CHAPTER TWENTY-EIGHT

1452 Words
Nakahalumbaba na si Arielle hanggang matapos ang mga klase nila. Pakiramdam din niya ay wala siyang naunawaan sa daloy ng klase kaya naman sa sandaling magpaalam ang last professor nila ay mabilis na nag-ayos siya ng gamit. Tumayo siya at akmang isasakbat na ang bag nang isang kaklaseng lalaki ang lumapit sa kaniya. “Hey, Arielle! Wanna hang up with us?” Sinulyapan niya ang lalaki. Though kaklase niya ito ay hindi niya matandaan ang pangalan nito. “Sorry, but I’m not interested.” “Ano ka ba? Lalabas lang naman tayo tutal wala nang klase.” “May kailangan pa akong gawin,” tipid niyang tugon sabay sakbat ng bag. Sinulyapan niya ang jacket na siguradong nanlilimahid na sa pintura. Sineryoso niya talagang gawing pamatong iyon just to save her ego. Lihim na lang siyang napailing sa sarili. Yumuko siya para kunin ang jacket niya para lang pagsisihan ang ginawa. “Nice butt, Arielle.” Napatuwid siya ng tayo dahil sa sinabi nito. “What did you just say?” Nakaangat ang isang kilay na wika niya. Nagkibit-balikat ito. “Narinig mo naman ako, ‘di ba? Isa pa, bakit ganiyan ang tingin mo sa akin? Hindi ba at dapat magpasalamat ka pa? Papuri iyon.” “Hindi ko kailangan ng papuri mo,” asik niya sabay hablot ng jacket at talikod dito. Ngunit hindi pa siya nakakailang hakbang ay may kamay na pumulupot sa braso niya. Umangat ang tingin niya sa hindi pa rin nakikilalang kaklase. Nakangisi ito na para bang anumang oras ay susunggaban siya. “Bakit ba nagmamadali ka? Ngayon nga lang tayo nagkaroon nang pagkakataon na makapag-usap.” “Bitiwan mo nga ako!” malakas na asik niya sabay tulak dito. Napaurong ang lalaki at bahagyang nawalan ng balanse kung hindi tinulungan ng ibang kaklase rin nilang hindi itinago ang pakikiusyuso. “Masiyado kang pakipot.” Tumayo ito ng tuwid at ipinagpag ang nagusot na suot. “Kung nagpipigil pa si Nico sa’yo, pwes ako ay hindi.” Gusto niyang kilabutan sa klase ng hagod nang tingin nito. Bigla ay gusto niyang magsisi dahil sa suot na damit. Sa sunod talaga ay iingatan na niya ang mga sinusuot. Mukhang kahit anong gawin niya ay nakakaagaw siya ng atensiyon. “Mabuti pa, save your energy. Stop wasting your time on me,” saad niya dito sabay talikod. Alam niyang susunod pa rin ito kaya nilakihan niya ang hakbang palabas ng room ngunit hindi niya inaasahan na tila naghihintay na ang grupo nina Keith. Hindi umaalis ang mga ito sa upuan nila. Gaya dati sa tuwing napapaaway siya ay tila mga agilang nakamatiyag ang mga ito na kapag inaatake siya ay handang rumesponde sa kaniya. “You ready?” casual pero malakas na tanong ni Keith. Hindi ito nakangiti. More likely ay parang mainit ang ulo nito. Nainis kaya ito dahil matagal siya? Ngayon nga pala sila gagawa ng group research nila. “Y-yeah…” Bahagya pa siyang nautal sa pagsagot. “At bakit ka sasama sa kanila, we’re not do—” “Don’t you lay your finger at her!” firm na saad ni Keith sabay unat sa pagkakaupo. Lagpas ang tingin nito sa kaniya kaya nauunawaan niya na kung bakit ganito ito. “Kung magbanta ka ay parang girlfriend mo si Arielle…” Akmang lilingunin niya muli ang lalaki pero mabilis na nailapitan siya nina Jasmine at Daphne. “Mabuti pa ay tara na,” pagyayakag ni Daphne. Kaagad naman siyang nagpatianod. Narating na nila ang pinto ng room. Nilingon niya si Keith na masama pa rin ang tingin sa hindi niya nakikilalang lalaki. Hanggang ngayon ay hinuhukay pa rin niya sa isip kung anong pangalan nito. Nilingon siya nito. “Some other time, Arielle,” nakangising saad nito na sinundan pa nang pagkindat. Tinalikuran na nito si Keith na kahit nakatalikod mula sa kanila ay dama niyang tila nagpipigil ng galit. “Don’t mind Kean,” biglang wika ni Daphne. “Kean?” Tumango si Daphne. “Yup. ‘Yung lalaking kausap mo kanina.” “So, Kean pala ang pangalan niya.” “Don’t tell us, ngayon mo lang nalaman?” maang na tanong ni Jasmine. Tumango siya. “Akala namin ay kilala mo siya.” Bahagyang kumunot ang noo ni Jasmine. Marahan siyang umiling. “Lumapit lang siya basta.” “Maging maingat ka kay Kean. Kahit pinsan namin iyan ni Keith, parang second version ni Nico iyan,” pagkukwento ni Jasmine. Lihim na napamaang siya rito. “At hindi talaga sila magkasundo ni Keith. Para silang gabi at araw.” Tumango-tango na lang siya sa sinasabi ng dalawa. Hindi niya kilala si Keith ng lubusan pero mas wala siyang balak kilalanin ‘yung Kean na iyon. She had enough problems roaming around her. ***** Pagkatapos ng insidenti sa room nila ay nag-aya na si Daphne na umalis. Tahimik namang sumunod sina Kevin at Keith sa kanila palabas ng building. Hindi maintindihan ni Arielle ang mararamdaman. Parang may kakaibang aura ang gumagala sa paligid nila. “May dala ka bang sasakyan?” Sinulyapan niya si Keith na sa wakas ay nagsalita. Umiling siya. “Wala eh.” “Sa akin ka na lang sumabay,” pag-aalok nito na lihim niyang ikinagulat. “Convoy kami nina Kevin,” singit ni Jasmine. Magsasabi sana siyang sa mga ito na lang sasabay pero dahil inunahan siya ng hiya, hindi na siya nagsabi. “Bibili rin sila ng mga pwede nating kainin. May pagkain sa bahay pero in case na may gusto ka, magsabi ka lang sa kanila para makabili sila,” wika ni Keith. “I see. Hindi ba tayo sasama sa kanila?” “No. May iba tayong kailangang gawin,” makahulugang wika nito. “Huh?” “Sumunod ka lang sa akin,” sabi nito sa kaniya bago sinulyapan ang mga kaibigan. “Damihan ninyo ang bibilhin ninyong pagkain!” Nilingon niya ‘yung tatlo pero tila si Daphne lang ang nasisiyahan sa takbo nang pangyayari. ***** Hindi kaagad naunawaan ni Arielle kung saan sila pupunta ni Keith kung hindi pa niya natanaw ang hilera ng mga locker. Kokonti pa ang mga estudyante kaya naman luwag na luwag pa. “Saan tayo pupunta? Bakit tayo naririto?” “Wait me here,” mahinang utos nito sa kaniya. Marahan pa siyang iginaya nito sa gilid. Akmang magtatanong pa siya pero mabilis na tumalikod ito. Binuksan nito ang locker at may binuklat-buklat doon. Nagtataka naman siyang pinanood ito. “I think this will do.” Lumapit ito sa kaniya at inabot ang kulay itim na jacket. “Malinis ito at hindi ko pa nagagamit.” Napakagat-labi siya nang maalala ang suot. Ngayon niya lang din naalala na hanggang ngayon ay kuyumos din niya ang jacket na halos manigas dahil ng pintura. “Come on. Hindi ko pa talaga nagagamit iyan,” untag nito sa kaniya. “O-okay lang naman sa akin.” “Wait. May isa pa pala.” Bumalik ito sa tapat ng locker at may kinuhang maliit na paper bag. Pagkakuha ng paper bag ay tsaka nito isinara ang locker bago lumapit sa kaniya. “Ilagay natin dito iyang jacket mo.” Hindi na siya hinintay pa nitong magsalita. Inabot na lang nito ang jacket niya at inilagay sa paper bag. “Isuot mo muna iyang jacket. May pupuntahan pa tayo.” Dahil alam niyang wala ring silbi kung tatanggi siya, sinuot niya na ang jacket nito. “Bagay sa’yo.” Lihim siyang napangiti habang inaayos ang may kahabaan na manggas. “Thank you.” “You’re welcome.” Ngumiti rin ito at sa isang iglap, nawala ang pagkaseryoso nito. Pagkagaling nila sa locker room ay dumiretso naman sila sa library para maghanap ng mga librong pwede nilang magamit. “Humiram na lang kaya tayo ng books?” tanong niya habang hindi magkaintindihan kung aling libro ang kukuhanin. Tumango ito. “Pwede. I’ll borrow these three tapos iyang dalawa sa’yo. ” “Sounds good.” Binigyan siya nito ng munting ngiti. “By the way, na-message mo na sila ng foods na gusto mong ipabili?” “Hindi pa.” “Mamaya. Tiyak na tatawag naman sila kapag bumibili na sila.” Tumango-tango siya. “Siguradong wala tayong matatapos ngayong araw kung sasama rin tayo sa kanila.” Mahinang napabungisngis siya dahil sa sinabi nito. “I see.” “You’re catching up,” makahulugan nitong saad habang malapad na nakangiti. “What?” Hindi nawawala ang ngiting umiling-iling ito. “Just enjoy…” Hindi na niya nagawang magtanong dahil pumila na sila sa harap ng librarian. Wala rin siyang nauunawaan sa sinabi nito maliban sa kakaibang ngiting nakapaskil sa labi nito hanggang makalabas sila ng library. Mga ngiting lihim niya ring kinatutuwaan… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD