin. May mga paper bag na dala ang mga ito, malawak ang ngiting naghihintay sa kanila…
‘They looked like you, Margaret…’
“Brace yourself.”
“Ha?” gulat niyang lingon kay Keith ngunit sa halip na sagutin ay ngumiti lang ito bago tuluyang bumaba ng kotse.
Hinihimay pa niya ang sarili habang pilit nag-iisip kung paano aakto nang bumukas ang pinto ng sasakyan.
“Ready?” masuyong tanong ni Keith. Nakakaunawang nakatingin ito sa kaniya.
Dahan-dahan siyang tumango. “Yeah…”
“Good.”
Niluwanangan nito ang bukas ng pinto hanggang makababa siya.
“Tara na sa loob, Arielle!” malakas na tawag ni Jasmine.
“Kakain muna tayo,” segunda naman ni Daphne.
Nilingon niya si Keith na kinukuha ang mga gamit nila sa backseat ng kotse.
“Iwan mo na diyan si Keith. Malaki na iyan,” saad naman ni Kevin.
“Hmmm…”
“Sumunod ka na sa kanila,” wika ni Keith na sumilip sandali sa may pinto ng kotse. “Sanay na silang bulabugin ang bahay namin.”
“T-tutulungan na lang ki—”
“I’m good. Sumunod ka na lang sa kanila.”
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Keith at sa mga kaibigan nitong hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa kaniya.
“Tara na, Arielle. Hindi iyan maliligaw dito!” Tumatawang ani Jasmine.
Sa hinuha niya ay hindi talaga didiretso ang mga ito hanggang hindi siya sumusunod.
“Fine,” bagsak ang balikat na saad niya.
Narinig niyang humagikhik si Keith ngunit pinili niyang huwag na iyong pansinin. Kanina pa siya napapahanga nito. At hindi na maganda iyon para sa puso at isip niya.