“Haze, may mabilis na tumakbo banda roon!” sigaw ni Freyja habang may itinuturong lugar. Kaagad akong napabaling doon pero wala naman akong nakita. Baka mabilis iyong nakaalis. Magkasama kaming dalawa sa gitna ng kagubatan at naghahanap ng baboy ramo. Hindi ko ba maintindihan sa trip ni Freyja at gusto niya iyong makita. Hindi sumama sa amin si Master Loki at sinabing magpapahinga na lamang daw siya kaysa ang sumama pa sa amin tapos ay boses lamang ni Freyja ang maririnig niya. Gusto kong tumawa noon pero pinigilan ko dahil sumimangot ang mukha ni Freyja sa sinabi ni Master Loki. “Niloloko mo naman ata ako, eh.” Kani-kanina pa rin kami rito at hanggang ngayon ay wala pang nagpapakita sa amin kahit na madalas ay marami naman akong nakikita. Humalukipkip si Freyja at umiling. “Hindi, may

