CHAPTER THIRTY-FIVE

1755 Words
Villaluz University  Marami pang bakante sa loob ng parking area nang dumating si Keith. Awtomatiko rin ang pagsilay ng ngiti sa labi niya nang makita si Arielle pababa ng kotse nito. Sa hinuha niya ay pinayagan na ito ng ama ng gumamit ng sasakyan. Nag-park siya hindi kalayuan sa kotse ng dalaga. Hindi rin siya nag-aksaya ng oras. Matapos mai-park ang kotse ay dali-dali niyang inabot ang bag sa passenger seat at bumaba ng sasakyan. Sa pagbaba niya, agad nagsalubong ang kilay niya nang mamataan niya si Kean na palapit kay Arielle. Nasa likuran ito ng dalaga kaya hindi marahil pansin. Sa hindi maunawaang dahilan ay kaagad uminit ang ulo niya. Mas nilakihan niya ang hakbang para abutan ang mga ito. Gaya ni Jasmine ay pinsan niya rin si Kean pero hindi tulad ni Jas na malapit ang loob niya dito. Isang malaking kabaligtaran na makasundo niya ito. Tatahi-tahimik itong tao kaya naman laking gulat niya nang bigla na lang lapitan nito si Arielle. Ang ikinakabahala lang niya, para rin itong si Nico. He’ll gain someone’s trust. Persuade ‘till he had that someone’s heart. Use them in the way that would benefit him. But the moment he’s done with someone, he’d throw her away like trash. Did the story sound familiar? Lihim niyang kinalma ang sarili. Mula kay Kean ay lumipat ang mga mata niya kay Arielle na naglalakad palayo. Mas binilisan niya ang hakbang sabay tawag sa pangalan ng dalaga. “Arielle!” Tumigil sa paglalakad si Arielle at nilingon siya. “K-Keith…” Tila gulat nitong wika. Nilaparan niya ang ngiti niya bago halos takbuhin ang distansiya sa pagitan nila. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang tumigil sa paglalakad si Kean. Hindi rin nakalingat sa kaniya ang paghabol nito ng tingin sa kaniya. “Ang aga mong pumasok,” bati niya nang makalapit kay Arielle. Hinihingal-hingal pa siya habang nagsasalita. “Hindi naman. Nagkataon lang na pinayagan na ako ni daddy na gamitin ang car kaya mas maaga akong nakaalis sa bahay.” “Can see that.” Nagpatuloy sila sa paglalakad. “Pagkakahatid sa’yo ay umaalis kaagad ‘yung naghahatid sa’yo.” “Si daddy ‘yun. Pagkatapos niya akong ihatid ay si mommy naman ang ihahatid niya..” “Really?” “Hands-on kasi si daddy. Gusto niyang nahahatid kami. May instances naman na si mommy muna ang ihahatid niya bago kami dumiretso ng school. Madalang na hinahayaan niya kaming magmaneho ng kami lang.” Lihim siyang napahanga ng ama ng dalaga. “Pero hindi naman strict si Mr. Villaluz?” Sinulyapan siya ng dalaga. Nakangiting umiling ito. “Napakabait ni daddy.” “Hindi na ako nagtataka.” “Na?” Nagkibit-balikat siya sa halip na sagutin ang tanong ng dalaga. “Iniisip mo bang kaya hindi man lang ako nade-detention sa kabila ng mga nagawa ko ay dahil hinahayaan lang ako ni daddy?” Natigilan siya sa sinabi ng dalaga. “Of course not!” maagap niyang saad. Tiningala siya nito. Wala itong sinabi pero may lumambong na lungkot sa mga mata nito. “Hindi talaga ‘yun ang ibig kong sabihin.” Huminga siya nang malalim. “I promised! What I mean is you’re a nice lady, just like him.” Hindi pa niya lubos na kilala ang ama nito. May mga pagkakataon pa ring hindi siya makapaniwala na anak si Arielle ng isa sa may-ari ng university kung saan sila pumapasok. Pero dahil sobra nitong low-key, wala man lang siyang makitang proudness mula rito. “Binobola mo lang ako.” Tahimik na saad nito. “No. Nagsasabi ako ng totoo.” Itinaas niya ang kamay at ipinatong sa ulo nito dahilan para parehas silang tumigil sa paglalakad. “I’m not good at sugar-coating words. Isa pa, hindi ko ugaling mambola ng babae. Sige nga, sabihin mo kung may narinig ka nang may binola akong ibang babae.” Tinitigan niya si Arielle. Sandali itong nag-isip bago nagkibit-balikat. Minsan pa ay nakita niyang nagliwanag ang mga mata nito nang marahil mapagtantong nagsasabi nga siya ng totoo. Darn, but she’s really beautiful. Kung kinakailangan niyang pag-aralang mambola, pag-aaralan niya para lang palagi niyang makita ang saya sa mga mata nito. “Naniniwala ka na sa akin?” Malapad ang ngiting tanong niya. “Whatever,” irap nito sa kaniya bago nagpatuloy sa paglalakad. Halos mapunit na ang labi niya sa pagngiti. “Just admit it. Totoo ang sinasabi ko,” malakas niyang saad. Hindi siya pinansin nito at nagpatuloy sa paglalakad pero hindi nakalingat sa kaniya ang pagsupil nito ng ngiti. Akmang susundan na niya ito nang may humawak sa balikat niya. Nilingon niya kung sinuman iyon para lang matigilan. “Acting like a guardian angel?” tanong ni Kean sa baritonong tinig. “What?” kalmadong tanong niya kahit na ang totoo ay may nabubuong inis sa loob ng dibdib niya. “Kung ako sa’yo, mas babantayan ko siyang mabuti. I don’t want to make the same mistakes again.” Naging makahulugan ang huling salitang binigkas nito. Nakuyom niya ang kamao. “Isang payong kaibigan lang, Eugene. Bilang pinsan mo, inaalala lang kita.” Tumaas ang sulok ng labi nito at kung paanong walang sabi-sabing lumapit ito sa kaniya ay ganoon din ito umalis. Sinundan niya ang papalayong si Kean. Aminado siyang hindi lubos na naunawaan ang sinabi ng pinsan… Nilingon niya si Arielle na patuloy na naglalakad. Mabuti na lang at hindi na siya nilingon nito. Ipinilig niya ang ulo bago nagmamadaling sinundan si Arielle. Kung anuman ang plano at ibig sabihin ni Kean, tsaka na lang niya iisipin. Sa ngayon, kailangan niyang payapain ang dibdib at magagawa lang niya iyon sa oras na makalapit siya sa dalaga. ***** Dalawang klase kaagad ang dumaan na walang professor na dumating kaya naman kahit hindi pa break time ay gusto nang lumabas nina Kevin. “Tara sa private room. Doon na lang tayo kumain,” pag-aaya ni Kevin. “Oo nga. Nakakainip din dito. Tsaka binging-bingi na ako,” pagrereklamo ni Jasmine. Hindi naman niya masisisi ito dahil kanina pa siya nabibingi sa mga kaklase. Nagsuot na lang si Arielle ng airpods para mabawasan ang ingay na naririnig niya mula sa halakhakan at kwentuhan ng mga kaklase. Isa sa pasimuno ng ingay ay ang grupo ni Katrina at Nico. Palihim niyang sinulyapan ang mga ito. Naghambalang ang upuan ng mga ito. Magkatabi sila. Nakahilig ang ulo ni Katrina sa balikat ni Nico habang ang huli ay nilalaro-laro ang buhok ni Katrina. Nagbubulungan pa ang mga ito na susundan ng nakakairitang hagikhik ni Katrina. Lalo namang iingay dahil parang mga tandang na mag-iiritan ang mga kabarkdang babae ni Katrina. Mukhang kilig na kilig sa kanilang dalawa. ‘Akala mo naman ay mga perfect couple…’ naiinis na bulong ng isip niya. Aminado siyang naiirita pa rin siya habang nakikita itong masaya. Ngunit nitong mga nakalipas na araw ay tila unti-unti na niyang natatanggap ang lahat. Natatanggap na nga ba niya o nasasanay na lang siyang nakikitang masaya sina Katrina at Nico? Natanggap na nga ba niyang walang siyang magagawa kung walang pakialam ang mga ito sa nangyari sa kapatid niya? Sabagay… Hindi nila alam ang totoo. Hindi nila alam na hindi sakit ang ikinamatay ni Margaret. Hindi nila alam na nagpakamatay ito dahil sa sama ng loob sa kanila. Just as anger and guilt began to wash up her calmness, her gaze focused on Katrina. Nakatitig na pala ito sa kaniya habang nakangisi. Mukhang nananadiya pa ito dahil kumilos ang ulo nito na para bang bubulong sa tenga ni Nico ngunit mali siya nang inakala dahil walang ano-ano ay bumaba ang ulo nito patungo sa may leeg ni Nico at hinalikan ang binata roon. Namilog ang mga mata niya. Tila naman nasiyahan ito dahil ang kaninang halik ay sinundan nito nang pagkagat sa leeg ng kasintahan habang ang isang kamay ay naglalakbay sa dibdib ng lalaki. What the! Nagsisimula na siyang makaramdam ng paghe-hesterikal. Dahil sa ginawa nito ay muling bumalik sa alaala niya ang larawan ni Margaret habang nakasuot ito ng manipis na nighties. Sandali niya lang tinitigan iyon pero para bang tumiim sa utak niya ang imahe. Imaheng sa oras na iyon ay muling nabubuo sa utak niya. Imahe ni Margaret sa malaswang kasuotan habang nakahiga kama. Wala man lang kumot na nakatakip sa katawan nito. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito at medyo dark ang ibang bahagi ng kuha. Sa hinuha niya ay nag-uusap ito at si Margaret, ngunit nakakatiyak siyang hindi magandang klase ng usapan ang ginagawa nila dahil ang kamay ng hindi niya nakikilalang lalaki ay nasa hita ni Margaret. Gaya na lang ng mga kamay ni Nico na kasalukuyang nasa hita na ni Katrina. Gustong-gusto na ni Arielle alisin ang mga mata kina Katrina at Nico ngunit tila napako na roon ang tingin niya. Naninigas ang katawan niya na hindi niya magawang gumalaw kahit kaunti. Naiinis siya sa sarili dahil halatang nasisiyahan ang magkasintahan sa nakikitang pagkabigla niya pero hindi pa rin siya kumikibo. Umayos ng upo si Katrina. Her mouth formed words that despite the distance between them, she didn’t missed. Lalong nag humindig ang balahibo niya. “Wanna join us? Just like what she did…” Umawang ang labi niya, akmang magtatanong pero isang pigura ang humarang sa harapan niya. Mula sa gray na polo ay umangat ang paningin niya. Salubong ang kilay at madilim ang buong mukha nito. “Keith…” anas niya sa bahaw na tinig. “Halika na.” Iginaya siya nito patayo kaya wala siyang nagawa kundi sumunod. Hindi na rin siya nagreklamo pa nang kunin nito ang bag niya at isakbit sa balikat. “Doon tayo sa Private Room.” “P-pero…” “Pinayagan na tayong lumabas tutal wala naman tayong prof.” Napakurap siya. Nakatuon ang atensyon niya sa dalawa na hindi na niya napansin pa ang nangyayari sa paligid. “And please, don’t mind them.” Hinawakan siya ni Keith sa palapulsuhan. Base sa sinabi nito ay nakita nito ang nakita niya kanina lang. “T-they are…” “They are just playing with your head,” maagap na wika ni Keith bago marahan siyang hinila patungo sa pinto. “That’s part of their lame games. They’ll get inside your head at kung anuman ang susunod nilang gagawin, hindi ko alam. The best thing is to stay away from them.” Pinili ni Arielle na manahimik. Marahil sa mga oras na ito ay makabubuti kung lalayo at iiwas siya. Masiyado na siyang maraming iniisip para idagdag pa sila. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD