CHAPTER TWENTY-SEVEN

1307 Words
Arielle smoothened her hair as she stared at her reflection. Wash day kaya naman sa halip na uniporme ay naka-casual clothes siya. Isang pares ng denim pants, black tank top at denim jacket ang naisip niyang suotin. Hinayaan niya na lang nakalugay ang lampas balikat na buhok. Hindi na rin siya nag-abalang maglagay ng make up maliban sa lip tint. Para sa kaniya ang okay na ang ayos pero tila may bumubulong sa kaniyang may kulang pa. “This will do,” bulong niya at akmang aalis na sa harap ng salamin nang biglang maalala ang mukha ni Keith. Sinundan pa iyon ng imahe nina Jasmine at Daphne. Kikay manamit si Jasmine habang si Daphne naman ay conservative pero may class. Siya? Hindi niya alam. “Bakit ko ba sila iniisip? Bahala na nga!” bulong niya sabay talikod sa salamin. Kinuha niya ang bag at nagmamadaling lumabas ng silid. Habang pababa siya ng hagdan ay naabutan niyang naghihintay ang ama sa ibaba ng hagdan. “Good morning, dad!” masigla niyang bati. Hindi tumugon ang kaniyang ama. May ilang segundo siyang tinitigan nito bago malapad na ngumiti. “Good morning, gorgeous! Wala ka bang pasok today?” “Meron po, dad. Wala namang announcement na walang pasok ah.” “Parang hindi ka papasok sa ayos mo.” Sandaling natigilan siya sa pagbaba ng hagdan. “Pangit po ba, dad?” Umiling ang ama niya at humakbang palapit sa kaniya. “No. You’re just too beautiful today. Maganda ka na pero mas maganda ka ngayon.” “Binobola mo na naman po ako.” “No, I’m not. Mabuti pa ay halika na. Ihahatid ko kayo ng iyong mommy.” Iginaya siya nito pababa ng hagdan. “Hindi ko pa rin po ba pwedeng gamitin ang car?” Tumigil sandali ang kaniyang ama. Tila nag-iisip ito bago sumagot, “Perhaps, next week. Pwede mo nang gamitin ulit ang sasakyan mo.” “Really?” “Yeah!” “Thanks, dad!” “Sure, honey. Anyway, may lakad ka ba mamaya at gusto mo nang gamitin ang kotse mo?” Napakagat-labi si Arielle. Hindi pa nga pala siya nakakapagpaalam sa ama. “Oh, I totally forgot! May group research kaming gagawin mamaya after class. Baka po hindi ako makauwi kaagad.” “At saan kayo gagawa?” singit ng kaniyang mommy. Galing itong kusina. Bihis na ang kaniyang mommy. Habang dala nito ang bag sa kabilang kamay ay inaayos ang butones ng blazer gamit ang kabila. She smiled. “Well… Sa bahay po ng classmate ko.” Sabay na tiningnan siya ng mga magulang. “Pwede ba naming malaman kung sino itong classmate na ito?” Nakangiting tumango siya. “Of course, mom.” Iniangkla niya ang braso sa braso ng ina. “His name is Keith. Pero kasama ko naman ang iba ko pang classmates. Andoon sina Kevin, Jasmine at Daphne. Inaya nila akong makasama sa group research na gagawin namin.” Dahil abala siya sa pagkukwento sa mga magulang ay hindi niya napansin ang pagbabago ng tingin ng mga ito. Tumikhim ang kaniyang ama dahilan para maagaw ang atensiyon niya. “So, doon kayo gagawa sa bahay nitong si Keith?” Seryoso ang paraan nang pagkakatanong nito. “Yup…” “Pero meron naman kayong mga kasama?” paninigurado ng kaniyang ina. “Yes,” tugon niya na nagsisimula nang magtaka sa mga magulang. “May problema po ba?” Nagtinginan ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang mommy ang unang sumagot. “Wala naman. Natutuwa lang kaming kahit papaano ay nakaka-adapt ka na sa bago mong klase.” “Pero palagi ka pa ring mag-iingat ha…” pagpapaalala ng kaniyang ama. “Promise, I will.” “Good.” “Tayo na at baka ma–late pa kayong dalawa.” Ikiniling ng kaniyang ama ang ulo bilang tanda na pinauuna sila sa paglalakad. Sabay naman silang naglakad mag-ina palabas ng bahay. ***** Nang maihatid si Arielle ng daddy niya ay sunod na inihatid nito ang mommy niya. Wala sana siyang balak dumiretso sa room niya pero nang makita ang oras ay hindi na siya nagbalak pang tumigil sa library. Unti-unti ay nasasanay na si Arielle sa araw-araw niyang pagpasok sa loob ng silid-aralan na iyon. Pero hindi niya masasabing gaya ng nakaraang kurso, na-e-enjoy niya na iyon. Lalo na ngayon. “Hindi ko talaga alam kung paano mo nasisikmurang pumasok rito.” Iyon ang unang bumungad kay Arielle sa pagpasok niya sa room. Mabilis na sinulyapan niya ang direksyon kung nasaan si Katrina kasama ang mga alipores nito. Sa kaniya nakatingin ang mga ito. Nico was nowhere to be found. Isang bagay na nakakapagtaka. Sa halip na pakinggan ang pasaring nii Katrina ay hindi niya pinansin iyon. Lumapit siya sa upuan niya at akmang mauupo roon para lang matigilan. May kulay pulang pintura na umaagos mula sa mismong upuan niya patungo sa sahig. ‘Oh God, ayokong pumatol sa childish…’ “O bakit hindi ka pa maupo? Hindi ba kaya ka narito ay para mag-aral? At para tapusin ang hindi natapos ng namatay mong kaibigan?” Wala na talagang balak si Arielle na patulan si Katrina pero hindi niya papalampasin ang sinabi nito. Hinarap niya ito. “Masaya ka ba talaga sa ginagawa mo?” paasik niyang tanong. Ngumisi ito. “Paano kung sabihin kong oo? Anong gagawin mo? Lalaban ka? O gagamitin mo na naman sina Keith pa—” “Wala akong ginagamit na kahit sino. Bakit hindi mo muna tanungin ang sarili mo kung sino ba talaga ang manggagamit sa ating dalawa?” “Talaga lang ha?” pagak itong tumawa bago tumayo para lumapit sa kaniya. “Nang dahil sa’yo, nagka-record ako sa guidance office. Nang dahil sa’yo, naalis ang pangalan namin sa candidate ng mga cam—” “Sana inisip mo muna kung anong kalalabasan nang ginawa ninyo.” “Hindi ba dapat ikaw ang nag-iisip niyan? Bakit ka pa lumipat dito? Huwag mong sabihing naiinip ka lang… O baka naman para gumanti?” Hindi niya tinugon ang tanong nito. Higit kaninuman, siya lang ang nakakaalam kung bakit pinili niyang lumipat ng kurso sa kabila ng katotohanang makakasama niya ang mga taong dahilan ng pagkawala ng kapatid niya. At walang alam ang mga ito sa pinagdaraanan niya. “Ano? Hindi ka makasagot? Paano mo nasisikmurang manatili dito?” Wala sa loob na ngumiti siya. Isang ngiti na hindi umabot sa tenga pero ngiting tila nagbabanta. “Ang totoo, sukang-suka na talaga akong makita kayo. Lalo ka na…” mahina lang ang pagkakasabi niya ngunit puno iyon ng panganib. “Kung iniisip mong nasisiyahan akong makita ka araw-araw, nagkakamali ka.” Namilog ang mga mata ni Katrina. Alam niyang nagagalit na naman ito pero mukhang ganito ang magiging papel niya sa buhay ng babae—ang maging kontrabida sa buhay nito. “Come on, nagbibiro lang ako,” nakangising saad niya bago inilipat ang tingin sa upuan na may tumutulong pintura. “Isipin mo na lang na kagaya iyon ng childish prank ninyo.” Itinaas niya ang kamay. Napaatras si Katrina na lalong ikinangisi niya. Inabot niya ang hem ng denim jacket at walang kaabog-abog na hinubad iyon. Lumitaw ang itim na tank top niya na naka-tuck sa pants niya. Nakarinig siya ng mahihinang sipol at bulungan ngunit hindi niya pinansin iyon dahil walang sabi-sabing ipinatong niya ang jacket sa upuang may pintura bago prenteng naupo. She combed her hair using her fingers. “Now, we’re quits,” she sniggered to Katrina. “You we—” “Andiyan na si Mrs. Rosales!” Hindi na nagawa nitong makapalag dahil dumating na ang ibang classmates nilang nagsasabing parating na ang professor nila. “Hindi pa tayo tapos.” Pagbabanta sa kaniya ni Katrina bago naglakad palayo. “Think as you please, dear…” ‘One for you, Arielle…’ *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD