Tulala si Master Loki nang makita niya ako. Matipid ko lamang naman siyang nginitian. “Haze, you were alright!” Kaagad niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko at pinagmasdang mabuti. “But you were just hit by the Mjolnir. Inaasahan ko na kakailangan mong makapagpahinga para magamot muli ang mga sugat mo—” “Mamaya na po ako magpapaliwanag. Magulo rin po sa akin pero sa tingin ko kahit papaano ay magagawa kong labanan si Thor. Mas mabuti pang umalis na kayo rito, Master Loki. Ako ang pakay ni Thor kaya’t hayaan niyo akong harapin siya. Hindi na dapat kayo madamay pa sa gulo ng buhay ko.” Binigyan ko siya ng isang ngiting magpapakalma sa lahat ng pangambang maaaring nararamdaman niya ngunit nakita ko ang pag-iling niya. “Hindi kita iiwan dito, Haze. You’re my family! Haharapin natin

