CHAPTER THIRTY-THREE

1320 Words
Hindi mapakali si Arielle habang tinitingnan ang diary ni Margaret. There's something wrong but she couldn't get a grasp on it. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard. Binuklat-buklat niya muli ang diary pero hanggang doon na lang talaga ang sulat. Hindi niya maiwasang ma-curious sa pahinang nawawala… Kung talaga bang hindi iyon tinapos ni Margaret o sadyang pinunit iyon. At hindi niya maunawaan kung bakit. Isa pa niyang ipinagtataka ay ang nag-iisang salita na nakalagay sa sunod na entry. ‘Target1210’ “What is this for?” bulong niya sa sarili. At gaya ng dapat asahan wala rin siyang nakuhang sagot sa tanong. Muli niyang binuklat ang pahina ng diary at tahimik na binasa ang laman noon sa pag-aakalang masasagot ang mga tanong niya. Dear Diary, It’s been three days since that day. Nagsisimula na akong mag-alala dahil ilang araw na akong hindi tinatawagan o china-chat man lang ni Nico. Buong akala ko ay wala na lang ako sa kaniya. Na nagsawa na kaagad siya sa akin. Pero sobra ang saya ko nang bigla niyang sagutin ang tawag ko. He’s so busy sa mga projects niya kaya ilang araw na halos walang paramdam. At ganoon nga pala kapag mahal mo ang isang tao, isang sorry lang ay nawawala na ang lahat ng galit at tampo mo. Isang salita lang ni Nico at parang matutunaw ang puso ko. Oo nga pala, nangako siya na magkikita na ulit kami bukas. Super excited ako kaya naman niyaya ko si Arielle na mag-salon kaming dalawa… Margaret Titig na titig si Arielle sa date na nasa itaas. Para bang may sumasalimbay na imahe sa alaala niya. Ilang beses bang bigla-bigla siyang aayain ng kapatid na pumunta ng salon o kaya ay mag-shopping. Dahil hindi niya magawang tumanggi, sasamahan niya ito. Excited ito at hindi maiikailang sobrang saya tapos sa isang iglap, parang pinagbagsakan ito ng langit at lupa. ‘Oh gosh…’ bulong niya habang binubuklat ang susunod na pahina. Nagkita kami ngayon ni Nico. I missed him so much at alam kong sobra din niya akong na-miss. He' was so sweet. Parang bigla ay naging clingy siya. Ayaw na ayaw niyang nawawala ako sa tabi niya. Kaya naman instead na sa labas kami mag-spend ng date namin ay sa bagong apartment niya kami nag- stay. Nag-order na lang kami ng foods at walang ginawa kundi manood ng movie. Maghapon ata na hindi kami umaalis sa tabi ng isa’t isa. We’re in each other's arms… Hindi ko ma-imagine na pwedeng maging perfect date ang isang simpleng set up. Ganoon pala talaga kapag mahal mo ang kasama mo. Tapos ganoon pa siya ka-sweet. ??? Ramdam na ramdam ko sa bawat halik niya ang pananabik. I won't write the other details pero mananatili dito sa puso ko lahat ng memories with him… Kulang ang bawat salita para ipahiwatig kung gaano ako kasaya. From that entry ay lumipat ang mga mata ni Arielle. Kumakabog ang dibdib niya habang nagbabasa. May nabubuong ideya sa kaniya habang binabasa ang diary ni Margaret. Tila nauunawaan na niya ang nangyayari pero tila naghahanap pa rin siya ng justification. Nico's presence felt like heaven. Para siyang droga na kahit alam kong bawal ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. I kept on wanting him. I yearned for his presence… for everything about him. Kaya naman after two days ulit na hindi namin pagkikita at malabong communication, sa apartment niya ulit kami nag- stay. Pagod raw kasi siya kaya hindi ko na lang pinilit lumabas. Today, I decided to cook for us. And I'm glad na na-enjoy niya ang food. I also cleaned his apartment. At gaya noong una, we spent our time inside his room… Watched television and fooled around… Hindi na mahalaga ang ibang bagay. Para sa akin, masaya na akong nakakasama ko si Nico. Habang tumatagal, ang kabang nadarama ni Arielle ay napapalitan ng intak sa dibdib. Tila ba ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Pinipigilan siyang huminga ng maayos at pinipisil ang bawat himaymay ng katawan niya. As Arielle turned another page, she bit her lower lip to suppress her emotions. Malapit na akong masiraan ng ulo. Pakiramdam ko ay nauubos na ang pasensiya ko sa paghihintay. I also began hating myself from acting like a nagger and paranoid girlfriend. But imagine, limang araw na wala man lang kaming matinong usapan ni Nico. Kung hindi pa ako nakailang tawag sa kaniya, hindi pa siya mapipilitang sagutin ako. Alam kong busy siya pero sana man lang ay maisip niyang may girlfriend siyang nag-aalala para sa kaniya. Hindi ba man lang niya naaalala ako? Kasi ako, siya lang palagi ang laman ng isip ko… Kumain na ba si Nico? Nakakapagpahinga na ba siya? Nasaan na ba siya? Pinagagalitan ba siya ng talent manager niya? Nakakaramdam ba siya ng pressure? All I could think about is him. Puro na lang si Nico ang nasa isip ko. Pero hindi ko magawang magalit sa kaniya lalo na at palagi niyang sinasabi na gusto niyang i-build ang sarili para kapag humarap siya kina mommy at daddy ay maging proud sila. Para… “Sinungaling siya!” mariin niyang bulalas habang mahigpit ang pagkakakahawak sa notebook. “Hindi niya kailangang maging kung sino para tanggapin siya nina mommy at daddy. Wala siyang kailangang patunayan kina mommy at daddy… At dapat alam mo iyan, Marj. Dapat alam mong hindi sila tumitingin sa estado ng kapwa nila. Ang gusto lang nila ay kabutihan at kasiyahan natin… Wala silang iniisip kundi… tayo… ikaw at ako…” Naging papahina ang tinig niya habang nagsasalita. Batid niyang huli na para magsalita ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Simula pa lang noon ay kita na niya kung gaano kamahal ng kapatid ang kasintahan. Nasaksihan niya kung paano mag-effort si Margaret. Hindi lingid sa kaniya na mas pinipili nitong isakripisyo sila na pamilya nito magkasama lang silang dalawa. But Arielle was too afraid to hurt her half-sister. Sa takot na masaktan ito, pinili niyang suportahan ito… kahit sa mga bagay na batid niyang makakasakit dito. Akmang isasara na ni Arielle ang notebook nang bumukas ang isang pahina. Lumantad sa mga mata niya ang isang larawan. Pakiramdam ni Arielle ay binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nakita. She saw Margaret in her uniform, in her casual dress, in her formal attire. She saw her looking happy, sad, mad at times, bright and innocent. But she didn’t see her in bed with a man, wearing nothing but see-through nighties… Arielle’s vision blurred with tears just as she heard her mother call her. Her head spinned around before she immediately hid Margaret’s notebook. “Kimmy! Are you there?” tanong ng kaniyang ina na sinundan ng pagkatok. Huminga siya nang malalim bago sumagot. Pinipigilan ang sariling mapasigok. “Yes, mom!” “Come on, kakain na tayo.” Maagap niyang pinalis ang luha. Umabot pa siya ng tissue para punasan ang mukha. “Susunod na lang po ako.” “Are you sure?” May pagtataka ang tinig na tanong nito. “Opo! May aayusin lang po ako.” Sandaling natahimik ang kaniyang mommy. Hindi malayong nagdududa na ito dahil hindi man lang niya buksan ang pinto. “Hihintayin ka namin ng daddy mo ha.” Sa wakas ay saad ng ina niya. Lihim siyang nakahinga nang maluwag. “Opo!” tugon niya sabay upo sa harap ng vanity table. Sinipat niya ang mukha kung may bakas pa ba nang pagkabigla o luha. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa ina oras na biglang maisip ng nitong pumasok. Mas lalong hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyayari o ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya… Hanggang ngayon ay bumabalik sa alaala niya ang imahe ng kapatid. At hindi niya gustong makita rin iyon ng mga magulang niya. Ngunit higit sa lahat, hindi na niya kayang humabi pa ng isang kasinungalingan para pagtakpan ang nawalang kapatid. Hindi niya na kaya pa… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD