Arielle put a silent sigh before she took her ballpen and began scrawling. “I think this will do,” she murmured before she reread her writings.
Managing Cross-Cultural Staff: Norms for Groups Within the Organization
Concept of International Assignment in Cross-Cultural Management
Cross-Cultural Management: Business With Customers From Different Cultural Backgrounds
Understanding Cross-Cultural Management Interaction
Cross-Cultural Management in Multinational Corporations
Kanina pa nag-iisip si Arielle kung anong topic ang maaari niyang gamitin para sa gagawin nilang group research. Ayaw niyang maging burden sa mga ito kaya naman kailangang may mai-contribute siya kahit papaano.
Binabalikan niya ang mga nakalistang topics niya nang sunod-sunod ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Hindi niya ugaling mag-cellphone habang nag-aaral. Isa sa pinakaaayaw niya ay distractions.
Hindi niya na sana papansinin ang pagtunog ng message notifications pero nang sunod-sunod na at tila walang balak tumigil, napilitan siyang kunin ang cellphone at tingnan kung sinong nagme-message sa kaniya.
Sa pagbukas niya ng messages ay halos forty unread messages ang bumungad sa kaniya. Iyon ay mula sa group chat nila nina Keith. Pagkatapos niyang ma-accept ang friend request nina Daphne at Jasmine ay kaagad ring nag-popped up ang invitation nito. Kahit salungat siya noon na magkaroon ng koneksyon sa magkakaibigan ay napilitan siyang tanggapin iyon ngayon.
Inisip niya na lang na ginagawa niya iyon for the sake of group research.
Unfortunately, hindi sila nakapag-brainstorming kanina dahil nagkasundo pa ang mga itong kumain pa. Nag-order pa sila ng mga desert kanina. Kung ano-anong ipinatikim sa kaniya nina Jasmine at Daphne. Napuno rin ng kwentuhan ang booth kung nasaan sila habang kumakain. Napakasaya nilang kasama. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya na-enjoy ang company nila.
Napakahaba na ng oras na magkakasama sila kanina. Ngunit base sa dami ng messages nina Jas at Daphne ay kulang pa ang oras na magkakasama ang mga ito. Hindi pa rin sila nauubusan nang pagkukwentuhan.
Hindi niya tuloy maiwasang maalala sina Jess at ang iba pang mga kaibigan. Ganoon rin sila nina Jess at ng mga kaibigan dati. Kahit magkakasama na maghapon ay hindi pa rin nauubusan ng pag-uusapan. Nagme-message pa rin naman ang mga ito sa kaniya ngunit madalang siyang makapag-reply. Siguro babawi na lang siya sa ibang araw. Aayain niyang lumabas ang mga ito at kumain. O kaya naman ay sa bahay para makapag-movie marathon sila gaya ng dati.
Naiisip niya pa lang iyon ay parang naninibago na siya. Alam niya sa sarili niyang hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa mood gumawa ng kahit ano. Ginagamit niya lang ang pag-aaral para mabaling sa ibang bagay ang isip niya.
Akmang ibaba na niya ang cellphone nang makita niyang na-mention siya. Dala ng kuryosidad ay binuksan niya ang message. Nagsimula siyang mag-backread ng mga messages.
Usapang lakad pala ang pinag-uusapan nila. Naghahanap sila ng lugar na pwedeng mapuntahan. Buong akala pa naman niya ay about sa group research ang pinag-uusapan nila. Na-call out din siya para ayain pero natakluban ulit ng sangkaterbang emoji na ipinapasa nina Jasmine at Daphne.
Jasmine: Seryoso na, guys. What’s our plan? Stroll na lang tayo sa weekend. Parang tinatamad akong mag-beach.
Kevin: Sa init na iyan, wala talaga akong planong maligo. Ikaw na lang.
Jasmine: Sorry. But I’m not asking for your opinion.
Daphne: Hindi pa tayo pwedeng maglagalag. May kailangan pa tayong tapusin.
Keith: That’s right. We have to finish the research first.
Wala sa loob na naiking niya ang ulo. Sa hinahaba-haba ng convo nina Jasmine, Kevin at Daphne ay noon lang tumugon si Keith.
Jasmine: Geez. Bakit kasi ang agang magpagawa ni Miss Sanchez ng research? Wrong timing talaga siya.
Keith: Hindi na kayo nasanay sa kaniya. That’s her way.
Kevin: Malayo pa naman ang pasahan. Tsaka na lang kaya tayo gumawa.
Hindi niya lubusang kilala pa ang mga professor nila kaya wala pa siyang masabi. Hindi kagaya ng prof. niya sa Engineering Dept. halos kilala niya na at nakakabisa ang ugali nila.
Walang tumugon sa nakaraang message ni Kevin kaya nagpada ulit ito ng isa pang mensahe.
Kevin: So anong balak natin para matapos na ang research natin?
Keith: Tatlo lang subjects natin bukas. Pwede na tayong magsimula after ng mga klase.
Daphne: Yesss. Saan tayo pwedeng gumawa?
Jasmine: Sa inyo na lang kaya, Daph?
Daphne: No, hindi pwede. May mga bisita sina Mommy. Baka hindi tayo makagawa ng maayos.
Jasmine: Oo nga pala. Pupunta din si Mom diyan tomorrow. Mukhang may bonding ang mga amigas.
Kevin: Kina Keith na lang tayo.
Keith: Huwag mong idamay ang pananahimik ng bahay namin.
Kevin: Damot mo naman.
Jasmine: Sa inyo na lang Keith. Tiyak namang papayag sina Tita. Isa pa, mas tahimik diyan.
Daphne: Tapos magluluto na lang tayo ng foods natin.
Keith: Sa school na lang tayo. Mas okay gumawa sa library.
Kevin: Sagwa naman doon. Bakit ba ayaw mo?
Keith: Basta bawal! ?
Lihim na napangiti si Arielle. Kahit hindi niya nakikita ang mga ito pero nakikini-kinita na niya ang mga itsura nila. At ang larawan ni Keith… Geez, but why did he look adorable?
Hindi niya mapigilang ma-imagine ang mukha ni Keith. Hindi seryosong tao si Keith. Hindi rin siya ‘yung tipo ng lalaking ma-iintimidate ka. Ngumingiti siya pero tila siya rin ang klase ng lalaking hindi takot magpakita ng nararamdaman.
He’s something…
Jasmine: Ikaw ba, Arielle? Saan mo gustong gumawa? Seen ka lang diyan, girl.
Napakagat-labi siya sabay tuwid ng upo. ‘Ano bang magandang sabihin?’
Daphne: Okay lang ba sa’yo, Arielle na kina Keith na lang tayo? Maganda roon.
Kevin: Sa akin ay okay lang…
Keith: Hindi ka kasali sa tinatanong. Sabat ka nang sabat diyan.
Muntik na siyang mapabungisngis sa naging reply ni Keith kay Kevin.
Kevin: Nahahalata ang pagiging unfair mo, p’re.
Walang naging tugon doon si Keith hanggang nasundan na iyon ng iba pang messages.
Daphne: @Arielle? Okay lang ba sa’yo?
Jasmine: Hindi ‘yun kalayuan sa school.
Nahihiyang hindi mag-reply kaya nagsimula na siyang tumipa. “Anywhere will do. Kung saan palagay ninyo ay okay.”
Jasmine: Let’s check bukas ang bahay ni Keith. Kapag at ease ka ay doon na tayo.
Daphne. True. Kapag ayaw mo ay lipat na lang tayo.
Hindi niya mapigilang hindi ma-overwhelm. They're trying to make friends. pinipilit nilang maging at ease siya. Isang bagay na hindi niya alam kung ikakapanatag ba niya.
Muli siyang tumipa para mag-reply, “Sure. Kung okay lang ba kay Keith eh.”
Kevin: Ano, Keith? Okay na rin kay Arielle. Hindi ka pa rin payag?
Matagal na walang chat pero nag-seen ang lahat sa message ni Kevin. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa last message na iyon hanggang lumitaw ang isang mensahe.
Keith: Kayo ang magdadala ng foods.
Nasundan ang mensahe ni Keith ng sunod-sunod na stickers na pinasa nina Jasmine, Daphne at Kevin. May tumatawa, may puso at may tila nagdiriwang. Hindi siya sumali sa ginawa ng mga ito pero hindi niya rin pinigil ang mga labi sa pagngiti ng malapad.
*****