CHAPTER THIRTY-FOUR

1186 Words
Nang matiyak ni Arielle na maayos na ang sarili ay bumaba na siya. Dumiretso siya sa kusina kung saan ay naabutan niya ang mga magulang na naghahanda ng mesa. “Hi, mom and dad,” marahan niyang bati sa mga ito. Agad na tiningnan siya ng mga magulang. Parehas nakangiti ang mga ito nang makita siya. At kinakain siya ng guilt dahil sa pagtatakip na ginawa niya para sa kapatid. “Mabuti naman at bumaba ka na,” ani ng kaniyang ina. “Hindi ka raw nagmeryenda kanina pag-uwi sabi nina Nana. Diretso kwarto ka. Napagod ka ba?” tanong pa nito pagkatapos ibaba sa mesa ang plato na may Bicol Express. Awtomatikong nakadama siya ng gutom pagkakita sa pagkain. May munting ngiting lumapit siya sa hapag. “Konti lang po. Medyo nabusog lang po ako roon.” “So, kumusta ang group research?” tanong ng ama niya habang nauupo sa sentro ng table. “It’s doing good. Marami kaming natapos kanina kesa sa expected ko.” “Mabuti naman kung ganoon.” Tumango-tango ang ama niya. “Well, siguro naman ay hindi ka sobrang busog para kumain. Nagluto sina Nana ng Bicol Express.” Isang masiglang iling ang ibinigay niya sa ina. “Nope. I’m not full.” “Then take a seat at kakain na tayo.” “Okay!” Humila siya ng upuan at naupo sa kaliwa ng ama habang ang ina ay sa katapat niya. Nagsimulang sumandok ang ama niya ng kanin habang siya ay kaagad Bicol Express ang unang kinuha. May nakahain ding boiled egg at steamed vegetables. “Nae-enjoy mo na ba sa course mo ngayon?” Out of the blue ay tanong ng daddy niya. Natigilan sa pagsubo si Arielle. Sinulyapan niya ang ama na abala sa pagkain. “Nasasanay na po ako.” “There’s a big difference between getting used to it and loving it.” Sumubo siya bago nagkibit-balikat. Inubos niya ang laman ng bibig bago nagsalita. “Nagsisimula pa naman po ako, daddy. Siguro sa banda-banda diyan ay mas magugustuhan ko itong course na ito.” Hindi tumugon ang kaniyang ama. Sa halip ay umiling-iling lang ito. Tahimik silang kumain. Dahil sa tanong ng ama, hindi niya mapigilang alalahanin ang larawan ni Margaret na nakita kanina. Hindi niya ma-imagine kung anong magiging reaksyon ng mga magulang sa oras na makita iyon. She grimaced at the thought. Kailangang maging maingat siya. Hindi nila maaaring makita at mabasa ang diary. “Excuse po, Mam at Sir.” Naagaw ang atensiyon ni Arielle nang pumasok sa dining room ang isa sa kasambahay nila. “Oh Marian, bakit?” tanong ng kaniyang ina. “Nakita po namin itong envelope sa may garahe. Baka po nagpatak mula doon sa mga dala ninyo kanina.” Itinaas ni Marian ang isang long brown envelope. “May nakasulat pong pangalan ni Mam Margaret.” Tuluyan na siyang napatigil sa pagkain. “What’s that?” hindi mapigilang tanong niya. “Pakisama na lang niyan sa iba ko pang gamit.” Bigla ang pagseryoso ng tinig ng kaniyang ama. Nang lingunin niya ito ay sumerysoso rin ang mukha nito. “Sige po, Sir.” Mabilis na lumabas si Marian ng silid-kainan. Hindi na rin niya nagawa pang magtanong pa. “Ano po iyon?” pag-uusisa niya. “Just Margaret files,” simpleng tugon ng ama bago sumubo. She could sense a tone of dismissal from him, but she wasn’t going to take it. “Mom?” lingon niya sa ina na pinagmamasdan pala siya. Ilang segundo siyang tinitigan nito bago maliit na ngumiti. “Galing kaming ospital ng daddy mo kung saan na-admit si Margaret. May mga inabot lang silang ilang results during the time na naka-admit siya.” “Para saan po?” she continued to ask. Curiosity began to hit her head. Napakarami ng rebelasyon ang nakita at nabasa niya sa diary ng kapatid. What’s more kung anong laman ng brown envelope na iyon para puntahan pa mismo ng kaniyang mga magulang sa ospital. Isa pa, mahigit isang buwan ng wala si Margaret, bakit ngayon lang iyon kukunin ng mga magulang niya? “Ano pong meron?” tanong pa niya nang hindi sumagot ang kaniyang ina. Nagpalitan ng tingin ang mommy at daddy ni Arielle na mas lalong ipinagtaka niya. “Mom… Dad…” Her mother let out a sigh. She took her glass of water and sipped. When she put down the glass, her solemn eyes hit hers. “You know how your sister died.” Tahimik ang tinig ng kaniyang ina habang nagsasalita. Sa isang iglap, batid niyang matindi pa rin ang dinadala nitong lungkot. “I know…” “Napakamasayahin ng kapatid mo na hindi namin namamalayang nahihirapan na pala siya.” Ipinagdaop ng kaniyang ina ang dalawang palad. “Hindi man lang namin napansin na may dinadala na siyang mabigat na problema.” “What do you mean?” Muling sinulyapan ng kaniyang ina ang kaniyang daddy. Hindi maiikailang ayaw nilang sabihin sa kaniya ang totoo. “Hiding it from me will bear nothing,” anas niya. “Margaret suffered from depression,” maagap na sagot ng kaniyang ama. Ibinaba nito ang kubyertos na hawak at hinarap siya. “Hindi namin napansin iyon kaya nang malaman namin sa doktor na may ganoong sakit si Margaret, we asked where it came from. Anong naging puno’t dulo at na-trigger ang depression.” “To think na wala tayong lahi noon. It might be because of her environment.” Nang araw na mamatay si Margaret. Naputol na rin lahat ng pisi ng dahilan pa alamin pa niya ang mga nangyayari sa paligid. She didn’t even ask for her test results. But upon hearing it from her parents, mas lalong bumigat ang nararamdaman niya sa loob ng dibdib. Napakaraming tanong ang pumapasok sa utak niya. Ano ang dahilan kung bakit ganoon ang suot ni Margaret? Bakit mas pinili niyang mawala? Hindi ba niya inisip na may pamilya pa siya? Pero kahit anong isip niya ay hindi niya maunawaan. Marahil ganoon talaga kapag tinamaan ng depression. Her love for Nico broke her whole life. “Kaya kung may mga problema ka o kahit ano… please, Kimmy… sabihin mo sa amin.” Tumayo ang kaniyang ina at nilapitan siya. Umupo ito sa katabing upuan niya, ang dating upuan ni Margaret kapag kumakain, para yakapin siya. “Wag kang mahihiya o matatakot sa amin ni daddy. Kahit ano pang dala mo, kakayanin namin. Kahit ano pang kinakaharap mo, kasama mo kami. At kahit anong mangyari, mahal ka namin.” Nauunawaan niyang may takot na sa dibdib ng mga magulang nang mawala si Margaret ngunit habang yakap siya ng ina ay tila may mas higit pa itong gustong sabihin… “Mga magulang mo kami. Nagkamali rin ako noon pero hindi ninyo ako iniwan. Handa pa rin akong samahan kayo kahit ano pang mangyari.” Iyon naman ang bulong ng kaniyang ama sabay haplos sa buhok niya. Nang tingnan niya ito ay malamlam ang mga mata. Napakatipid ng mga salita nito batid niyang may mga salitang gusto nitong sabihin ngunit hindi nito alam kung paano bibigkasin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD