Chapter 20

2459 Words

“Thor…” Hindi namin inaasahan na bigla na lamang magpapakita si Thor sa amin. Nakalipat na kami sa isang bahay malayo sa bahay nina Agnes dahil ayaw ni Master Loki na madamay pa sila at mukhang tama lamang ang naging desisyon namin dahil makalipas lamang ang ilang araw ay biglang may tumamang malakas na kidlat sa bubong ng bahay at nakita namin si Thor mula roon. “Loki,” walang emosyong pagbati ni Thor kay Master Loki, ganoon pa ma’y ramdam mo na ina-acknowledge niya pa rin naman ito. “Kung naandito ka para sapilitan na namang kunin si Haze ay hindi kami makakapayag. Po-protektahan ko si Haze at hindi mo siya makukuha nang ganoong kadali, Thor,” matigas na pagbabanta ni Master Loki kay Thor. Ipinatong ni Thor ang kanya Mjolnir sa kanyang balikat na para bang hindi siya nahihirapang buh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD