“This is worser than what I have expected. Akala ko kahit papaano ay maiiwasan nating makaharap si Laufey,” bulong ni Master Loki sa likod ko. Hinahanap ko pa rin kung nasaan si Laufey ngunit hindi ko ito makita sa ngayon. Nasaan ba ang trono niya? Mula ba sa kinaroroonan niya ay nakikita niya kami? “Baka madala naman natin siya sa pakiusap. Sabihin natin ay makikidaan lamang tayo. Kagaya naman niya ay kalaban din ang turing natin kay Master Odin—” “Sa tingin mo makikinig siya sa atin? Sa tingin mo iisipin niyang kinakalaban natin si Odin? I doubt that. Father swore his loyalty to Odin way back. Galit si Laufey sa amin,” sagot naman ni Jormungandr sa sinabi ni Freyja. Huminga ako nang malalim. Wala akong nakikitang frost giants na nakapaligid sa amin. Hindi ko alam kung kagaya ba ito s

