Arielle hated herself from being fragile. Nang makarating sila sa Private Room ay sandaling nagpaalam siya na gagamit ng CR. Good thing meron ang room, but the bad thing, hindi niya magagawang makatakas sa mala-agilang mata ni Keith. Sa tuwina na lang ay nakikita siya nito sa hindi magandang estado.
“Geez, Arielle! Ngayon ka lang ba nagkita nang naglalampungan at ganiyan ang reaksyon mo? Ano ka dalagang Pilipina na hindi pa nagkikita ng hubadera?” Ngali-ngali na niyang sigawan ang sariling repleksyon kung hindi lang sa takot na marinig siya nina Keith sa labas. “Bakit ka ba kasi kailangang matulala doon kina Katrina? Sanay ka namang magkita ng kissing scene sa Kdrama ah. Bakit kailangan mo pang imulaglag ang sarili mo sa kanila? You’re giving yourself away.” Itinuon niya ang dalawang kamay sa gilid ng sink. “Pinagmumukha mong mahina ang sarili mo sa kanila. Hindi ba at ikaw ang nagdesisyong lumipat ng course. Ikaw ang nagdesisyon kahit alam mong sila ang makakasama mo… Bakit hanggang ngayon ay ang hina-hina ng loob mo?”
Mariin niyang naipikit ang mga mata na sinundan nang pagak na tawa. “Itinatanong pa ba? Kasi naaalala mo si Margaret. Kasi hanggang ngayon, hindi mo matanggap na wala na siya. At mas nahihirapan kang tanggapin ang lahat dahil sa nalalaman mo…”
“Wanna join us? Just like what she did…”
Hindi niya literal na narinig ang sinabi ni Katrina pero malinaw na malinaw sa kaniya kung anong mga salita ang binuo nito. Sa bawat pagbuka ng labi nito ay tila isinisigaw rin nito ang mga salita. Ang hindi niya maunawaan ay kung anong ibig sabihin ni Katrina?
“Wanna join us? Just like what she did…”
Iminulat niya ang mga mata bago mariing tiningnan ang sariling repleksyon. “Ano na bang nangyayari? At bakit nakasuot ka ng ganoon, Margaret?” bulong niya habang nakatingin sa sariling repleksyon. Wala man siyang makuhang tugon sa ngayon, isang bagay ang kaniyang ipinangangako. Aalamin niya ang dahilan at may ganoong larawan si Margaret.
*****
“Okay lang ba siya?” tanong ni Kevin habang nakatingin sa pintuan ng CR. Sa halip na umupo sa tabi ni Daphne ay sumandal ito sa gilid ng cabinet.
Hindi inaalis ang tingin sa pintong humalukipkip si Keith. “Hindi ko alam,” tugon niya sabay upo sa pang-isahang sofa.
“Madalas iniisip ko pa rin kung tama ba ang ginawang desisyon ni Arielle na lumipat,” saad ni Daphne. “I like her with us kahit mas madalas na tahimik siya, pero hindi ako komportable sa tuwing nasa mas malapit sina Katrina at Nico sa kaniya.”
“Kahit saan pa pumunta si Arielle kung manggugulo sina Katrina at Nico, wala ring silbi dahil manggugulo at manggugulo sila. Matagal ng walang hiya sa katawan ang dalawang iyon. Tsaka imagine, sinong matinong babae ang halos maghubad na sa harap ng mga kapwa estudyante habang nakikipaglandian?” Umarko ang isang kilay ni Jasmine habang nakatingin sa kaniya. Hinding-hindi nito itinago ang inis kina Nico at Katrina.
“For the first time, ngayon lang ako nakadama ng ganitong klase ng inis sa kanila.” Naging tahimik ang paraan nang pagsasalita ni Daphne. Tiningala nito si Kevin na nakasandal pa rin sa gilid ng cabinet. Their eyes locked in a way that whatever was inside each other’s head, they already knew it. They already understood each other.
Walang tumugon sa mga ito sa sinabi ni Daphne. Hindi lingid sa kanila ang mga kalokohan nina Nico at Katrina noon pa man, isama pa ang grupo ng mga ito, ngunit hanggang wala isa man sa kanila ang pinakikialaman ng mga ito, wala silang pakialam. Pero iba na ngayon, Arielle was with them. And no matter what, they would watch her back.
Nanatili silang tahimik lahat hanggang sa bumukas ang pinto ng CR at lumabas mula roon si Arielle. Salitan ang ginawang tingin nito sa kanila. Wala siyang masabi kaya ipinagpasalamat niyang likas kay Jasmine ang pagiging kwela at maingay.
“Akala namin ay mamaya ka pa! Come on, we’ll grab something to eat!” Kanina lang ay seryoso si Jasmine pero sa isang kisapmata ay nag-switched ito sa maingay at kwelang Jasmine. Tumayo pa ito at hinila na ang dalawa palabas ng Private Room.
Napangiti na lang siya sa inasta ng pinsan. She knew how to save the day…
*****
Nagdesisyon si Arielle na hindi na tapusin ang araw. After break time ay nag-decide silang mag-stay sa Private Room pero dahil pakiramdam niya ay walang silbi manatili doon, she decided to leave.
“Gusto mo bang ihatid kita?” pag-aalok ni Keith habang naglalakad sila patungo sa parking lot. Hindi niya naawat itong hayaan na siya.
Marahan siyang umiling. “Huwag na. Isa pa, may sasakyan naman akong dala.” Hindi tumugon si Keith kaya ginawaran niya ito ng munting ngiti. “Kung iniiisip mong apektado pa rin ako dahil nina Katrina at Nico, stop thinking about it. I’m done thinking about them.”
“Sigurado ka?”
“Yeah.” Isinumpit niya ang buhok sa likod ng tenga. “Pwede ba akong maging honest sa’yo?”
“Of course. You can be whatever you want when you’re with me.”
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya. Unti-unti niya nang natatanaw ang kotse pero sa unang pagkakataon, nahiling niyang sana ay malayo pa ang sasakyan niya para magkaroon pa sila nang pagkakataon na makapag-usap. “Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa’yong wala talaga akong balak na kahit ano kina Nico at Katrina?”
Hindi kaagad tumugon si Keith.
“Totoong galit na galit ako sa kanila. Nagagalit ako sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila, sana ay kasama ko pa si Margaret.” Mariin niyang ikinuyom ang mga kamaong nakahawak sa sling ng bag niya. “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong lumipat ako hindi dahil nila… Lumipat ako para sa sarili ko…” Pigil ni Arielle ang paghinga habang nagsasalita. Hindi niya maunawaan ang sarili at bakit siya nagpapaliwanag kay Keith pero para bang kapag hindi siya nagsalita ay bigla na lang siyang sasabog.
“Naniniwala ako sa’yo.” Narinig niya ang paghigit nito nang hininga. “Habang kasama ka namin, ang nakikita ko lang na Arielle ay isang babaing sobrang nami-miss ang kapatid niya. Ang nakikita ko lang ay isang babaing sinusubukang buhayin ang pangarap na hindi natupad ng mahal niya.”
Natigilan siya sa paghakbang. Nakaawang ang mga labing tiningala niya ito. “Keith…”
“Pwede kong sabihing sobra kang nalulungkot kaya ka ganiyan pero kahit kailan, hindi ko masasabi kung gaano kahirap at kasakit para sa’yo ng lahat sukat at bakit ganito ang ginagawa mo, kung bakit iniwan mo ang dati mong kurso at mga kaibigan mo. Sa mga oras na ito, ikaw lang ang nakakaunawa ng lahat pero hindi ibig sabihin noon, hindi na matatapos ito.”
“Do I look lame?”
Ngumiti ito sabay iling. “No. You’re beautiful.”
Napakurap siya sa sagot nito. Hindi niya inaasahan na iyon ang makukuhang tugon mula rito.
“Hmmm… W-what I-I mean is…” Napayuko ito ng ulo sabay kamot sa batok. “Maganda ka naman talaga, but the way you love your sister is even more beautiful.” Tumuwid muli ito ng tayo.
Hindi siya kaagad tumugon sa halip isang matamis at walang pag-aalinlangang ngiti muna ang iginawad niya rito. “Salamat, Keith. Maraming salamat…”
*****
ShimmersErisJane