Wala pa rin akong ideya sa kung paano ko nagawa iyon pero wala na rin akong oras para isipin pa iyon nang malalim sa ngayon at magsayang ng oras. Kailangan kong makaalis dito. Wala rin naman ang Eternal Flame roon kaya’t sa tingin ko wala nang dahilan para magtagal pa ako rito. Kaagad akong tumakbo sa naalala kong daan palabas habang nagwawala si Sutr dahil sa ginawa ko at paninigas ng kanyang kamay dahil sa yelo. Malakas na sumigaw si Sutr kaya’t muntikan na akong matumba. Nabalanse ko naman ang sarili at nagpatuloy lamang sa pagtakbo. Yumanig ang lupang tinatapakan ko at ang buong Muspelheim nang tumakbo papalapit sa akin si Sutr at dahil malalaki ang kanyang hakbang ay mabilis lamang para sa kanya ang maabutan ako. Kaagad akong nag-isip ng dapat kong gawin. Naisip kong isipin muli

