Chapter 3

2148 Words
“Patrice, bumangon ka na diyan. Kailangan na nating mag-shoot,” anang si Matilda at pilit siyang hinahatak patayo sa pagkakahiga niya sa L-shape sofa. “Bukas na ang deadline natin.” “Kayo na lang ang mag-shoot. Hindi ko kaya,” anang si Patrice at niyakap ang throw pillow. Parang binibiyak ang puso niya matapos ang pag-uusap nila ni Calden. Hindi niya magawang mag-function sa sobrang sakit. “Bakit? Bakit ganoon ang ginawa niya sa akin? Ano ba ang pagkukulang ko bilang girlfriend niya? Ginawa ko naman lahat para sa kanya pero nagawa niya sa akin ito?” “Oo nga. Di ko nga alam kung bakit nagawa pa niyang unahin ‘yung fake date niya kaysa sa anniversary ninyo samantalang ikaw nakalimutan na niya,” anang si Desmond na may hawak pang pastillas langka na para sana kay Calden. “Hoy! Bakit mo kinakain iyan? Regalo ni Tita kay Calden iyan,” sita ni Matilda dito. “Aanhin naman ito ni Calden? Di ba wala nga silang anniversary date ni Patrice dahil pinili niyang makipag-date kay Darling? Excited pang mag-tweet si Darling na atat much daw siya sa date nila ni Calden at kinilig ang buong bayan.” Saka humagikgik si Desmond. “Ang ganda-ganda pa ng dress ni Ateng. Pinagkagastusan talaga niya ang date nila ni Calden.” Napahagulgol si Patrice. “Kita mo. Kahit ikaw gusto silang magkatuluyan. Siguro di na talaga ako mahal ni Calden.” Parang lumulutang siya sa karagatan ng depression. Matapos nilang mag-usap ni Calden ay kumalat ang picture ng ka-love team nitong si Darling tungkol sa date ng mga ito. It was a simple picnic at the park. Pero mabuti pa ang mga ito may ganoon klaseng date samantalang siya ay tinanggihang makita ng nobyo. “Desmond, kapag di ka talaga tumigil ako mismo ang hahanap ng babae na pipikot sa iyo,” banta ni Matilda dito. “Kita mo ngang hirap na hirap na akong kumbinsihin si Patrice na simulan ang shoot, dinadagdagan mo pa ang problema.” “Sinabihan ko naman siya kung ano ang pakiramdam ng ma-involve sa isang showbiz personality. Hindi ba ex ko nga si Zayn Malik ng One Direction? Kaya alam ko ang pinagdadaanan niya,” nakapamaywang na sabi ng lalaki. “Ambisyosang froglet ka! Maghanda ka na nga lang ng tea at sandwich para makakain itong si Patrice at mahimasmasan,” utos ni Matilda dito. Sinapo ni Desmond ang dibdib at napamaang. “Ay! Kung makautos lang sa akin parang aliping saguiguilid ako at siya ang panginoong may lupa?” Binigyan ito ni Matilda ng nagbabantang tingin. “Susunod ka ba o gusto mong ikulong kita sa isang kuwarto kasama si Desmond?” tukoy nito sa kaklase nilang patay na patay kay Desmond. “Heto na nga. Magtitimpla na po ng tea, Madam,” anang lalaki at nagmartsa patungo sa kusina. Ibinangon siya paupo ni Matilda at niyakap siya. “I am sorry. Hindi ko alam na ganyan na pala kalala ang nangyayari sa inyo ni Calden. Akala ko normal lang na wala na siyang oras sa iyo dahil busy siya sa career niya.” “Akala ko ganoon din. Sanay naman ako na may ka-love team siya at nali-link din sa ibang artista. Parte iyon ng trabaho niya. Pero nakausap ko si Tita Mina kahapon. Sabi niya nagkakamabutihan na daw si Calden at Darling at ang alam niya break na din kami. Tapos nang makausap ko si Calden pinagalitan pa niya ako kung bakit ako daw unang tumawag sa kanya. Ni hindi niya naalala na anniversary namin.” “Natural lang iyon sa trabaho niya. Nakita mo naman halos wala na siyang tulog at malamang iba ang may hawak ng schedule niya.” “Pero may oras siya sa fake date at ni hindi man lang niya ako bigyan ng oras para makita siya. Isang minuto lang naman ang hinihingi ko, di pa niya maibigay. Kung wala siyang oras sa anniversary namin, kailan pa siya magkakaroon ng oras para sa akin. Baka naman ayaw na talaga niya sa akin.” “Hindi natin alam hangga’t di pa kayo nagkakaharap ulit. Di dapat pinag-uusapan ang ganyang bagay habang emosyonal ka pa,” paliwanag ng kaibigan. “Isipin mo nahihirapan din si Calden. Kahit na gusto ka niyang makasama, di niya magawa dahil kontrolado ng nanay niya ang kilos niya. At nakakadagdag ka pa sa iintindihin niya.” “Sabi niya babawi daw siya.” “Iyon naman pala. Babawi naman.” “Iyon ay bago ko nalaman na may date sila ni Darling. Naputol na ang pisi ko, Matty. Hindi ko na kaya. Tanggap ko na di kami magkikita sa anniversary namin o kaya ay busy siya sa trabaho. But I am drawing the line this time. Fake man o hindi ang date nila, ayoko na ng ganitong pakiramdam. I can only take so much.” “Mas maganda ka pa rin sa Darling na iyon, girl,” sabi ni Desmond at inilapag ang tray ng sandwich at tsaa sa center table. “Pero maglo-loss ang ganda mo kung iiyak ka diyan at di ka kakain. Sige na. Si Calden lang iyon.” “Hello! Nila-lang-lang si Calden Faulkner? Calden Faulkner iyon,” kontra naman ni Matilda dito. “Lalaki pa rin iyon.” Pinunasan ni Desmond ng Kleenex ang luha niya. ala kang mapapala diyan.” Humihingi siya ng saklolong tumingin kay Matty. “Uhmmm...” Ayaw pa talaga niyang bumangon doon. Di pa niya kayang harapin ang buhay. Gusto pa niyang “Tama naman si Des, Patrice. You have to get up and face the world. Pare-pareho tayong walang project kapag di tayo nakapag-shoot. At ikaw na ang face ng Cooking with Love. Wala kaming charisma gaya mo sa camera.” Itinaas ni Desmond ang kamay. “At ang alam ko lang sa pastillas ay kumain. Di mo ako maasahan diyan.” Ginagap nito ang kamay niya. “Pwede bang kahit ngayon intindihin mo muna ang grade natin bago ang malupit na pag-ibig? Kapag natapos natin ang shoot natin, kahit mag-crayola ka hanggang bukas. We need you.” “Okay,” aniya at huminga ng malalim. Dinampot niya ang tasa ng tsaa at sumimsim saka isununod ang pagsubo ng sandwich. Kailangan niyang maging matatag. Kailangan niyang harapin ang buhay. Naalala niya ang bilin sa kanya ni Calden mismo dati na sa propesyon nito, kailangan daw isantabi ang mga personal na pinagdadaanan at harapin ang trabaho dahil maraming umaasa dito. How ironic. Ngayon pa niya magagamit ang bilin nito sa kanya. MATAPOS kumain ay inayos ni Patrice ang sarili. She put on her make up and fixed her hair. Para sa Cooking with Love, kailangang makita ng lahat na masaya siya at in love. In love sa pagluluto at sa taong ipinagluluto niya. Iyon kasi ang punto ng programa nila. Kailangan niyang kimkimin ang sakit at magmikhang walang problema. Walang dapat makahalata na may pinagdadaanan siya. Kahit sarili niya ay kailangan niyang kumbinsihin na masaya siya at ayos lang ang lahat. Kaya ko ito. Kaya ko ito, paulit-ulit niyang wika sa sarili. Makalipas ang kalahating oras ay nakaharap na siya sa camera kasama ang mga ingredients sa paggawa ng pastillas. Kung gusto niyang maging matagumpay na TV personality balang-araw gaya ng pangarap niya, “Hi! This is Patrice again for Cooking with Love. We have a special sweet treat for you today. Pastillas is a favorite dessert na perfect na panregalo sa taong love ninyo,” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa camera. Nang banggitin ang love ay parang may pumusok na pardible sa puso niya. “Ituturo ko sa inyo ang recipe na nagpa-in love sa taong importante sa akin. So if you want to capture your man’s heart, pay attention. I will tell you my secret.” Naging alanganin ang ngiti niya. Isinulat nga pala niya ang script na ito para sa anniversary nila ni Calden. Para ipakita niya ang pagmamahal niya sa binata. Memorable din sa kanya ang pastillas dahil doon sila unang nagkakilala at paborito din nito. Bakit ba di niya inaasahan ito? Sana pala ay ibang recipe na lang ang naisipan niyang iluto gaya ng ginisang ampalaya o kaya ay papaitang kambing? Hindi pastillas na matamis. Hindi pastillas na nagpapaalala ng pag-iibigan nila ni Calden. “First, ihanda ang ingredients. Kailangan lang ninyo ng isang tasang powdered milk, kalahating tasa condensed milk at isang tasa ng granulated white sugar. Nakita naman ninyo na puro matatamis ang recipe natin. Hindi pwedeng kulang ang sweetness dahil kailangan sa isang relasyon mas sweet, mas maganda. Tiyakin lang ninyo na wala kayong makakalimutan na ingredients. Sa isang relasyon, bawal din makalimutan ang celebration ng importanteng okasyon lalo na kung anniversary ninyo. Kung talagang mahal ninyo ang isang tao, hindi kayo makakalimot sa anniversary ninyo, di ba?” tanong niya na may kasamang gigil. “Cut!” utos ni Matilda at itinaas ang dalawang kamay. “B-Bakit?” tanong ni Patrice. “Hindi iyan ang nakalagay sa script,” sabi ng kaibigan at halos iduldol ang script na siya mismo ang gumawa. “Binabasa mo ba ang idiot board?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Sorry. H-Hindi ko nabasang mabuti.” “Ayos naman ang sinabi ni Patrice, ah!” pagtatanggol naman sa kanya. “Mas maganda pa nga kaysa sa script. Ituloy na natin.” “Sige! Sige! Doon na tayo sa procedure,” sabi ni Matilda. “Paghaluin ang condensed milk at ang powdered milk,” pagpapatuloy ni Patrice at inilagay sa bowl ang dalawang sangkap. “Kailangan ng perfect harmony sa isang relasyon. Importante din na maglalaan kayo ng oras sa isa’t isa. Di pwedeng laging isa na lang ang umiintindi. Di pwedeng isa na lang ang laging nagbibigay. Di pwedeng isa lang ang nag-e-effort. Kapag ganoon, hindi magiging sakto ang timpla sa isang relasyon. Di naman kailangang lagi kayong magkasama at magkausap. Sa isang nagmamahal, kahit sandali ka lang niyang kausapin, kahit sandali ka lang niyang makita, masaya na siya. I-check ninyo ang mixture kung masyadong malabnaw, hindi pwedeng ihulma iyan. Minsan masyado tayong mapagbigay at maluwag kaya akala ng iba okay lang na saktan tayo. Lagi na lang nilang sasabihin na mahal natin sila kaya kailangan lagi tayong magbigay. Kahit nasasaktan na, kailangang unawain pa rin. Hindi ganoon ang tamang relasyon. Hindi kayo dapat laging parang tanga kasi naaabuso kayo.” “Patrice, smile,” paalala sa kanya ni Matilda. “Nawawala ka na sa script.” Bigla niyang naitusok ang spatula sa mixture. Hindi na niya narinig ang sinabi ng kaibigan dahil ang tanging naririnig niya ay ang ugong ng tainga niya at ang nararamdaman na lang niya ay ang sakit ng puso niya. “Ang labo naman! So, bigay na lang ako nang bigay at siya tanggap na lang nang tanggap? Kailangan sila na lang ang laging intindihin? Tapos kapag nakalimutan niya ang anniversary namin okay lang?” “That’s enough, Patrice! Cut!” utos ni Matilda at itinaas ang mga kamay. “Hindi na iyan ang nasa script. Ano ba?” “No, Matilda! Unfair! Unfair na parang tanga akong naghihintay kung kailan siya tatawag. Parang tanga na naghihintay kung kailan niya ako maaalala. Tapos nakalimutan niya ang anniversary namin at di daw niya ako maide-date dahil busy siya pero nakita ko siya na may ka-date na ibang babae. Anak ng pastillas naman o!” usal niya at napahagulgol ng iyak. “Patrice...” malungkot na usal ng kaibigan sa pangalan niya. “Tama na iyan.” “Sorry, Matty. Nawala ako sa script,” aniya at napahikbi. “I-Itutuloy ko na lang ito. Malapit na akong matapos. Bibilutin mo ang mixture sa palad mo saka pagugulungin sa asukal. Parang pastillas ako na pinagulong sa asukal. Naniwala ako na busy lang siya. Naniwala ako na mahal pa rin niya ako kahit na wala siyang oras sa akin. Ano pa bang kulang sa pagmamahal ko? Ano paaa? Hindi na ba ako ang mahal mo? Ayaw mo na ba ng pastillas?” Napaupo na lang siya sa sahig at malaya na ang luha na umagos sa pisngi niya. “Hindi ko na kaya. I am sorry. A-Ayoko na. Pusang galang pastillas na iyan! Ayoko na iyan! Ayoko nang maalala si Calden!” Niyakap siya nina Desmond at Matilde. “Okay na iyan, friend. Okay na iyan. Pastillas de leche talaga ‘yang si Calden. Man-hater na rin ako para sa iyo,” sabi ni Desmond. “Sige, beh. Iiyak mo lang iyan.” “I am sorry k-kung hindi ko matatapos ang video natin. Di ko talaga kaya.” Masyadong malapit sa puso niya ang pastillas. At masyado pang masakit ang sugat sa puso niya para maging positibo pagdating sa pag-ibig. “Kami na ang bahala sa project natin. Ang mahalaga maging okay ka,” anang si Matilda. “Basta nandito kami para sa iyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD